What's new

Ang hirap ng wala kaibigan

madali makakahanap ng kaibigan pero ang tunay na kaibigan ang mahirap hanapin karamihan ngaun kaibigan ka lang pag may kailangan sayo right
 
Same lang tayo boss . unti lang den kaibigan ko kase simula ng lumipat kame ng tirahan at yong mga date kong kaibigan na nasa malayo ay hinde kona sila nakakasama at nakakausap.kaya ngayon ako nalang mag-isang nasa bahay at wla akong nakakausap kahit sino maliban lang sa tatay ko. hnde kase ako yong tipong tao na mahilig lumabas ng bahay at makipag-usap kung kani-kanino. dahil ako ay isang mahiyaing tao😔. kaya laking pasasalamat ko kay papa dahil binilihan nya ako ng cp pra hnde ako maboring at salamat den sa phc dahil dito madame akong natutunan at nakakausap.
 
Sad naman po ng life nyo, Ako po madami akong kaibigan pero halos lahat sila peyk may tunay man isa o dalawa ata hindi pa sigurado yung pangalawa.
 
Kapag sinabing kaibigan másáráp pakinggan, pero piliin mo ang taong pagkakatiwalaan mo. At dumedepende kasi yan sa ugali ng tao ehh. Pero pwede mo naman paligayahin ang sarili mo kahit na wala kang kaibigan. Kung hindi ako nagkakamali, baka ang kailangan mong tao ay yung nakakaintindi sayo.
 
Ganyan din nararanasan ko ts.
nung elementary days ko ang dami kung kalaro at kaibigan dito samin gumawa pa nga kami ng gang haha, nung tumungtong naku ng highschool naglaho na lahat yung nauso ang mga dancer sa mga kabataan nag silayuan na sila yung iba nag si lipat na ng bahay yung iba nandito pa din sa baranggay namin parang kapag nakakasalubong mo hindi kana ppansinin, meron akong pina kaibigan nung bata ako lagi talaga kaming magkasama pumupunta pa ako sa kanila nung nag highschool na nawala na lang bigla parang naging busy kami sa kanya kanyang school pero dito pa din siya sa baranggay namin kapag nagkakasalubong kami sa daan parang hindi nya na ako kilala ang masakit nga ehh nag try ko iadd siya sa facebook hanggang ngayon hindi pa din niya na confirm 😰

meron akong mga kaibigan mga classmate ko nakakasama ko lang sila sa inuman pero napakabihira parang isang beses sa isang taon kami magkkasama para hindi mo mtatawag na tunay na kaibigan tlaga parang hindi mo massabihan ng mga problema mo, sa ngayon buong araw lagi kung nasa bahay kaya lagi kung tambay dito sa phc 🥺
 
lulungkot nga ako ngayon .. nag iisip ano yung mag bibigay sakin saya ... bike kaya .. minsan kasi niyaya ako mag bike kaso wala ako bike . . hmm .. ayun, iisip ano magbibigay saya .. may work naman me . .parang boring nga lang .. waal ginagwa .. goals siguro need ko din mag set ...
parehas na parehas talaga tayo ng nararandaman ts. ako rin nag bibike din araw araw para di naman masyadong babad lagi ako sa bahay. Dati rin kasi may nakakasama akong nag bibike yung binanggit ko na 12 at 11 yrs old na mga batang iyan nakaksama ko. Ngayon yung 12 yrs ol di na malakabas dahil bawal yung 11 naman tinatamad lumabas nakain na ng valorant ang utak pero puede naman lumabas. kahit ako na lang mag isang mag bike may kaunting bigay saya naman nakaka relieve ng stress pero may kalungkutan din kasi ako lang na lagi mag isang mag ride. (Wala kasing akong maiyayang mag bike ng iba pang ka edad ko busy din silla at may trabajo din.)
 
