Kahapon po pinapalit ko battery ng Huawei phone ko sa service center ng huawei (fonerange) binigay ko sa kanila ng smooth at ipapapalit ko lang talaga battery ko tapos nung tumawag sila akala ko tapos ng gawin. Ang nangyari is sira yung screen pati puro ghost touch. Pinaiwan po nila phone ko para i observe at papalitan daw po nila yung screen kung kailangan. Ano po kayang magandang gawin? Makakahingi ba ako ng warranty sa kanila kahit ilang months lang? Kase di marunong yung technician nila baka ilang months lang sira ulit. Iniisip ko po phone ko ngayon baka lalo nilang masira.