What's new

Closed Guys i badly need your advice tungkol sa nanliligaw sakin

Status
Not open for further replies.

kouichii

Addict
Joined
Dec 12, 2018
Posts
118
Reaction
26
Points
96
Hello everyone!
May nanliligaw po sa akin nung una tapos friends lang po kami ngayon then nag open up po sya sa past nya na ang dami naging mga flings and kalokohan.

Tapos eto pa po yung di ko matanggap.
Yung ex nya po nabuntis nya pero di nya pinanagutan same with his 2 girls na naka fling nya.

Yung isa ata pina abort nalang nila.

Ngayon po kasi, magbabagong buhay na daw siya. Ang sakin naman, nababahala ako sa mga ginawa nya dati parang ang heartless po nya kasi sa mga previous partners nya.

Sabi niya sakin magbabago naman na daw siya kasi alam niya mataas standards ko.

Kasi nagawa niya sa iba, most likely baka gawin din nya sakin in the future.

Ano po ba ang dapat kong gawin?
Hindi ko nalang po ba siya kausapin?
May mga loko loko ba na nagbabago din?

Ano po input nyo about dito?

Kase sa totoo lang may mga manliligaw naman ako na mga matino na di tulad nya.
 
Last edited:
ate ganyan din sinabi nya noon sa mga dati nyang nakarelasyon kaya naguyo nya sila. ang tanong dadagdag kapa ba?

ang pag iwan sa nabuntisan nya malaking proof na yan na hindi responsable yang lalaking yan
 
Hmm.. Ilang beses kaya niya sinabi yang ganyang linya? :)
Ay oo nga pala may nauna na pala siyang naloko sayo hindi lang 1, hindi lang 2, sabi 3 pero baka marami pa.
Mag-isip ka ng mabuti.
 
Last edited by a moderator:

Yun nga po baka bibiktimahin lang ako nun. Iwasan ko nalang po siguro siya. Thank you sa input boss.
 
Trust your gut and instinct. Huwag kang magpaloko sa mga salita niya and promises dahil promises are meant to be broken. Sure, he'll give you stars and everything pero what will happen after few months or years? Better to be safe than sorry. Kaysa naman saka ka magsisi kapag ikaw naman ang niloko or worse, mabuntis niya at takbuhan. Kung wala ka namang nararamdaman sa kanya, ignore him. Kung may nararamdaman ka naman sa kanya, ignore that feeling.
 
Hmm.. Ilang beses kaya niya sinabi yang ganyang linya? :)
Ay oo nga pala may nauna na pala siyang naloko sayo hindi lang 1, hindi lang 2, sabi 3 pero baka marami pa.
Mag-isip ka ng mabuti.
Thank you po sa advice. Baka ako pa isunod nya.
 
Last edited by a moderator:
Trust your gut and instinct. Huwag kang magpaloko sa mga salita niya and promises dahil promises are meant to be broken. Sure, he'll give you stars and everything pero what will happen after few months or years? Better to be safe than sorry. Kaysa naman saka ka magsisi kapag ikaw naman ang niloko or worse, mabuntis niya at takbuhan. Kung wala ka namang nararamdaman sa kanya, ignore him. Kung may nararamdaman ka naman sa kanya, ignore that feeling.

Kaya nga po eh may history na kasi sya.
 
Magbagong buhay? iiwan nya yung nabuntis nya na parang bula? Pano na yung kinabukasan nung bata wala lang? Wag na lang ate as in wag na hindi sya responsable sarap lang hanap nun for sure ganun din gagawin nun sayo marami namang lalaki dyan mahahanap dyan hindi lang naman sya
 
Pinagsisisihan naman daw niya. Hmm ang excuse nya kaya nya iniwan dahil nabuntis lang naman daw nya mga naka fling niya.
Ngayon po nakikipagkaibigan nalang sya para daw makita ko na magbabago daw sya.
 
wag ka ng dumagdag ts...yung ipaglaglag lang yung bata na sinasabi mo malaking kasalanan na yun eh...pag tapos na mabuntis yung mga gf nya doon pa lang wlang plano yan...madami pa dyan ts...
 
Yung mga sinabi nya sapat na yun para maliwanagan ka. Nagawa nya na once, twice and so on. So you think magiging exception ka? Magbago man yan maliit lang chance. So susugal mo ba sarili mo? Wake up girl. Alam mo naman sagot sa tanong mo.
 
kung gusto mo at mahal mo.. tanggapin mo yung past nya, pero kung may doubt and fear , mabuting wag nlang simulan .. its better to be safe than sorry.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top