Kapag sinabing kaibigan másáráp pakinggan, pero piliin mo ang taong pagkakatiwalaan mo. At dumedepende kasi yan sa ugali ng tao ehh. Pero pwede mo naman paligayahin ang sarili mo kahit na wala kang kaibigan. Kung hindi ako nagkakamali, baka ang kailangan mong tao ay yung nakakaintindi sayo.
kaibigan na makakaintindi , kaibigan na pwede mag payo. mag bigay ng mga info , ideya . uu yayain ka sa gantiong seminar , trainings .. mga bagay na makakapg improve sa buhay
 
kaibigan na makakaintindi , kaibigan na pwede mag payo. mag bigay ng mga info , ideya . uu yayain ka sa gantiong seminar , trainings .. mga bagay na makakapg improve sa buhay
kelangan ko nga lumabas .. balak ko bumalik mag gym , meron din dun siguru makaka usap , magiging kaibigan.. kasi meron mapag uusapan , tungkol nga sa gym activities
 
Since jr high school wala akong kaibigan ts hahaha
ngayon college na ako,wala pa rin🤣
pero never akong nalungkot,cp at internet lang ayos na heheh
 
iba parin may mga kaibigan lods.. mga kaibigan na makaka expand yung network mo ..
Since jr high school wala akong kaibigan ts hahaha
ngayon college na ako,wala pa rin🤣
pero never akong nalungkot,cp at internet lang ayos na
 
Same din tayo TS bahay school lang pero may tunay akong kaibigan sila yung mga classmates ko nung senior high ako. Kahit dalawa na lang natira solid sila kahit 3 years na kami di nag kikita at nung new year lang ulit nagkasama. TS malalaman mo talaga kung tunay na kaibigan ang isang tao. Nararamdaman ito TS kung comfortable ka at hindi nagbabago ugali nila kahit ilang years man ang nagdaan. Yan ang traits ng isang tunay na kaibigan.
 
Boyfriend Yata hanap mo lods? XD Joke..
Okey lang yan
Wala din naman akong kaibigan
Sa totoo lang mas gusto ko pa kasama mga pusa namin kesa sa mga tao.
Masyadong madrama mga tao.skl xD
 
Ayuko ng basahin mga comment ang haba kasi, ito lang masasabi ko, Ts, ilang buwan o year na kayo mag kasama ng katrabaho mo? Kung Total matagal naman kayo bakit di mo kausapin ituring mong kaibigan o pamilya iparamdam mo sa kanila, kahit anong mangyare ituring mo silang matalik Na kaibigan, Ganyan din ang buhay ko ngayon nakikipag kaibigan ako sa kanila ng kaya ko at sa paraan ko, Ngunit walang pumapansin sa akin pero kahit na Ganyan itinuturing ko pa din sila bilang kaibigan kahit binubully nila ako Ganyan pa din ang trato ko sa kanila, Mas swerte ka may ka trabho ka na pwede mong malapitan, Kaya lapitan mo sila ituring mong pamilya😀👍
 
sige po .. siguro first step ko is makisama sa kanila pag magiinuman sila .. pag niyaya nila ako ah . niyayaya kasi nila kaso di ako sumasama... siguru yun muna .. tapos next is , babalik ako mag gym para meron din ako makausap dun sa gym , at maging kaibigan .. tapos since my motor naman ako .. subukan ko din lumabas o pumunta sa mga lugar na tourist destination . .
 
Boyfriend Yata hanap mo lods? XD Joke..
Okey lang yan
Wala din naman akong kaibigan
Sa totoo lang mas gusto ko pa kasama mga pusa namin kesa sa mga tao.
Masyadong madrama mga tao.skl xD
di ko kaya nang mga pets lang ,paps . parang kelangan ko din kasi ng kausap . nararamdaman ko ..

kelangan ko tumawa .. makipag usap .. makipag bonding ..
 
gusto ko magkaron ng kaibigan .. to involve. .. to bond .. makipag usap .. sumali sa usapan .. :(
 
Sabihin ko sa pre haha ako din ganyan din experience ko sa totoong buhay legit yung masasanay kana lang mag isa tapos parang ayaw mo na may kasalamuha ka na kaibigan or ano haha tamang cp at computer lang pinagkakaabalahan ko e 20 yrs old nako pero pagbirthday ko di ako nag hahanda kase wala naman akong kaibigan na bisita oo meron mga kakilala pero mostly hindi talaha kami nagkakausap minsan, tsaka kung sino yung totoo sayo dun ka lang kahit isa o dalawang kaibigan okay lang yun. Sabihin na natin na mas masaya mas marami pero i prefer na minsan mag isa self healing din ako pag may problema dina daan ko na lang sa musika at paglaro ng ol games.
 
Similar threads

Back
Top