What's new

Ang diyos ba ay pumapatay?

Status
Not open for further replies.
Sinabi ni Cristo na ang isang alagad ng Diyos ay tulad ng puno ng sambahayan na naglalabas ng kanyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma (Mateo 13:52). Dito sinasabi Niya na pwede tayong kumuha ng mga aral at salita sa bagong tipan gayundin sa lumang tipan. Kaya may mga aral at salita rin Siyang kinuha sa lumang tipan. At sinabi sa bagong tipan, suriin ang lahat ng mga bagay, ingatan ang mabuti at layuan ang bawat anyo ng masama (1 Tesalonica 5:21-22). At sinuri ko ang mga bagay sa bago at lumang tipan. Maraming mabubuting aral at salita sa bago at lumang tipan na aking iniingatan ngunit may mga aral at salita rin na hindi ko pinaniniwalaan bilang kristiyano.

Exodo 20:7 "Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan."
Daniel 3:17 "Narito, ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin sa mabangis na hurnong nagniningas; at ililigtas niya kami sa iyong kamay, Oh hari."
- Sa Exodo 20:7 itinuturo sa atin na huwag gamitin ang pangalan ng Diyos sa walang kabuluhan dahil sinumang gumagawa nito ay nagkakasala sa Kanya. At sa Daniel 3:17, itinuturo sa atin na laging magtiwala na tayo'y ililigtas ng Diyos kahit anong mangyari. Ilan lang ito sa magagandang aral at salita sa lumang tipan na dapat nating sundin at pagtiwalaan at alam kong marami pa.

Deuteronomio 7:10 "At pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang mga namumuhi sa kaniya, upang lipulin: siya'y hindi magpapaliban doon sa namumuhi sa kaniya, kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha."
- Dito sinasabi na pinaghihigantihan ng Diyos ang lahat ng mga namumuhi sa Kanya. Sinong mapagmahal na Diyos ang gagawa niyan? Nung panahon ni Cristo madami ang namumuhi at galit sa Kanya ngunit sa napakaraming mabubuting gawa na mula sa Ama na ipinakita Niya, nasaan ang paghihiganti? Pinalitan pa nga niya ang utos sa lumang tipan na nagsasabing kamuhian ang kaaway at iniutos Niyang ibigin ang ating mga kaaway. At marami pang mga aral at salita ang mababasa sa Biblia na ginagawang masama ang Diyos na hindi dapat paniwalaan.

Juan 14:11 "Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa ko."
- Dito sinabi ni Cristo na maniwala tayo na Siya ay nasa Ama at ang Ama ay nasa Kanya. Dahil Siya at ang Ama ay iisa (Juan 10:30). Bakit sila iisa? Dahil ang lahat ng ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak (Juan 5:19). Kaya't sinabi ni Cristo sa kanila na kung ayaw nilang maniwala sa mga sinasabi Niya ay maniwala ang mga ito sa Kanyang mga gawa na mula sa Ama bilang patotoo na Siya ay galing sa Ama at Sila'y iisa.

Pagkakaalam ko namuhi nga ang Diyos sa mga Hudyo ng hayaan Niyang wasakin ng mga Romano ang templo nito at tuluyang guhuin ng mga kaaway ang lunsod ng Herusalem noon.

At pinaghiganti Niya rin ang lahing iyon nang ayon sa nasusulat, pinagdilim(dark ages) Niya ang kaharian ng maninirang ito at tuluyang pinabagsak sa pamamagitan ng mga digma, mga salot, at taggutom, yan ang nasusulat sa pahayag dahil nilapastangan nga nila ang Pangalan ng Diyos na Buhay at niyurakan ang templo Nito, AD 70.
 
Last edited:
nang lalangin ng Diyos ang unang tao, ipinagkatiwala Niya rito ang kapamahalaan sa lahat ng nilalang sa sandaigdigan, na kahit alam Niyang maaaring malinlang ito ng kasamaan paminsan minsan, makakaya nitong iwaksi ito dahil nagtitiwala ang Diyos sa kanyang sannilikha at binigyan Niya ito ng pagkaunawa, nasasa tao na kung magtitiwala ito sa Diyos ng lubusan o tuluyang tatalikod sa Lumikha.

