What's new

Closed Ang pangmalas ng bibliya mga “ufo”—mga mensahero mula sa diyos?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,557
Reaction
7,218
Points
2,570
HABANG napipigtal ang mga araw sa ika-20 siglo at ang mga kalagayan sa lupa ay patuloy na lumulubha, ang paniniwala sa unidentified flying objects (mga UFO) at sa mga nakasakay rito, ang mga nilikhang extraterrestrial o tagaibang planeta, ay patuloy na lumalaganap. Ang mga UFO ba ay kathang-isip lamang, isang panlilinlang, isang pandaraya na pinasimunuan ng mga tao na ibig magtawa sa pagiging mapaniwalain ng publiko?

Kalakip sa mga nagsasabi na nakakita na sila ng mga UFO o ng mga tagaibang planeta na nakasakay rito ay waring normal, pinagtitiwalaan namang mga tao; sa katunayan, kalakip sa mga taong naniniwala sa mga bisitang ito na mula sa ibang mga planeta ay may pinag-aralang mga propesor at mga siyentipiko. Sila ay kumbinsido na ang mga tagaibang planeta ay nagmamasid sa mga tao at, kung minsan, ay nakikipag-usap sa kanila. Ang tinatawag na mga extraterrestrial support group ay handang tumulong sa mga tao na nagsasabing sila’y may pakikipag-ugnayan sa mga bisita mula sa kalawakan.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Plano ng mga Tagaibang Planeta Para sa Pagliligtas

Kinapanayam ni Ruth Montgomery, sa Aliens Among Us, ang dumaraming mga tao na kumbinsidong sila’y mga bisitang mula sa ibang planeta na nananahan sa mga katawan ng tao. Ang ilan sa mga ito na nagsasabing sila’y nagkatawang tao na mga tagaibang planeta ay humuhula na sa taóng 2000, magkakaroon ng “pangyayari sa kalawakan na pinaghahandaan ng mga herarkiya ng mga anghel at mga panginoon.” Ang ilang tao ay naniniwala na ginagamit ng ilang tagaibang planeta ang mga UFOupang tipunin at ingatan ang mga ispesimen ng halaman at hayop o na gagamitin ang mga UFO bilang mga sasakyang pansagip upang iligtas ang milyun-milyong tao mula sa nalalapit na pagkawasak ng lupa. Pagkatapos ng malaking kapahamakan, ang mga tao ay ibabalik upang pasimulan “ang Bagong Panahon at ang Bagong Kaayusan” sa espirituwal na diwa. Isang kabataang lalaki mula sa Colorado, E.U.A., isang miyembro ng isang grupo na tinagurian ang kanilang mga sarili na “Alien Youth,” ang seryosong nagsabi sa Gumising!: “Kaming magkakaibigan ay naghihintay sa mga ninuno naming tagaibang planeta upang kunin kami.”

Ang mangilan-ngilan sa naggigiit na sila’y mga tagaibang planeta ay nagsasabi na sila’y inakay ng Diyos, at sinasabi ng iba na malaya silang nakikipag-usap sa kaniya para humingi ng payo upang tulungan ang sangkatauhan. Ginagamit ba ng Diyos ang mga bisitang mula sa ibang mga planeta upang iligtas ang sangkatauhan mula sa dumarating na kapahamakan sa daigdig?

