What's new

About Paranormal, real ghost experienced at iba pa...

airforce123

Honorary Poster
Joined
Feb 21, 2017
Posts
759
Reaction
136
Points
254
Post kayo paps ng mga personal experiences ninyo.

Personal experienced ko bata pa ako noon mga 6 years old ako. Sa Zambales kami nakatira noon, sa malamig at mabundok na lugar kung saan yun Acoje mines. Minero kasi father ko dun. Naaalala ko mga hapon nun naglalaro ako sa may sagingan, pinapatayo ko mga lata tapos babatuhin ko ng bato,ganun lang. Kinabukasan paggising ko hindi ko matanggal yun kumot sa paa ko,dumikit yun tela sa paa ko. Pagkatanggal ng kumot sobrang laking sugat sa binti ko yun bang namamasa masa,samantalang wala naman akong kasugat sugat bago matulog. Kahit anong gamot hindi gumagaling kahit pinadoktor na ako ng father ko, wala pa rin epekto. Sobrang sakit na noon hindi na ako makalakad until may nagsuggest sa father ko na magsaboy ng isang gatang na bigas sa may sagingan. Ginawa naman ng father ko sabay paghingi ng pasensiya sa kung ano man hindi nakikitang naroon. After nun, kinabukasan paggising ko, wala na yun malaking sugat maski marka ng sugat wala. Yun itsurang hindi ako nagkaroon ng sugat sa paa. Yan po personal experience ko. Salamat sa mga nagbasa kahit sobrang haba ng kwento.
 
Ako nung bata pa ako sabi ni mama nakakakita daw ako ng mga di nila nakikita. Naalala ko nung si Mama may Doppleganger, si mama nasa palengke pala that time pero akala ko si mama nasa taas, kasi umakyat siya may dalang tutupiing damit pero yung mukha ni mama di nagsasalita at blangko yung reaction nya kaya nagtaka ako, nagulat na lang ako si mama kumatok sa pinto at nagtaka ako, sabi ko akala ko nasa taas ka, eh sino nasa taas ? sabi naman ni mama ",Diba namalengke ako? Nagpaalam pa nga ako sayo dba ?"

Ayun lang pagakyat din namin ni Mama sa taas walang tao dun pero yung mga damit na inakyat nandun.

Kinikulabutan ako 😱😱😱
 
Nakakatakot naman ng experience mo paps.
 
Yun sa bunso naman namin mga 5 or 4 years old.siya noon, kuwento ng mother ko habang nagpapahinga sila sa kwarto biglang sinabi daw ng kapatid 'nay kamay o' sabay turo sa sulok kung saan niya nakikita. Wala naman makita ang mother ko kaya ginawa niya, lumabas na lang agad sila sa kwarto.
 
Naka quarantine ako nun sa hotel, medyo creepy yung vibes sa kwarto. One time manghihilamos sana ako, habang nakatingin sa salamin, may parang blurred na hugis ng tao. Natakot ako pero nilakasan ko loob ko. Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko, pag lingon ko sumama na sya sa iba 🥲😔😣
Joke lang po ✌️😂
 
Ito po ang pinakanakakatakot na nabasa ko.
 
Nung bata ako, akala ko normal lang ang makakita ng mga bagay na kakaiba! Madalas may malaking itim akong nakikita sa gabi... One time may 2 malaking parang usa na humaharang sa akin patungo sa tarangkahan ng bahay namin. Umiiyak lang ako dahil akala ko normal na nakikita ng iba yon. Hanggang sa magdalaga ako madami ako experience na kakaiba pero hindi ko kinukwento sa iba! Hindi ko nakakalimutan ung nagliliwanag na ilaw mula sa bintana at tinatawag ang pangalan ko. Meron pang isang beses na nag levitate ako gang kisame, pero hindi ko masabi kung panaginip lang ba yon! Pero ramdam na ramdam ko ung pagbagsak ng likod ko sa kama. (Bago mangyari yon, ramdam ko ung katawan ko na gumagaan na parang may dumadaloy na kuryente, ung isip ko napupunta sa kawalan. Hindi ko macontrol un., hanggang sa parang sanay nko at kapag gusto ko! Nakakaya ko na mapunta sa ganoong sitwasyon! Parang nagiging 2 ako! alam ko kung pano ko bumalik sa normal)
 
Ibig sabihin kaya mo na kunwaring lumipad kapag andun ka sa sitwasyong yun?
 
Cre
Ako nung bata pa ako sabi ni mama nakakakita daw ako ng mga di nila nakikita. Naalala ko nung si Mama may Doppleganger, si mama nasa palengke pala that time pero akala ko si mama nasa taas, kasi umakyat siya may dalang tutupiing damit pero yung mukha ni mama di nagsasalita at blangko yung reaction nya kaya nagtaka ako, nagulat na lang ako si mama kumatok sa pinto at nagtaka ako, sabi ko akala ko nasa taas ka, eh sino nasa taas ? sabi naman ni mama ",Diba namalengke ako? Nagpaalam pa nga ako sayo dba ?"

Ayun lang pagakyat din namin ni Mama sa taas walang tao dun pero yung mga damit na inakyat nandun.

Kinikulabutan ako 😱😱😱
Creepy part paps yun nandun talaga yun mga damit na buhat buhat ng doppelganger ng mama mo.
 
Nagpakita sa akin ang tita ko na kakamatay lang. Kaya pala bigla ako naalimpungatan ng 12am. Bigla ako nagising tapos ayun nakita ko siya sa harap ko. Di ako natakot dahil alam ko si tita
 
May mga gabi din na 3 magkakasunod sunod na tuwing magigising ako pagtingin ko sa wall clock eksaktong 2:00am lagi nasa harap lang kasi ng kama ko yun wall clock.. Ano kaya ibig sabihin nun mga paps?
 
NONESENSE.............
Respeto lang paps. Kung none sense sa iyo ang ganitong topic,okay lang hindi naman kinukuha ang side at opinion mo. Isipin mo hindi din lahat ng thread mo nagugustuhan ng iba pero dahil may respeto sila hindi nila sinasabi o nagko-comment sa thread mo. Pwede rin akong magcomment ng none sense sa mga thread mo pero dahil may respeto ako na wala ka ata sa mga members dito,hindi ko ginagawa.
 
Similar threads

Back
Top