In short alam nga ng Diyos na may kapahamakang ngang nakaamba sa tao bago pa Niya lalangin ito, pero nagtitiwala ang Diyos na may sapat na kakayahan ito na maging matuwid dahil nilikha Niya ito ng may kaisipan at sariling pagpapasya tulad Niya at may kakayahang kumilala ng makabubuti at makakasama sa kanyang sannilikha.

Una sa lahat, tao ang nagwaksi ng landas nito! panahon ni eva sagana sana ang sang kataohan ,ngunit nag palupig sa ahas jan umiral ang kasipang matuto sa tama at mali ,at yun n nga nakita niLang sila e hùbád ! sabi ng ahas maari kang maging dyoa di lamang tao,, kaya isa na way ng PERA kong meron ka para kang dyos at makapang yarihan ! TAO n ngayon pipiLi ng kanyang KAGUSTOHAN ,gabay nalamang para sa dyoa ang tao, waiting For RAPTURE nalamang at pag sisisi ika nga ,habang Buhay pa mag BAGO na BASIC
 
pwede
Una sa lahat, tao ang nagwaksi ng landas nito! panahon ni eva sagana sana ang sang kataohan ,ngunit nag palupig sa ahas jan umiral ang kasipang matuto sa tama at mali ,at yun n nga nakita niLang sila e hùbád ! sabi ng ahas maari kang maging dyoa di lamang tao,, kaya isa na way ng PERA kong meron ka para kang dyos at makapang yarihan ! TAO n ngayon pipiLi ng kanyang KAGUSTOHAN ,gabay nalamang para sa dyoa ang tao, waiting For RAPTURE nalamang at pag sisisi ika nga ,habang Buhay pa mag BAGO na BASIC
 
Pagkakaalam ko namuhi nga ang Diyos sa mga Hudyo ng hayaan Niyang wasakin ng mga Romano ang templo nito at tuluyang guhuin ng mga kaaway ang lunsod ng Herusalem noon.

At pinaghiganti Niya rin ang lahing iyon nang ayon sa nasusulat, pinagdilim(dark ages) Niya ang kaharian ng maninirang ito at tuluyang pinabagsak sa pamamagitan ng mga digma, mga salot, at taggutom, yan ang nasusulat sa pahayag dahil nilapastangan nga nila ang Pangalan ng Diyos na Buhay at niyurakan ang templo Nito, AD 70.
Pasensya na pero hindi ko pinaniniwalaan ang mga bagay na yan. Bakit? Dahil gaya ng sabi ko una ko munang ginawang basehan ay ang mga salita at gawa ni Cristo. Sabi Niya Siya at ang Ama ay iisa (Juan 10:30) dahil lahat ng ginagawa ng Ama ay ginagawa rin Niya (Juan 5:19). Ito ay isang matibay na katibayan na ang lahat ng mga gawa ni Cristo ay mga bagay na nakikita Niyang ginagawa ng Ama. Kung mapaghiganti ang Ama gaya ng sinasabi mo masasabi nating mapaghiganti rin ang Anak dahil nakikita Niyang ginagawa ito ng Ama. Saan sa mga gawa ni Cristo at nasasabi mong Siya'y mapaghiganti? Kaya nga sabi ni Cristo, o kungdi kaya'y maniwala kayo sa akin dahil sa mga gawa ko (Juan 14:11) dahil ang mga gawa Niya ay isang matibay na patotoo na galing Siya sa Ama at Sila'y iisa at ipakita sa lahat na ito ang mga ginagawa ng Ama bilang Diyos. Kaya nga gaya ko, sana'y tingnan muna ninyo ang mga gawa ni Cristo na mula sa Ama saka kayo humusga kung mapaghiganti at pumapatay ba ang Diyos.
 
Ang sabi ng Diyos sa lumang tipan na Siya ay Diyos na mapanibughuin
kung gayon kaninong Diyos o sinong Diyos ang tinutukoy sa lumang tipan?

ang mapanibughuin ay labis na pag ibig din ba?
 
