What's new

Closed Ano kaya mangyayari sa Pinas kung wala na si DU30?

Status
Not open for further replies.
Sa tingin nyu guys ano kaya mangyayari sa pinas kung matapos na ang termino ni Duterte at ibang administrasyon na ang papalit?

Babalik kaya ulit sa mataas na crime rate ang atin bansa? Sa totoo lang madami adik dito sa amin pero nun si DU30 na ang pangulo wala na nakatambay sa labas nang bahay namin para magsugal. Kung meron man nakatambay may hinihintay lang at naka damit na pantaas na, nuon puro tambay dito nakahubad.

Para sa akin hindi perpektong administration ni tatay Digong pero eto na ang the best president para sa akin na nararanasan ko since kay cory to the last present (noynoy).
Dadami kaya ulit ang mga holdaper? Alam naman natin na meron pa din nang ho.holdap pero di na gaano marami. Dadami kaya ulit ang mga adik sa lansangan? Alam naman natin meron pa mga adik pero nakatago na sila ngayun di tulad dati lantaran pinapakita ang mga shabu sa kalye nuon dito sa amin nang mga adik.Ma imagine nyu kaya kung ano mangyayari pag ibang administration na? Share your wise opinion naman dyan. DU30 Supporter here.✌
 
Grabe po pala yung mga usapan dito. Kung magshe share po pala kayo ng mga masasabi ninyo, balanse talaga yung argumento, walang halong bias. Mas sensible pa yung mga comments dito compared sa mga biased people sa FB at sa r/philippines sa Reddit.
 
  • Like
Reactions: k_9
mahirap tangalin kase ang drugs, mga bigtime or high profile kase nagpapagulong ng pera, i agree with you na hindi perpekto ang current administration lalo pa kung isasama ang usapin sa china, pero same with you dito sa lugar namen, halos lahat ng kilalang adik at siga nawala, good yun para sa part ng family namen na maraming babae, we cant say actually na bubuti o lalo pang magiging worse ang papalit na administrasyon, lalo pat malakas ang pera sa pulitika, siguro unahin muna natin yung "ρáíd Trolls", sa era ngayon, Social Media is so powerful, powerful enough to make people believe that right is wrong, wrong is right 👌
 
[XX='Watashiwabakadesu, c: 225820, m: 1752901'][/XX] Yah mag kaibigan sila pinagamot panga ni marcos si aquino sa hospital na pinatayo niya at tinawagan pa ni marcos ito na wag monang uuwi sa pinas kasi may banta sa buhay niya pero umuwi padin siya(at that the time may sakit na si aquino may taning na ang buhay niya) sinabi yan ng Intel na sinabihan pa ni marcos na wag ng uuwi pero umuwi padin, tapos don na nag umpisa, lahat pinalano nila mga dilawan at mga amerikano kaya du30 never siya sa amerikano. Well played yellow at americans, such a great psychopaths😊
 
  • Like
Reactions: k_9
kala ko ba hanggang 6 years at may papalit naman na pangulo
 
Kahit sino naman presidente meron paring krimen. Yung naupo si duterte para sakin wala namang ikinaangat ang bansa. Mas dumami yung problema kesa sa magandang nangyari. Marami ring namatay, maraming namatay na mahihirap na pusher at user na dapat ang totoong hulihin yung talagang gumagawa rito sa bansa na mga mayayamang drug lord. Hindi ko sinasabing hindi dapat hulihin yung mga small time user at pusher. Pero bakit ang daming balita na pinapatay sila na hindi man lang nabigyan ng pagkakataon na makapaglitis sa korte. Tapos sinasabi ng mga pulis na nanlaban samantalang ang daming ibedensiya na yung mga pulis ay nagtatanim ng ebidensuya. Accdg. din sa mga international news source at UN research walang magandang naidulot ang drug war dito sa bansa kundi ang libo libong namatay. Nung nakaraan nga lang ang death anniversary ni Kian delos santos na batang namatay dahil sa drug war. Kung yun nga nangyari ano pa kaya sa libo libong unfair deaths na naganap. Kung babalik ako sa taong 2016 hindi ko talaga iboboto si duterte. sana matapos na ang termino niya sana eleksiyon na agad. di ko kaya na parang binebenta niya tayo sa china, di ko kaya na maraming buhay na nawala dahil sa drug war na di binigyan ng pagkakataon na magbago samantalang yung mga big time drug lord hindi man lang naipahayag na nahuli, di ko kaya na masyadong incompetent ang paghahandle sa covid situation sa bansa na sana kung noong january pa lang nag ban na ng travel ang pangulo edi sana di ganito kalala, hindi ko kaya na walang konkretong plano, hindi ko kaya na ang presidente walang paggalang sa diyos, sa kababaihan, di ko kaya ng presidenteng hindi seryoso sa pag lilingkod at panay jokes at mura lang ang alam. hindi ko na kaya ang presidenteng umutang ng bilyon bilyong halaga pero hanggang ngayon wala paring aksiyon. kulang ang pondo sa deped, walang tulong nag mga guro, di pa rin makapag aral, nag hihintay lang ng vaccine. kulang ang tulong sa frontliners. maraming nagpositibo sa mga probi siya dahik sa bakik probinsiya program na band aid solution na walang paghahanda. mula noon hanggang ngayon sitwasiyon sa pandemya pinakitang hindi magaking sa pag handle ng bansa nag pangulo at cronies niya. tapos naalala ko ang marawi, hanggang ngayon walang nangyari. ang dami na ng utang ng bansa ang dami na ng problema. haysss sana iba na lang naging presidente.
 
[XX='Junbantasan, c: 225787, m: 1738217'][/XX]
ang alam ko hindi naging dilawan ang magulang ni pduts,
kasi yung ama ni pduts marcos cabinet member parin
kahit tagilid na ang marcos. nanatili parin syang tapat on
marcos regime. as far as i know. hehehe
 
Malamang adik na ako ngayon.... actually before Duterte's administration I was involved in cannabis... high school pa ako no'n si noynoy pa pres may mga kilala din ako na nagbabato pero no'ng si Duterte na natakot na ako at never na tumikim ulit ng halaman.... siguro kung di si Duterte naging president baka nagtry na rin ako ng bato...
 
  • Like
Reactions: k_9
Wag sana manalo mga dilawan Putcha ano na mangyayare kung sila mananalo Mas preferred ko si binay bilang president sa tingin ko maganda magagawa niya sa pilipinas kagaya na lang ng mga mahihirap na walang trabaho mabibigyan ng trabaho at Unti-unti anyang nawala ang kahirapan sa Makati. Mula sa poverty incidence of 3.74% in 2000, sa gabay ni Binay bumaba sa 0.5% noong 2012 ang rate of poverty hindi lang naman siya nanalo sa pagiging presidente Dahil nga iba ang tingin sa kanya ng ibang tao Ayaw sa kanya dahil panget,maitim,maliit etc At isa pa maganda ang pamamalakad niya sa makati paano pakaya kung sa buong pilipinas
 
  • Like
Reactions: k_9
Status
Not open for further replies.
Back
Top