What's new

Trivia Ang Diyos ba ay Laging Mas Mataas kay Jesus?

Status
Not open for further replies.
Actually brow nakakatawa nalang siya. Para siyang utot, hindi mo makita yung punto niya pero ang baho ahaha :ROFLMAO: I mean, walang sense yung mga banat e. Tapos noun lang di pa alam. Elohim daw ay pangalan ng Diyos. Eh kahit sa meaning ng common noun sa dictionary ay "title" lang yun e mehehe. Nu ba yan ambabaw :sleep:
Hindi ko nga alam brow kung itong si bugtook ay nagpapatawa o nang aasar lang eh ahahaha 🤣
 
Wag na pupunta sa nouns at mapapahiya lang? Hahaha. Sino kaya? Anoung noun ang Elohim? Proper noun o common noun? Hahaha. Di alam difference nu ba yan :ROFLMAO: :sleep:
 
Common noun o proper noun hindi nga pwede tawagin kong jehova ang aking God kaya wag mo ipilit? Ito ang sagutin mo?

Thomas Nagulat.jpg
 

Attachments

Noun Pro-noun proper noun common noun it doesn't matter kasi hindi ko pwede tawagin ang God na jehova and i have my reason. May nag claim na jehova witness na hindi pwede maling mali get mo? So para hindi tayo tatalon dyan wa mo na pag diinan.
 
Kawawa ka naman. Para makabawi e talon ka ng talon ng topic haha. Sagutin mo muna kung personal name ba ang Elohim o hinde? Kung anong klaseng noun yung Elohim? Kasi basic yan e. Sobrang basic pogi :sleep: :ROFLMAO:
O ayan ah bugtook, dito muna tayo mag stick.. pag nasagot mo to ng tama pogi ka talaga 🤣
 
Hindi ko rin alam kong naintihan mo na ayaw ko ng jehova kasi di kayo karapat dapat tawagin witness. At hindi ko rin alam kong isang account lang kayo maraming id dahil parang culto ang dating nyo isang sagot lang tapos may pa link link pa at ang layo ng mga sagot. Daming pa ligoy ligoy.
 
At dahil sinagot mo bro ang mangyayari mapunta ang usapan sa english 101 hahaha. Pero sa tingin ko ang sagot mo medyo fabor sa kanila. Ang next na question nito, hulaan ko. Since karangalan lng ang pangalang Elihom ano ang pangalan ng Dios? unahan ko ng sagot para maibalik ang usapan sa ginagawa nilang pag sira kay Jesus.

Sagot : hindi jehova ang name ng God ni Abraham, Isaac and Jacob.
Thomas Nagulat.jpg
 

Attachments

bugtook bro... Iniipit ka nila sa word na Elohim... isa yan sa pamamaraan ng isang nakikipagtunggali o nakikipagtalastasan upang sila ay umiwas sa orihinal na usapin.

Kapag hindi ka nila masasagot dyan sa naka screenshot mo... Isa lang ibig sabihin nyan.... Wala na patutunguhan ang bawat argumento ng bawat panig.

Ang resilta na lamang nyan ay pagtataltalang walang kabuluhan..
Na mababasa sa Bibliya.

Maigi pang dumako na lamang kayo sa usaping may makukuhang makabuluhang impormasyon...Gaya ng mga inilalatag ni bro. Fury5048

Sana dumating kayo pareho sa katotohanan.
 
bugtook bro... Iniipit ka nila sa word na Elohim... isa yan sa pamamaraan ng isang nakikipagtunggali o nakikipagtalastasan upang sila ay umiwas sa orihinal na usapin.

Kapag hindi ka nila masasagot dyan sa naka screenshot mo... Isa lang ibig sabihin nyan.... Wala na patutunguhan ang bawat argumento ng bawat panig.

Ang resilta na lamang nyan ay pagtataltalang walang kabuluhan..
Na mababasa sa Bibliya.

Maigi pang dumako na lamang kayo sa usaping may makukuhang makabuluhang impormasyon...Gaya ng mga inilalatag ni bro. Fury5048

Sana dumating kayo pareho sa katotohanan.


Sana sa mga nagbabasa .....Kunin nyo lamang ang mga katuwirang makapag papatibay ng inyong pananampalataya...Huwag ang mga katha katha lamang.
 
Fury5048
Himay himayin sana natin ang mga inilatag ng JW o ng TS na ito.

At maingat nating suriin kung may katotohanan nga ba ang kanyang argument ...Upang hindi maging kapahamakan para sa mga maniniwala sa TS na ito.


Umpisahan natin sa ganito:

Ano bro ang maaari mong maibahagi sa mga nagbabasa patungkol sa inilatag nitong TS... tulad ng salitang "si Jesus ang mas mababang nilalang ng Diyos."

Ating himayin ang kaniyang pinaniniwalaan.
 