Sa Exodo 20:5 masasabi nating sa author lang nanggaling ang mga salitang ito na ipinalabas niyang mapanibughuin ang Diyos. Sinabi daw ng Diyos kahit idinagdag lang niya ito. Tingnan mo ha, sa pagiging mapanibughuin ng Diyos ang kasalanan ng mga magulang sisingilin din Niya sa mga anak nito hindi lang sa ikatlo hanggang sa ikaapat na salinlahi pa. Hindi pa ipinapanganak ang ikalawa, ikatlo at ikaapat na salinlahi may kasalanan na agad sila na dapat pagbayaran? Mga inosente pa ang mga ito tapos idadamay din sila ng Diyos sa kasalanang di naman nila ginawa? Sinong mapagmahal na Diyos ang gagawa niyan? Yan ba ang maituturing natin na Diyos ng pag-ibig? Gaya ng sabi ko, tingnan muna natin ang mga gawa ni Cristo na mula sa Ama saka tayo humusga kung Siya nga ay isang Diyos na mapanibughuin.
 
sabihin mo nga sa akin bakit sa bagong tipan gagawin ni Cristo ang mga bagay na ito pag naghahari na siya na parang tulad ng ginagawa ng kanyang Ama sa nung sa lumang tipan???

Sasabihin din niya roon sa mga nasa kaliwa: Lumayo kayo sa akin, mga isinumpa. Doon kayo sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel.42 Ito ay sapagkat nagutom ako ngunit hindi ninyo ako binigyan ng makakain. Nauhaw ako ngunit hindi ninyo ako binigyan ng maiinom.43 Ako ay naging taga-ibang bayan ngunit hindi ninyo ako pinatuloy. Ako ay naging hùbád ngunit hindi ninyo ako dinamitan. Nagkasakit ako at nabilanggo ngunit hindi ninyo ako dinalaw.
 
Mabuang lang kayo dyan kung iisipin nyo yan,basta alam mo ang tama at mali,yun ya yon,yung iba dami alam dyan,mga balasubas naman,tsk!!!!!
 
bat pa nag karoon ng debate o ng thread kung di rin pag uusapan. kaya nga pinag uusapan para ung mga consensus mag kabit-kabit at mag sama sama ang mga nalalaman ng mga taong interesado sa topic ng bible wala naman masama kung ayun ung pinaniniwalaan nila ang mahalaga dun nasabi nila ung nasa isip nila at kung may counter argument man ung mga nag me-message mas maganda dahil ang mga taong nag rereply ay sure na may interest sa bible anti-christ ka man o hindi masasabi mo na dapat ang ganitong mga topic laging pinag uusapan wag nyong gawing taboo ang topic ang bible.
 
sabihin mo nga sa akin bakit sa bagong tipan gagawin ni Cristo ang mga bagay na ito pag naghahari na siya na parang tulad ng ginagawa ng kanyang Ama sa nung sa lumang tipan???

Sasabihin din niya roon sa mga nasa kaliwa: Lumayo kayo sa akin, mga isinumpa. Doon kayo sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel.42 Ito ay sapagkat nagutom ako ngunit hindi ninyo ako binigyan ng makakain. Nauhaw ako ngunit hindi ninyo ako binigyan ng maiinom.43 Ako ay naging taga-ibang bayan ngunit hindi ninyo ako pinatuloy. Ako ay naging hùbád ngunit hindi ninyo ako dinamitan. Nagkasakit ako at nabilanggo ngunit hindi ninyo ako dinalaw.
Ang tinutukoy ni Cristo na mga nasa kaliwa ay ang mga taong walang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa at hindi sumunod sa kalooban ng Ama. At sasabihin talaga ni Cristo na lumayo ang mga ito sa kanya. Bakit? Dahil ang diablo ang kanilang ama at ang nais ng kanilang amang diablo ang kanilang mga ginawa (Juan 8:44). At si Cristo ba ang magpapahirap sa kanila? Hindi. Bakit? Sino ba sa iyong palagay ang mahilig magpahirap at sumira sa mga nilikha ng Diyos? Ang diablo. Ang kanila mismong amang diablo ang magpapahirap sa kanila. Doon sila sa kaharian ng kanilang amang diablo dahil ginawa nila ang nais nito. Ang hindi lang nila alam sila ay papahirapan ng kanilang amang diablo sa kaharian nito dahil ang lagi lamang ginagawa ng diablo ay gumawa ng masama, magpahirap at sirain ang mga nilikha ng Diyos dahil likas na ito sa kanya.
 
ah ok sige salamat. Dahil sila'y mga sinumpa diumano, Sino naman ang sumumpa sa kanila? ang diablo din ba?
 
