What's new

Closed Albert fish - serial killer

Status
Not open for further replies.

dostresx

Forum Veteran
Elite
Joined
Jul 6, 2016
Posts
1,978
Reaction
2,489
Points
822
"Albert Fish" - Sikat na Amerikanong Serial Killer na tumatak sa kasaysayan
SFTLvxezuJ0P9DxkFAEeE17_A3dMtCIwjsFnh9QXUhXRGuFCV5.jpg
Si Hamilton Howard o mas kilala bilang "Albert Fish" ay isang amerikanong serial killer. Sya rin ay minsang tawaging Gray Man, the Werefolf of Wysteria, the Brooklyn Vampire, the Moon Maniac, and The boogey Man.
Si Fish ay isang Child rapist at cannibal, sya ay naging supect sa pagkamatay sa limang tao habang inamin na sya ay pumatay ng tatlong tao na hindi malaman ng mga police ang ikinamatay.

Si Fish ay ipinanganak noong Mayo 19, 1870 sa Washington, D.C., namatay noong January 16, 1936 sa edad na 65 habang kinukuryente sa silya elektrika.
Ang kanyang ama ay Amerikano sa English ancestry, at ang kanyang ina naman ay isang Scots-Irish Amerikan. Ang kanyang ama ay mas matanda ng 43 taong gulang sa kanyang ina, at nasa 75 taong gulang ang kanyang ama noong ipinanganak sya. Ang pamilya ni fish ay kilala sa kasaysayan ng mga mental illness.
Ang kanyang tiyohin ay nagdurusa sa sakit na mania, isang kapatid na naka confine sa mental hospital, habang ang kanyang kapatid na babae naman ay na diagnosed sa mental affliction, at tatlo pa niyang mga kamag anak ay diagnosed ng mental illness, habang ang kanyang ina naman ay mayroong visual hallucinations.

Noong namatay ang kanyang ama sa Heart attack, si Fish ay inilagay ng kanyang ina sa Saint John's Orphanage sa Washington, kung saan sya ay inaabuso at sinasaktan. Walo'ng taong gulang si fish nung nasa orphanage sya at aniyay nai-enjoy nya ang bawat sakit na ginagawa sa kanya ng mga kalalakihan sa loob ng Orphanage.

>1880 - Nagkaroon ng trabaho ang kanyang ina sa gobyerno at dahilan rin ng pag alis ni Fish sa orphanage.

>1882 - Sa edad na 12 taong gulang nagka relasyon si fish sa isang Messenger. Ang lalaking kinakasama nya ay mayroong din isang hindi kilalang kondisyon. Siya ay kabilang sa mga taong may kondisyon na urolagnia at coprophagia.
Urolagnia - isang kondisyon kung saan iniinom nila ang kanilang sariling ihi.
Corophagia - Pagkain ng mga dumi ng katawan.

>1890-1918 : Kasaysayan ng pagiging kriminal ni Fish.

Noong 1890, nakarating si fish sa New York City at sinabi nya na sya ay naging isang prostitute at inumpisahan ang panggagahasa ng mga batang lalake na nasa edad anim pababa.

> 1989 - Nagtrabaho si fish bilang isang pintor at patuloy parin ang pagmomolesta ng mga bata, madalas mga lalake ang mga batang minomolesta nya.

> 1910 - Isang 19 taong gulang na lalake ang nakilala ni Fish na nagngangalang Thomas Kedden, nagkaroon ang dalawa ng relasyon at pagkakasakitan habang ito ay nagtatalik. Ayun kay Fish ay hindi nya ito pinilit upang makipag talik at aniyay may problema ito sa pag-iisip.
Makalipas ang sampung araw ay dinala nya si Kedden sa lumang bahay at tinorture ang kinakasamang si Kedden, umabot ng halos dalawang linggo ang pagpapahirap kay Kedden. Nakatali si Kedden habang hihiwa ni Fish ang ari ni Kedden at ayun kay Fish "I shall never forget his screams, or the look he gave me"

> 1917 - Iniwan si Fish ng kanyang asawa at ngayon ay napilitan syang palakihin ang kanyang mga anak ng mag isa.
Nagkaroon si Fish ng hindi ordinaryong halusinasyon kung saan sinasaktan nya ang kanyang sarili. Lumabas sa x-ray na may nakitang 29 pirasong karayom na naka tusok sa katawan nito, at minsan narin syang mag hain ng hilaw na karne at pinapakain sa sariling anak.


>1919 - Isang batang lalaki ang may kapansanan ang sinaksak at pinatay ni Fish sa Georgetown Washington. Ayun kay Fish ginagawa niya'ng biktima ang mga batang may kapansanan dahil sa hindi raw ito mami-miss ng kanilang mga magulang kapag sila ay namatay.

Victims:

Grace Budd - Sampung taong gulang na babae ang kinidnap ni Fish at hindi na muli pang natagpuan.

Francis Macdonnell - Nawawalang walong taong gulang na lalake at natagpuang naka bitin sa taas ng puno malapit sa bahay ni Fish, ayun sa imbestigasyon ang lalake ay ni rape.

Billy Gaffney - Apat na taong gulang na batang kinidnap at hindi mahanap ang nawawalang katawan. Ayun kay Fish pinagtadtad nya ang katawan nito at kinuha ang mata, ilong, at tenga para gawing hapunan.

Bago ko tapusin ang artikulo, may isang pahayag silang nakuha kay Fish, Aniyay bumubulong daw sa kanya ang diyos at inutusang pumatay ng mga kabataan.
 

Attachments

Sa deepweb enigma mo ba to kinuha boss? Di ko rin masisi yung childhood niya napaka miserable
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 7
    Replies
  • 540
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
PHC - Chitong

Online statistics

Members online
1,160
Guests online
4,660
Total visitors
5,820
Back
Top