Hello guys, mag 1st year college na ako ngayong next pasukan at BSCS yung course na kukunin ko sana. Unfortunately, parang ayaw ako suportahan ng ate ko na mapag aral ako at di ko rin sya masisisi don kasi yung father ko is baby pa lang ako iniwan na kami at mother ko naman may sakit kaya walang income at di ako mapag aral. Ngayon, advisable po ba mag working student kapag BSCS? since kailangan ng self study at igugol yung oras sa pag aaral, ano kaya mga pros and cons sa pagiging working student? Please I need ur honest and genuine advice, kahit masakit at praktikal tatanggapin ko