Hindi naman sinabi ni Cristo na "layuan nyo ako mga isinumpa ng Diyos" kundi "mga isinumpa" lamang. Ang tao ay pwedeng sumumpa. Dahil sa mga kasamaang ginawa ng mga taong ito, masasabi nating ang sumumpa sa mga ito ay mga tao ring ginawan nila ng masasamang bagay. Kaya nasabi ito ni Cristo dahil marami sa kanila ay mga isinumpa ng mga taong may matinding galit sa kanila. Ngunit alam nating masama ang sumumpa. At alam din nating ang diablo ang may gusto ng ganitong gawain. Sino ba ang tumutukso sa tao para sumumpa? Ang diablo. Nahihimok niya na gawin ito ng mga tao dahil sa galit o poot ng mga ito. Gusto ng diablo na magkasala ang mga ito sa Diyos at hindi maligtas. At sa iyong palagay gawain ng Diyos ang sumumpa? Maraming tao ang galit kay Cristo nung Siya ay nasa sanlibutan pa. Siya ay itinaboy, binato, dinuraan, pinahirapan at ipinako sa krus. So sobrang sama ng mga ginawa nila naghiganti o isinumpa ba sila ni Cristo? Hindi. Kung talagang sumusumpa ang Diyos marami na sanang isinumpa si Cristo nung panahon Niya dahil sa hindi magandang pagtrato ng ibang tao sa Kanya. Huwag mo sanang isipin na ang Diyos ang sumumpa sa kanila. Dahil lahat ng mga gawa ni Cristo na mula sa Ama ay mabubuting bagay at wala tayong maipipintas rito.
 
Last edited:
If someone tells you about things that has not yet to his experience you can believe, disbelieve or say that you dont know it. Human intelligence is at its best when it says i dont know.
-- sadhguro
 
Sabi mo brad wala akong mababasa na ang Dios ay pumapatay? Merong mababasa hindi mo lang nakita. Ito hanapin mo sa Biblia sinabi ito ng Panginoon " dalhin nyo sila dito at inyo silang Pagpapatayin " siguro ang alam mo lang sa salitang pagpatay ay isang kahulugan lang..... Dyan nagkakamali yung nagturo sayo.. Isang pangahas at walang alam sa Biblia yun... At magtigil ka nga brad sa mga style mo.. Akala mo kung sinong pantas ka sa Biblia,,,e mali naman pinagsasasabi mo... Okey lang sana kung tama mga pinagdadadaldal mo dyan e.. Pumapatay ang Dios sa anong sentido bakit sya pumapatay? Yun ang alamin mo... Tandaan mo kapag ang Dios ang gumawa matuwid yun.. Banal yun.. Hindi mo lang siguro naiintindihan salamat at magandang araw sayo kaibigan
Ipinadala Si Cristo ng Ama sa sanlibutan upang sinumang sumampalataya sa Kanya ay di mapahamak kundi magkaroong ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16). Ang sabi ng Ama "upang sinumang sumampalataya". Ano ang sasampalatayan natin kay Cristo? Hindi lang ang Kanyang mga salita kundi ang mga gawa rin Niya. Sa mga propeta lang nanggaling ang mga salitang pumapatay daw ang Diyos at ipinalabas nilang sinabi daw ito ng Diyos sa kanila. Bakit ko nasabi ito? Dahil una ko munang ginawang basehan ay ang mga salita at gawa ni Cristo. Ayon kay Cristo walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama at walang nakakilala sa Ama kundi ang Anak at sinumang ibiging pagpahayagan ng Anak (Mateo 11:27). Hindi Siya nakikilala ng sanlibutan ngunit nakikilala Siya ni Cristo (Juan 17:25). Ito ang ipinahayag sa akin ni Cristo. Hindi lubos na kilala ng mga propeta ang Ama kaya nasabi nila na pumapatay daw ang Diyos. At sabi Niya Siya at ang Ama ay iisa (Juan 10:30) dahil lahat ng ginagawa ng Ama ay ginagawa rin Niya (Juan 5:19). Ito ay isang matibay na katibayan na ang lahat ng mga gawa ni Cristo ay mga bagay na nakikita Niyang ginagawa ng Ama. Kung pumapatay ang Ama gaya ng sinasabi mo masasabi nating pumapatay rin ang Anak dahil nakikita Niyang ginagawa ito ng Ama. Saan sa mga gawa ni Cristo at nasasabi mong pumapatay ang Diyos? Kaya nga sabi ni Cristo, o kungdi kaya'y maniwala kayo sa mga gawa ko (Juan 14:11) dahil ang mga gawa Niya ay isang matibay na patotoo na galing Siya sa Ama at Sila'y iisa at ipakita sa lahat na ito ang mga ginagawa ng Ama bilang Diyos. Kaya nga gaya ko, sana'y tingnan mo muna ang mga gawa ni Cristo na mula sa Ama at saka ka humusga kung pumapatay nga ang Diyos.
 
