What's new

Closed Ang kapal ng mukha

Status
Not open for further replies.

tikdawko

Addict
Joined
May 2, 2016
Posts
31
Reaction
9
Points
79
Kapal ng mukha

Teka lang... Di ko lang naintindihan
Ano nga bang ibig sabihin ng "kapal ng mukha"?
Kasi pagbukas ko lang ng data ko na sobrang bagal
Nabasa ko ang pariralang ang "kapal ng mukha".
Sa Messenger ko na tagabigat lang ng aking RAM
Na kung kumonek, di pa magawa
Hala...
Namutla, nanlamig, sumakit ang batok
Dala ng kaba at pag-aalinlangang hindi makakatok
Puso'y tinatambol na tila may konsyerto
At katawa'y naging isang bangkay na tulad nang kay Sidako
Para malaman natin ang dahilan ng kakabahang ito
Ating talakayin ang istorya ng kagabing sinaryo
Ilalahad ko ba o hindi
Ang mga bagay para maging konkreto
Ang tula na ginagawa kong ito... Bahala na.

Kagabi..
Pinag-uusapan namin ang gagamitin sa negosyo namin
Ayon at nagpabibo ang isang tulad ko
Na ako ang mamimili sa Bauan
(Halata naman na ang tanong kung sino ang bibili?)
Tulad ng mga binili ko nung nakaraang buwan

(Nakakainis ka talaga, Vincenzo
At napakapagpabibo ka ng wala sa oras)
Itong utak ko naggawang mag-alinlangan
Sa umaga ba bibili ng mga gagamitin ngunit aking pera?
(Naisip ko baka magkulang si ****y)
O sa hapon na lamang para diretso sa paggawa ng negosyong Buchi?
(Kaso kailangan ako ng Tatay ko sa pagkakabit ng PVZ sa bahay ng mga tita ko)
Kaso sinabi Nila (o Niya) na di pa alam
Na lalong nagpaalinlangan sa isip ko na walang kwenta
Hanggang sa napagdesisyunan ko...
Hapon na lang...
(At iniwan ang 350 para dun...
At nakapaghanap na ang Tatay para sa kanyang Labor...)

Kinabukasan...
Nagkasakit ang Nanay
(Wala na naman paniguradong kita)
Walang tao sa bahay kundi ako lamang
Ang Tatay ay nasa trabaho, kapatid ko'y nangangapit-bahay
Lola ko'y paalis, magpapakabanal
Halata naman na ako na ang iwan, Anim lang kami sa bahay
Kung aalis man ako, walang aalalay sa Nanay
Nakakaawa at iiwan ko ang sarili kong Nanay
Pagkakataon ko nang makabawi sa lahat ng sakripisyong ginawa nya saking buhay
Kaya sinabi ko agad sa Inyo
Na di na ako makakabili sa Bauan
Dahil sa aking rason na di isang palusot
(Baka naiisip nyo)

Balik tayo sa ating sitwasyon
Isinulat ko lang ito, bumalik ang init na kailangan ko
Di ko pa rin lubos isipin kung anong nakatago sa pariralang "kapal ng mukha"
"Kapal ba ng mukha" na nagpabibo ako?
"Kapal ng mukha" na magrepresenta ng isang bagay na nagawang paasahin kayo?
O "kapal ng mukha" na wala akong naitapong o nagtapong?
Teka... Bakit "ako" ang nilagay ko dun?
Sabagay, ako lang naman ang puno't dulo ng lahat
Bahala na kung anong magyayari kinabukasan
Ngunit di ko pa rin alam kung ano ang "kapal ng mukha" na sinasabi nila.

YOU LEFT THE GROUP.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 3
    Replies
  • 676
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
Mr Zero

Online statistics

Members online
1,129
Guests online
5,899
Total visitors
7,028
Back
Top