What's new

Help ANO PO GAGAWIN PAG DI AKO BINIGYAN NI KAP NG BARANGAY PERMIT? NEED KO PO ADVICE NYO, PISONET SHOP BUSINESS (5 UNITS) OWNED.

Almost mag 1 year na ang pisonet business ko po mula sa isa hanggang sa naging lima ngayon 7 unists na po at fixed na po ito and quantity. May nagreklamo po sa min mga kapit bahay na nagpapasok daw ako ng mga batang may pasok sa school, nag papa view daw ako ng **** sa mga bata na wala namang katotohanan. Concern ko lang po bakit sila na iingit na ilang unit lang naman pagmamay ari ko. Please respect may post at ma appreciate ko talaga mga advices nyo. Kung ano po dapat gawin kung ayaw ako bigyan ng permit at pwede ba nila ipasara kaagad ang pisonet shop ko?
 
Magandang araw po!

Naiintindihan ko po ang inyong sitwasyon at dapat po nating malaman na ang pagpapatakbo ng isang negosyo ay mayroong mga patakaran at regulasyon na dapat sundin. Kung ang inyong barangay ay mayroong patakaran na nag-uutos na bawal magpapasok ng mga bata sa inyong pisonet shop, kailangan po ninyong sundin ito upang maiwasan ang posibleng mga reklamo.

Maaari po kayong magpakita ng maayos na dokumento ng inyong pisonet business na maaaring makatulong sa inyong aplikasyon para sa permit. Maari po kayong magtanong sa barangay kung ano ang mga kailangan na dokumento at papeles para sa inyong aplikasyon. Kung hindi po kayo bigyan ng permit, maari po kayong magtanong kung ano ang mga dahilan at kung paano ninyo ito maaring mapag-usapan upang magkaroon ng solusyon.

Sa kasong ipinasara ng barangay ang inyong pisonet shop, maari po kayong magreklamo sa higher authorities para sa imbestigasyon at maunawaan ang dahilan ng pagpapasara ng inyong negosyo. Maaring din po kayong magkonsulta sa abogado upang malaman ang inyong mga karapatan.

Sa huli, mas mainam na magkaroon ng maayos na pakikipag ugnayan sa barangay upang maiwasan ang mga reklamo at mga problema sa pagpapatakbo ng inyong negosyo.
 
makipag usap ka don sa taong nag reklamo sa pinakamalapit na brgy hall then linawin mo na wala naman talagang ganon sa pisonet business mo boss. para magkaron kayo ng maayos na usapan mahirap yan pag tsismis ay kumalat lalong lalala ang sitwasyon madadamay ang business mo.If ever naman na pinagpipilitan nila na ganon nga ang nangyari ang last choice mo is mag lagay ng signage sa business mo ng bawal ang ganon then block the unwanted site para less problem. Sa dami ng mga taong may crab mentality ngayon (diko nilalahat) kapag umangat ka sa kanila imbis na mag cheer para sayo tataluhin ka kamag anak man or kapitbahay. (edited)
 
Napaka ganda po ng advice ninyo mam/sir, may nagreklamo napo doon sa barangay hall namin nung nagsession ang mga barangay official kahapon, pero sad to say po di po ako inimbitahan tama po ba yon na kusa nalang sila nag decide na wala ako sa harap nila, at bakit di nila e setlle muna bago nag decide na ipasara, kaya ayun pumunta ako kahapon sa bahay ni kapitan at ang advice nya ipasara ko temporary daw po ang shop ko , sinagot ko sya na ano po kakainin namin dyan po kami nabubuhay di ba pwedeng ipagbawal lang ang reklamo nila kesa ipasara? kaya po ako ngayon doubtful na, kasi kasisimula ko palang nagmamasid palang kung ok ba ang business nagdadalawang isip na ako baka di ako bigyan nila ng barangay permit.
 
Maraming salamat sa inyong pagpapahayag ng inyong mga saloobin. Dapat po sana ay binigyan kayo ng pagkakataon na makapagbigay ng inyong panig sa pagpupulong sa barangay hall. Tama po na magtanong kayo kung ano ang dahilan ng pagpapasara ng inyong pisonet shop at kung ano ang mga hakbang na maaring gawin upang maibalik ang pagpapatakbo ng inyong negosyo.

Maari po kayong magpakita ng mga dokumento at papeles na nagpapatunay ng inyong pisonet business at ng inyong kalagayan. Makakatulong din po kung magpakita kayo ng mga pagpapatunay na wala kayong ginagawang labag sa batas.

Maari rin po kayong magtanong sa barangay kung mayroong mga alternatibong solusyon sa sitwasyon na ito. Maaaring magpasa ng panukalang solusyon na magagawan ng paraan upang maibsan ang mga reklamo ng mga kapitbahay, ngunit hindi naman po makakaapekto sa inyong pisonet business.

Sa huli, ang pinakamainam ay magkaroon ng maayos na usapan sa barangay upang maunawaan ang mga panig ng bawat isa at maipaliwanag ang inyong sitwasyon.
 
makipag usap ka don sa taong nag reklamo sa pinakamalapit na brgy hall then linawin mo na wala naman talagang ganon sa pisonet business mo boss. para magkaron kayo ng maayos na usapan mahirap yan pag tsismis ay kumalat lalong lalala ang sitwasyon madadamay ang business mo.If ever naman na pinagpipilitan nila na ganon nga ang nangyari ang last choice mo is mag lagay ng signage sa business mo ng bawal ang ganon then block the unwanted site para less problem. Sa dami ng mga taong may crab mentality ngayon (diko nilalahat) kapag umangat ka sa kanila imbis na mag cheer para sayo tataluhin ka kamag anak man or kapitbahay. (edited)
tamang tama ang point mo boss, crab mentality talaga mga kapitbahay namin dito. at mga marites pa kaya nga dito ako nag pa abot ng concern ko dahil mas lalala kung sa ibang social media ako mag post like FB and etc. nakipag usap na ako , kami sa mga nag reklamo at may nag utos lang daw sa kanila na ireklamo kami na wala naman silang anak or kamag anak na pumapasok sa shop namin. Ang totoo po kasi dito nag renta lang po kami ng pwesto at ang owner ng pwesto parang may plano na magbusiness ng tulad nito hahay nako. Salamat sa pagpaabot ng advice mo boss. well appreciated talaga lalo na sa status ko ngayon.
 
Siguro ts puwede mo hingian ng evidence ng complaint like blotter at picture na magpapatunay sa paratang nila sayo. Nakasulat dapat yun hindi verbal lang. Siguro kung wala sila maipakita eh dumiretso ka na sa munisipyo😁
 
yan po gusto mangyari dapat may mga evidence sila at patunay na totoo ang kanilang mga paratang sakin. huhu talagang inggit lang sila or crab mentality takes over. hahaha hopefully sa ganitong paraan magka harap na kami sa barangay na nandoon ako. kasi nang may nagreklamo wala po kasi ako doon eh.
 
For filing ng summon po dapat yan. Dun ipapakita evidence ng complainant😁 pero puwede naman siguro kayo magkasundo at gumawa ka ng kasalutan nalang.
 
Back
Top