Hindi naman sinabi ni Cristo na "layuan nyo ako mga isinumpa ng Diyos" kundi "mga isinumpa" lamang. Ang tao ay pwedeng sumumpa. Dahil sa mga kasamaang ginawa ng mga taong ito, masasabi nating ang sumumpa sa mga ito ay mga tao ring ginawan nila ng masasamang bagay. Kaya nasabi ito ni Cristo dahil marami sa kanila ay mga isinumpa ng mga taong may matinding galit sa kanila. Ngunit alam nating masama ang sumumpa. At alam din nating ang diablo ang may gusto ng ganitong gawain. Sino ba ang tumutukso sa tao para sumumpa? Ang diablo. Nahihimok niya na gawin ito ng mga tao dahil sa galit o poot ng mga ito. Gusto ng diablo na magkasala ang mga ito sa Diyos at hindi maligtas. At sa iyong palagay gawain ng Diyos ang sumumpa? Maraming tao ang galit kay Cristo nung Siya ay nasa sanlibutan pa. Siya ay itinaboy, binato, dinuraan, pinahirapan at ipinako sa krus. So sobrang sama ng mga ginawa nila naghiganti o isinumpa ba sila ni Cristo? Hindi. Kung talagang sumusumpa ang Diyos marami na sanang isinumpa si Cristo nung panahon Niya dahil sa hindi magandang pagtrato ng ibang tao sa Kanya. Huwag mo sanang isipin na ang Diyos ang sumumpa sa kanila. Dahil lahat ng mga gawa ni Cristo na mula sa Ama ay mabubuting bagay at wala tayong maipipintas rito.

Tama ka nga, Di nga ba't napagtitibay ang isang kasunduan sa pamamagitan ng panunumpa ng dalawang panig, kaya nga may tinatawag na lumang tipan at bagong tipan

Na sa bawat kasunduan may mga alituntunin na dapat tupdin ng magkabilang panig, at pag hindi tumalima ang isang panig ay may kaakibat na sumpa o sanctions na itinakda rito.

Ayon sa paliwanag mo rito lumalabas na pinapanigan pa ni Cristo ang hustisya o hatol ng mga tao laban sa mga 'leftist' na ito sa halip na ipairal 'Ang Pag ibig Ng Diyos' sa mga makasalanang iyon.

Para mo na ring sinabing kinukunsente pa ni Cristo ang maling Gawain Ng mga taong sumumpa sa kanila ayon sa iyong paliwanag, diumano, sa halip na ibigin Niya Ang mga kaaway Ng Pag ibig Ng Diyos'.

In short mas nanaig pa Ang hatol Ng mga tao sa kanila kesa sa katwiran o hustisya Ng Diyos.
 
