What's new

Closed Ako ay tutula...

Status
Not open for further replies.

rodvelzzz

Eternal Poster
Joined
Mar 26, 2016
Posts
847
Reaction
758
Points
309
Hello, mga ka-PHC! Welcome back sa akin. :)
Matagal na rin mula nung huling post ko dito. Sana may nakakaalala pa sakin. Nais ko lang ibahagi sa inyo ang resulta ng malikot kong isipan tungkol sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pag-ibig. Isang tula na kalipunan ng mga hugot na kung saan-saan ko lang napulot. Ito na siya:

____________________

MGA HUGOT SA KAIBUTURAN NG PUSO

Sadyang kay lupit ng mundo
Bakit ba may mga taong hindi makuntento?
Kakapit lang sa'yo ng ilang saglit
Tapos bibitawan ka na pag may nakita nang kapalit.

Mahirap nang muling mahulog
Baka ang puso ko'y muli na namang madurog
Papaasahin, papangakuan
Ngunit sa bandang huli, iiwanan ding luhaan.

O gulong ng palad
Bakit ba may mga taong mapapalad?
Tunay na pag-ibig, agad nilang nahanap
Hindi tulad ko na kay tagal nang humahagilap.

Kay raming dapat pagdaanan
Bakit kailangang paulit-ulit na masaktan?
Sabi nila, marami ka pa kasing dapat matutunan
Kaya pala, kung ikaw ay nagmamahal, ikaw rin ay mangmang.

Mangmang sa kung anong pwedeng mangyari
Mangmang kung siya ba ay lilisan o mananatili
Mga baka sakali, 'di alam kung s'an mauuwi
Kung sa ngiti ba o sa hikbi.

Nanalangin ako sa Maykapal:
"Sana dumating na ang taong tunay sa'king magmamahal"
Ang siyang kapananabikan, masilayan lamang o matanaw, sa araw-araw
Ang magbibigay pag-asa sa puso kong sa
pag-ibig ay uhaw.

_________________
Ayan! Sana naapreciate nyo ang likha ko. Pwede rin kayong magshare ng sarili nyong talata at tulungan nyo akong pahabain ang tulang ito. Dito nyo na lang ibuhos ang lahat ng mga hinanakit ninyo. Hahaha. :) Salamat!:)

"Okay lang maging bitter, basta huwag mo lang gawing forever."
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.
Back
Top