What's new

Closed Ano ang ibig sabihin ng “mata para sa mata”?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,557
Reaction
7,218
Points
2,570
502018137_univ_sqr_xl.jpg
Ang sagot ng Bibliya

Ang utos na “mata para sa mata” ay bahagi ng Kautusan ng Diyos na ibinigay ni Moises sa Israel noon, na sinipi naman ni Jesus sa kaniyang Sermon sa Bundok. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ibig sabihin, kapag nagpaparusa sa mga nakagawa ng kasalanan, ang parusa ay dapat na katumbas ng krimeng ginawa. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Ang utos na ito ay para sa sadyang pananakit o pamiminsala sa ibang tao. May kinalaman sa nagkasala nang sinasadya, ganito ang sinasabi ng Kautusang Mosaiko: “Bali para sa bali, mata para sa mata, ngipin para sa ngipin; ang katulad na uri ng kapintasan na pinangyari niya sa taong iyon, gayundin ang pangyayarihin sa kaniya.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Para saan ang utos na “mata para sa mata”?
Ang utos na “mata para sa mata” ay hindi nagpapahintulot sa isa na maghiganti. Sa halip, tinulungan nito ang inatasang mga hukom noon na magpataw ng angkop na parusa—hindi napakalupit at hindi rin napakaluwag.

Hinahadlangan din ng utos na ito ang sinuman na sadyain o planuhing saktan ang iba. Ayon sa Kautusan, ang mga nakasaksi sa paglalapat ng katarungan ng Diyos ay “matatakot, at hindi na sila muling gagawa ng anumang kasamaang tulad nito sa gitna mo.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Dapat bang sundin ng mga Kristiyano ang “mata para sa mata”?
Hindi, wala nang bisa ang utos na ito sa mga Kristiyano. Bahagi ito ng Kautusang Mosaiko, na pinawalang-bisa ng sakripisyong kamatayan ni Jesus.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Pero makikita sa utos na ito kung paano mag-isip ang Diyos. Halimbawa, ipinapakita nito na pinapahalagahan ng Diyos ang katarungan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ipinapakita rin nito ang pamantayan niya ng katarungan—na ang mga nagkakasala ay dapat parusahan sa “wastong antas.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Mga maling akala tungkol sa utos na “mata para sa mata”
Maling akala: Ang utos na “mata para sa mata” ay masyadong malupit.

Ang totoo: Hindi pinahihintulutan ng utos ang malupit na paglalapat ng katarungan. Sa halip, kung susundin nang tama, magpapataw lang ang mga hukom ng parusa para sa isang kasalanan pagkatapos nilang isaalang-alang ang mga kalagayang nasasangkot at kung sinasadya ba ito o hindi. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya ang utos na “mata para sa mata” ay nagsilbing pamigil sa labis na pagpaparusa.

Maling akala: Ang utos na “mata para sa mata” ay nagpapahintulot sa walang-katapusang gantihan.

Ang totoo: Sinabi mismo ng Kautusang Mosaiko: “Huwag kang maghihiganti ni magkikimkim ng sama ng loob laban sa mga anak ng iyong bayan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa halip na himukin ang mga tao na maghiganti, tinulungan ng Kautusan ang bayan na magtiwala sa Diyos at sa sistema ng batas na ginawa niya para magtuwid ng anumang mali.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Pansining sinabi ni Jesus na “narinig ninyo na sinabi.” Maliwanag na ang tinutukoy niya ay ang sinasabi ng ilang Judiong lider ng relihiyon na nagtuturong gumanti. Ganito ang sabi ng iskolar ng Bibliya na si Adam Clarke: “Lumilitaw na ginamit ng mga Judio ang batas na ito [mata para sa mata, ngipin para sa ngipin] bilang basehan para pahintulutan ang pagkikimkim ng galit at paggawa ng anumang kalabisan sa layuning maghiganti.” Dahil sa pagtuturong maghiganti, pinilipit ng mga relihiyosong lider na iyon ang layunin ng Kautusan ng Diyos.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sa kabaligtaran, idiniin ni Jesus na pag-ibig ang pinakadiwa ng Kautusan ng Diyos. Sinabi niya: “‘Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos . . .’ Ito ang pinakadakila at unang utos. Ang ikalawa, na tulad niyaon, ay ito, ‘Iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.’ Sa dalawang utos na ito ay nakasalalay ang buong Kautusan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Itinuro ni Jesus na pag-ibig, hindi paghihiganti, ang magiging pagkakakilanlan ng kaniyang tunay na mga tagasunod.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 

Attachments

Ano po ang ibig sabihin na mas mabuting dukutin ang mata, putulin ang kamay kaysa sa magkasala?

Sinabi ni Jesu-Kristo: “Ngayon, kung ang kanang mata mong iyan ay nagpapatisod sa iyo, dukitin mo ito at itapon mula sa iyo.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Siyempre, hindi literal ang sinabi ni Jesus! Sa halip, sinasabi niya na kung gusto nating mapasaya ang Diyos at magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan, dapat nating patayin ang mga bahagi ng ating katawan, wika nga, na nagtutulak sa atin na gumawa ng mali. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Maaaring mangahulugan iyan na kailangan nating tumakas sa tukso. “Palampasin mo ang aking mga mata sa pagtingin sa walang kabuluhan,” ang panalangin ng isang tapat na lingkod ng Diyos.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Ano po ang ibig sabihin na mas mabuting dukutin ang mata, putulin ang kamay kaysa sa magkasala?
Ang “mata” na binanggit ni Jesus ay kumakatawan sa kakayahan nating magtuon ng pansin sa isang bagay, at ang “kamay” naman ay may kaugnayan sa mga bagay na ginagawa natin gamit ang ating mga kamay. Kung hindi tayo maingat, ang mga bahaging ito ng katawan ay maaaring maging sanhi ng ating ‘pagkatisod’ at paghinto sa ‘paglakad na kasama ng Diyos.’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung gayon, kapag natutukso tayong sumuway kay Jehova, kailangan tayong gumawa ng seryosong hakbang, ang pagdukit sa ating mata o pagputol sa ating kamay sa makasagisag na paraan.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top