What's new

Poems Ang Kahirapan

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,996
Solutions
6
Reaction
66,543
Points
16,663
Kahirapan,siyam na letra
pero napakabigat at madalas nating tinatamasa,
Isang malaking balakid na kinakaharap ng bayan,
Maraming naaapektuhan na mamamayan,
lalong lalo na ang musmos na kabataan.

Kahirapa’y kailangan na nating pagtuonan,
kapag tulong tulong at nagkakaisa ang gobyerno't pamahalaan,
Lahat ng mamamayan ay handang masolusyonan,
ng maahon ang lahat sa matinding kahirapan.

Kahirapa’y napakabigat na suliranin,
Lalo na't ito ang hadlang sa ating mga mithiin,
Huwag lang sana tayo mawalan ng pag-asa,
lahat ng bagay may solusyon basta may sipag at tiyaga.

Ika nga ni Gat Jose Rizal,mga kabataan ang pag-asa ng bayan,
Tayo ang susi na mag aahon sa kahirapan,
lahat ng anumang pagsubok na kakaharapin ay
ating kakayanin,
upang makakamit ang ating mga mithiin.

Lahat naman tayo ay mga mga pangarap,
ating makakamit basta may tyaga lang at sikap,
matutong magsipag at sa pag aaral magporsige,
lahat ng bagay ay di imposible.


Para sa mga nangangarap katulad ko,
dapat laging bukas lang ang isipan at positibo,
Dahil mga magulang nati’y nagsisikap ng husto,
Upang lahat ng ating mga minimithing pangarap ay
tuluyan na nating matamo.










❤️~Professora Akira~❤️
 
Last edited:
ang problema di sila nagkakaisa
paunahan pa silang magpataba ng bulsa
nakakalungkot na kung sino pa ang namumuno sa bayan
ay sya pang nagbabaon sating bansa sa utang at kahirapan.
habang tayo'y nangangarap at nagsisikap sila naman tong nagpapakasaràp
 
sa darating na mayo wag kalimutan Si Prof para sa senado

We Did It Win GIF by HBO Max
 

About this Thread

  • 25
    Replies
  • 2K
    Views
  • 7
    Participants
Last reply from:
Professora Akira

Online statistics

Members online
491
Guests online
5,736
Total visitors
6,227
Back
Top