What's new

Trivia Ano ang ibig sabihin ng 666?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,557
Reaction
7,218
Points
2,570
Ang sagot ng Bibliya 502014147_univ_sqr_xl.jpg

Ayon sa huling aklat ng Bibliya, 666 ang bilang, o pangalan, ng mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay na umaahon mula sa dagat. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang hayop na ito ay sumasagisag sa pandaigdig na politikal na sistema, na namamahala “sa bawat tribo at bayan at wika at bansa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang pangalang 666 ay tumutukoy sa lubos na kabiguan ng politikal na sistema sa paningin ng Diyos. Paano?

Higit pa sa isang katawagan. Ang mga pangalan na ibinigay ng Diyos ay may kahulugan. Halimbawa, ang pangalan ni Abram ay nangangahulugang “Ang Ama ay Mataas (Dinakila).” Binigyan siya ng Diyos ng pangalang Abraham, na nangangahulugang “Ama ng Pulutong (Karamihan),” nang mangako ang Diyos sa kaniya na gagawin siyang “ama ng pulutong ng mga bansa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa katulad na paraan, pinangalanan ng Diyos ang hayop ng 666 bilang sagisag ng pagkakakilanlang mga katangian nito.

Ang bilang na anim ay nangangahulugan ng pagiging di-sakdal. Sa Bibliya, kadalasan nang ginagamit ang mga bilang sa makasagisag na paraan. Ang pito ay karaniwan nang lumalarawan sa pagiging kumpleto o sakdal. Ang anim, na kulang ng isa para maging pito, ay maaaring tumukoy sa isang bagay na kulang o may depekto sa paningin ng Diyos, at maaari itong iugnay sa mga kaaway ng Diyos.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Tatlong beses para sa pagdiriin. Kung minsan, inuulit ng Bibliya ang isang bagay nang tatlong beses para idiin ito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya ang pangalang 666 ay talagang nagdiriin na ang politikal na sistema ng mga tao ay lubusang bigo sa paningin ng Diyos. Hindi sila nakapagbigay ng namamalaging kapayapaan at katiwasayan—mga bagay na tanging ang Kaharian lang ng Diyos ang makapagbibigay.

Ang marka ng hayop
Sinasabi ng Bibliya na ang mga tao ay tumatanggap ng “marka ng mabangis na hayop” dahil sumusunod sila rito “nang may paghanga,” anupat sumasamba rito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulad-pagsambang parangal sa kanilang bansa, sa mga sagisag nito, o sa puwersang militar nito. Gaya ng sinasabi ng The Encyclopedia of Religion: “Ang nasyonalismo ay naging nangingibabaw na anyo ng relihiyon sa modernong daigdig.” You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Paano natatatakan ng marka ng hayop ang kanang kamay o noo ng isang tao? (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung tungkol sa kaniyang mga utos sa bansang Israel, sinabi ng Diyos: “Itali ninyo iyon bilang tanda sa inyong kamay, at iyon ay magiging pangharap na pamigkis sa pagitan ng inyong mga mata.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi naman ibig sabihin na literal na tatatakan ng mga Israelita ang kanilang mga kamay at noo. Sa halip, nangangahulugan ito na gagabayan ng salita ng Diyos ang lahat ng kanilang pagkilos at pag-iisip. Sa katulad na paraan, ang marka ng hayop na 666 ay hindi literal gaya ng isang tato. Sa halip, ipinakikilala nito ang mga taong nagpapagabay sa politikal na sistema. Ginagawa ng mga taong may marka ng hayop ang kanilang sarili na kaaway ng Diyos.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 

Attachments

Para sa mga nagtatanong kung ano talaga meaning ng mark of the beast .. at nag-aakalang iyon ay tumutukoy sa mga microchip .. Nandito yung meaning no'n ayon sa sinasabi ng Bibliya ..
 
666 mark of the beast, nasa last chapter na kasi tayo ng bible. Itong pandemic we can called 666 dahil sa vaccinated method you can consider 666
 
666 mark of the beast, nasa last chapter na kasi tayo ng bible. Itong pandemic we can called 666 dahil sa vaccinated method you can consider 666
kung bible ang pagbabasehan ang numerong 6 ay tumutukoy sa pagiging di kumpleto o kulang, sa bible ang 7 ay tumutukoy sa pagiging kumpleto o buo.. at pagtatlong beses binanggit ang numerong 6 o 666 idiniriin lang nito ang lubusang kakulangan ng pamamahala ng tao sa paningin ng Diyos... ang numerong ito ay nauugnay sa mga kaaway ng Diyos partikular na sa lahat ng gobyerno na pinamamahalaan ng tao sa ilalim ng impluwensya ng Diablo..
 
everything goes smoothly

In China, 666 can mean "everything goes smoothly" (the number six has the same pronunciation as the character 溜, which means "smooth".

kaya ang 666 ay lucky number ng china
 
666 ay luck number sa China.
Black cat ay malas raw.

Andoon pumasok ang isip ko na meron pagka myth ang bible. Hindi ko naman 100 percent assume na myth ito pero naramdaman ko na myth ang lumalabas.

Imagine. Ang bias ng dating natin kung ang iniisip natin na ang mga tao na naniniwala ng 666 ay bad luck pagkatapos sa China ay ang 666 nila ay swerte then, sabay sasabihin natin na lahat ng mga Chinese people under ni Satan.

Para siyang bias or one sided. If ang tao ay meron ganoon pag-iisip, mag aral na lang siya ng theology. Theology ng kanilang relihiyon kaysa maging social scientist or/at social anthropologist. Objective mag-isip ang mga social scientist at saka based on concrete evidence ang bini based nila and dapat walang pinapanigan kapag nag-aaral ng halimbawa ng different social norms at different religion- ganun.
 
Andoon pumasok ang isip ko na meron pagka myth ang bible. Hindi ko naman 100 percent assume na myth ito pero naramdaman ko na myth ang lumalabas
ganyan din po first felt ko nung first ko mag basa ng bible started sa genesis

patunay nito na maliwanag na bata pa ako sa knowledge and wisdom


Imagine. Ang bias ng dating natin kung ang iniisip natin na ang mga tao na naniniwala ng 666 ay bad luck pagkatapos sa China ay ang 666 nila ay swerte then, sabay sasabihin natin na lahat ng mga Chinese people under ni Satan.
about that may sagot ako jan ate but everything will come to a naught wag nalang mas maganda palawakin mo curiosity mo at saliksikin ang katotohanan at mahahanap mo yun gaya ng paghanap ko at nakita ko
 
Back
Top