tamtam_661
Honorary Poster
nag try ako nyan nag kaka acne ako dyan di siguro hiyang skin ko....matanong ko lang pwede ba gumamit ng facial cleanser sa una tapos sunod naman sabon...halimbawa gamitin ko cetaphil sa una tapos sunod naman belo men whitening soap
Hindi ako expert pero nung late teenage years ko nagpa-derma ako kasi sobrang lala na ng acne at hindi nakaka-pogi (tamang ipon lang ng college allowance hehe)
Ang sabi sakin hindi raw dapat kung ano-anong nilalagay sa mukha kasi may natural oils tayo and kapag nag-dry ang skin (na cause usually ng TOO MUCH na pagsasabon at pag-i-scrub), dun nag-i-start ang breakout. Isa pang reason is yung maduming pillowcase na talagang sinapuso ko at 2x ako nagpapalit every week.
Baka nga hindi mo hiyang ang apricot scrub ng st. Ives kasi yun din pinakamatapang. Skin type ko kasi is masyadong oily. Pwede mo i-try yung mga may lower level ng salicylic acid like yung charcoal scrub basta importante wag araw-arawin kasi masusunog skin sa mukha mo.