Wala namang problema kung sabihin ni Cristo sa araw ng paghuhukom na layuan siya ng mga makasalanang ito. Bakit? Sa tingin mo ba hahayaan ni Cristo na makapasok sa kaharian ng Ama ang mga makasalanang ito na walang ginawa kundi gawin ang nais ng kanilang amang diablo? Hindi. At sinasabi mo na mas nanaig ang hatol ng mga tao kaysa sa hustisya ng Diyos? Dyan ka nagkakamali. Ano ba sa palagay mo ang pinakamabigat na hustisya ng Diyos laban sa mga makasalanang ito? Ang hindi sila makapasok sa kaharian ng Ama kung saan meron lamang buhay na walang hanggan. Yan ang pinakamabigat na hustisya ng Diyos laban sa kanila. Mas nanaig pa rin ang hustisya ng Diyos. At sinabi mo sa halip na pinairal ang pag-ibig ng Diyos sa mga makasalanang iyon? Hindi naman nawala ang pag-ibig ng Diyos sa aking paliwanag sa'yo. Sinabi ko naman na hindi si Cristo ang magpapahirap sa kanila kundi ang diablo. Dahil ang diablo lamang ang mahilig magpahirap at sumira sa mga nilikha ng Diyos. Masasabi nating umiral pa rin ang utos ni Cristo na ibigin ang mga kaaway dahil hindi naman Siya ang magpapahirap sa mga makasalanang iyon kundi ang diablo. Hindi pa rin nawala ang pag-ibig ng Diyos.
 
Ah okay kakaibang pag ibig nga Kung gayon. Kumbaga hindi natin maaarok ang pag ibig Ng Diyos' sapagkat sa definition ng love, sa pakahulugan ng tao maaaring ito'y mapagpaimbabaw lamang.

Sapagkat ayon sa iyong interpretasyon ng 'maliliit na ito' na sa tinutukoy mo ay yung 'mga makasalanan'

Nasusulat sinabi Niya Kung gayon "Hayaan Ninyo magsilapit sa akin, Ang mga maliliit na bata (lit. mga makasalanang ito) sapagkat sa kanila nabibilang Ang kaharian Ng Diyos'!

Kaya tanong ko sayo makasalanan nga ba Ang maliliit na Bata( inosente) o hindi sa literal na interpretasyon ng passage na Yan?
 
Last edited:
Panahon man ni Cristo o ni Noah hindi natin pwedeng sabihing lahat ay masama na. Ang mga maliliit na bata ay mga inosente pa rin at walang alam sa paggawa ng kasamaan. Masasabi mo bang masama na rin sila at karapat-dapat din silang mamatay? Nilikha ng Diyos ang tao dahil kasiyahan niya ang lumikha ng buhay. Kahit mamatay ang mga bata ay sa langit din naman ang punta nila?
Yan ay isang hindi matuwid na katwiran na galing lang sa'yo at hindi sa Diyos. Para mo na ring sinabi na ok lang sa Diyos ang pumatay ng mga inosenteng bata. Kung gayon ay wala na rin siyang pinagkaiba sa Diablo na walang ginawa kundi magnakaw, pumatay at pumuksa. Kung tayong mga tao nga sobrang kalungkutan ang nararamdaman pag may namamatay na mga bata paano pa kaya ang Diyos.

Mateo 18:14 "Gayon din naman, hindi kalooban ng inyong Amang nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito." Sino ba ang tinutukoy ng Diyos dito na "ang isa sa maliliit na ito"? Ito ay isang naligaw na isang makasalanan. Si Cristo na mismo nagsabi napakalinaw na hindi kalooban ng Ama na mapahamak ang isang naligaw na makasalanan. Noong panahon ni Noah madaming naligaw na makasalanan at pinatay daw ng Diyos sa baha? Eh hindi naman pala kalooban ng Ama na mapahamak ang mga ito ayon kay Cristo. Ang Bugtong na Anak ng Diyos ang nagsabi ng mga salitang ito na sa Ama niya mismo narinig. Juan 15:15 "Hindi ko na kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama." Sa Ama nya pala narinig ang lahat ng mga sinabi nya. Paano mo sasalungatin ang mga salitang sa Ama nya mismo narinig?

At ano naman ang masasabi mo sa California megaflood? Hindi ba katulad lang ito ng Noah megaflood. Mas malala pa nga ang nangyari sa California. Alam mo kung ano pinagkaiba ng dalawa? Technology. Sa panahon ni Noah hindi pa maunalad ang technology para makasiguro silang nagbaha nga sa buong mundo kung ikukumpara mo noong 1861 na may telegraph nang nalikha na nagtatransmit ng information over a wire kaya alam nilang hindi nagbaha sa buong mundo. Basahin mo ang tungkol sa California megaflood para maliwanagan ka.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top