Ang Pakikipagtalastasan ng Diyos sa Sangkatauhan

Maaga sa kasaysayan ng tao, ang Diyos ay nakipagtalastasan sa mga tao. Inilalarawan ng ulat ng Bibliya ang pakikipag-usap ng Diyos kina Adan at Eva, Noe, Abraham, at iba pa.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang mga panaginip, tinig, at mga pangitain ay ginamit upang maihatid ang kalooban ng Diyos at upang magawa ang Bibliya. Gayunman, pagkatapos na makumpleto ang Bibliya, kailangan pa ba ang tuwirang makalangit na pakikipagtalastasan sa sangkatauhan? Hindi na, yamang sinasabi ng Bibliya na ang Banal na Kasulatan ang nagpapangyari sa ‘tao ng Diyos . . . na lubos na may-kakayahan, lubusang nasangkapan ukol sa bawat mabuting gawa.’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ayon sa Bibliya, ang patnubay sa magulong panahon na ito ay darating mula sa nasusulat na Salita ng Diyos. Gayunman, may dahilan ba upang maniwala na tayo’y makatatanggap ng pakikipagtalastasan o pantanging mga tagubilin na tuwirang nagmumula sa Diyos sa pamamagitan ng isang tagapagsalita na tagaibang planeta? Hindi, sapagkat si apostol Pablo ay nagsabi: “Kung kami man o isang anghel mula sa langit ay magpahayag sa inyo ng anumang bagay bilang mabuting balita na higit pa sa ipinahayag namin sa inyo bilang mabuting balita, sumpain siya.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Bagaman ang mga iginigiit ng diumano’y mga nilikhang tagaibang planeta ay waring sumasang-ayon sa mga hula ng Bibliya na hindi na matatagalan ang lupa ay makararanas ng malaking kapaha-pahamak na mga pagbabago, sila’y nagbibigay ng paraan ng kaligtasan na nakasalig sa mga nilalang na ito. Hindi hinihimok ng Bibliya ang mga tao na tumakas patungo sa diumano’y ligtas na sasakyan ng mga tagaibang planeta o sa anumang iba pang lugar. Sa halip, sinasabi nito sa atin na manganlong sa inialay na kaugnayan sa Diyos, na ang gayong pag-aalay ay sinagisagan ng pagpapabautismo sa tubig. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.; ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..) At sinabi ni Jesus na “siya na nakapagbata hanggang sa wakas ang siyang maliligtas.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Hindi ba’t idiniriin ng mga kasulatang ito ang isang espirituwal na kaugnayan sa Diyos para maligtas sa halip na ang isang pisikal na kanlungang lugar? Sa gayon, sa halip na tulungan ang sangkatauhan na maligtas, ang mga kuwento tungkol sa ‘mga nilalang na hindi tao’ ay naglilihis sa atensiyon ng mga tao mula sa talagang hinihiling ng Diyos para sa kanilang walang-hanggang kapakanan.

Sino ang nagsisikap na ilayo ang sangkatauhan mula sa mga pamamaraan ng Diyos sa pagliligtas, subalit nagsasabing kinakatawanan niya ang Diyos? Sinasabi ni Ed Conroy, sa kaniyang aklat na Report on Communion, na inilalakip ng “seryosong mga ufologist [yaong mga nagsusuri sa UFO] na may pagsasanay sa mga siyensiya ng sikolohiya at sosyal” ang mga paghahambing na pagsusuri tungkol sa “ ‘mga bisita sa silid,’ multo, mga nag-iingay na multo, aparisyon, mga relihiyosong pangitain, at ang tinaguriang mga demonyo.” Maraming ufologist at yaong mga nag-aangkin na nagkatawang tao na mga tagaibang planeta ay nagsasabi na ang paggamit ng mga sasakyang pangkalawakan upang maglakbay ay talagang hindi kailangan. Sinasabi nila na ang mga nilalang na ito ay makapaglalakbay nang hindi nakikita at maaaring magkatawang tao saanman sa lupa nang hindi dumarating sakay ng isang sasakyang pangkalawakan.

Ang Bibliya ay nagbababala na si Satanas at ang kaniyang mga demonyo ay may layon na iligaw ang sangkatauhan. Sinasamantala nila ang mapanglaw at walang pag-asang kalagayan ng sangkatauhan upang mag-alok ng kaakit-akit, ngunit huwad, na mga solusyon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya naman, ang Bibliya ay nagbababala: “Sa huling mga yugto ng panahon ang ilan ay hihiwalay mula sa pananampalataya, na nagbibigay-pansin sa nagliligaw na kinasihang mga kapahayagan at mga turo ng mga demonyo.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Gayundin naman sa ngayon, ang anumang ipinalalagay na mga pagbisita at waring kapaki-pakinabang na patnubay mula sa gayong mga nilalang ay dapat na tanggihan, anuman ang maging anyo ng mga ito. Ang mga taong sumusunod sa payo ng “mga tagaibang planeta” sa halip na sa Salita ng Diyos ay tiyak na maililigaw—isang malaking pagkakamali sa mga panahong mapanganib na ito.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top