Hindi po namin sinabing "si Jesus ang mas mababang nilalang ng Diyos.”

Pakisuyo po, huwag po kayong magsabi ng maling impormasyon na para bang kami mismo ang nagsabi ng bagay na iyan.

Kahit review-hin niyo po ang mga reply namin dito, wala po kayong mababasa o maging ang mga nagbabasa ng thread na ito, wala po kayong mababasa na sinabi namin na "si Jesus ang mas mababang nilalang ng Diyos.”
 
jrnievas ah bro... Ikaw po ang hindi nagbasa ...Nasa thread yan ng TS. Paki review po.

Naka screenshot na po sa akin kaya hindi nya na po yun mababago.
 
Yortz ah bro.. Yun po ang orihinal na usapin.... At mismong post ng TS nyo.... Paki review po.

Takot ba kayo bro na mahayag ang paniniwala nyo at himayin?
 
Si Jesus Daw ay Mas Mababang Nilalang ng Diyos?

Hindi.

Sa lahat ng nilalang ng Diyos, si Jesus ay masasabing espesyal. Dahil siya ay tuwirang nilalang ng Diyos.

Sinasabi sa atin ng Colosas 1:15,

Ang Dating Biblia (1905) Colosas 1:15 Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;

Ipinakikita ng salitang "panganay” na si Jesus ang pinakauna sa lahat ng nilalang na nilikha ng Diyos. Oo, siya ay tuwirang nilalang ng Diyos.

Pagkatapos niyang mamatay bilang tao at buhaying-muli bilang espiritu ng kaniyang Ama, si Jehova, binigyan siya ng pangalang nakahihigit sa lahat.

Mga Taga-Filipos 2:9
At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan.

Gayundin, binigyan din siya ng Diyos ng nakahihigit na kapangyarihan at awtoridad sa lahat.

Mga Taga-Efeso 1:21-22
Kaya't nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi maging sa darating. Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya.

Kaya, hindi itinuturo ng Bibliya na si Jesus ay "mas mababang nilalang ng Diyos.”

Gayunman, bagaman si Jesus ay nakahihigit sa lahat. Hindi ito nangangahulugan na mas makapangyarihan na siya sa Diyos na lumalang sa kaniya.

Ganito ang sabi ng 1 Corinto 15:27

[27]Ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kanyang kapangyarihan.” Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.

Kaya, si Jesus ay mas mababa sa Diyos, hindi sa mga nilalang ng Diyos. Magkaiba po ang bagay na iyan.

Katunayan, ipinapakita din ng hula sa 1 Corinto 15:28, na kapag natapos na ang atas ni Jesus bilang Hari sa Kaharian ng Diyos, ibabalik na niyang muli ang awtoridad at kapangyarihan na iyon sa kaniyang Ama.

1 Mga Taga-Corinto 15:28
At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang papailalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa lahat.

Ngayon ang tanong, dahil ba binigyan ng Diyos si Jesus ng nakahihigit na kapangyarihan at awtoridad, ibig bang sabihin nito, siya na ang dapat nating sambahin?

Ganito ang itinuro ni Jesus sa Mateo 4:10 (The Divine Name King James Bible)

Then saith Jesus unto him, Get thee hence, Satan: for it is written, Thou shalt worship the LORD,( Jehovah Deu 10:20 ) thy God, and him only shalt thou serve.

Kaya, sino ang sinabi ni Jesus na dapat nating sambahin?

Gaya ng sabi sa teksto, walang iba kundi ang PANGINOON, (si Jehovah)

Kung ito ang nakasulat sa Bibliya at ito ang sinabi ni Jesus, dapat mo ba itong pag-alinlanganan? Hindi ka ba maniniwala sa sinabing ito ni Jesus? Kanino ka mas maniniwala, sa mga taong nagsasabi na si Jesus ang dapat sambahin o kay Jesus mismo?

Kayo na pong bahala na magpasiya.
 
[XX='xXmartoXx, c: 912932, m: 1577301'][/XX] Pkipost dto sa thread yung sinabi ko "daw" na "si Jesus ang mas mababang nilalang ng Diyos”

Dapat ganyan mismo ang pagkakatype ah .. kasi kung hindi ganyan ang pagkakasabi ko, it means, ikaw po yung hindi nakakaintindi ...
 
[XX='xXmartoXx, c: 912991, m: 1577301'][/XX] Ipost mo po dito sa thread yung sinabi ko DAW na "si Jesus ang mas mababang nilalang ng Diyos." Para may patunay ka at hindi masabing nagsisinungaling.

Kasi, kung hindi mo ipapakita yung patunay, masasabing kayo po yung gumagawa ng kuwento dito sa thread.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 446
    Replies
  • 7K
    Views
  • 28
    Participants
Last reply from:
Arlertz

Online statistics

Members online
1,116
Guests online
4,879
Total visitors
5,995
Back
Top