What's new

Closed Bakit ang baba ng sahod sa pilipinas??

Status
Not open for further replies.
REAL LIFE IN THE PHILIPPINES

-payag ba kayo mga paps na may national minimum wage sa pinas para lahat pantay-pantay.

-yung ibang taga probinsiya pumupunta ng manila dahil mataas daw ang sahod pero yung cost of living napakamahal naman so parang wala din.

-kanino bang presidente nagsimula ang manimum wage.

-sabi ng iba nung naupo na daw si cory dun na nag hirap ang pilipinas is it true?

-bakit pagdating sa sahod yung mayaman lalong yumayaman yung mahirap lalong naghihirap.

-yung iba daming reklamo sa sahod pero sa luho walang reklamo haha.

-kaya ba marami pumupunta sa ibang bansa?
 
kasi ang mayayaman mostly business agad. kaya mas malaki ang pasok ng income sa kanila. kaya lalo silang yumayaman.
tayong mahihirap puro gastos, pamasahe, pagkain, trabaho, sahod kaya ang pinaka source of income natin ay ang trabaho lang.
sa minimum naman puro sila laging pag-aaral kung paano, dahil pag tinaasan daw maraming company ang malulugi. ehh paano naman yung mga sumasahod ng 50k-100k/month? tapos tayo na kung let say gagawin 800per day x30.. so nasa 20k lang. hirap pa sila. pero sa mga 50 - 100k/month wala lang?
pero pag taas sahod sa government office ang bilis ng proseso wala ng pag-aaral na binabalita or ginagawa. na iimplement agad.

kaya maraming pumupunta sa ibang bansa kasi ang sahod natin na 512 per day. kinikita lang doon ng ilang oras lang.
meron kasing bansa na per oras ang bayad.

kung mga nagrereklamo sa sahod. kaya ganun kasi hirap sila makabili ng pangluho nila.
 
Daming kurap sa pilipnas paps d talaga maiwasan sa mga pinoy yan ayaw magpalugi kun nasa position sure lalamang talaga siya para yayaman
 
well ang explanation dun sa yumayaman at naghihirap dahil sa fix ang kita ng mahihirap at karaniwang kinukulang dahil sa mataas na bilhin, at pagkakasakit kumpara sa mayaman na kumikita sa pag nenegosyo na mas malaki at tumutubo pa.
 
kasi ang mayayaman mostly business agad. kaya mas malaki ang pasok ng income sa kanila. kaya lalo silang yumayaman.
tayong mahihirap puro gastos, pamasahe, pagkain, trabaho, sahod kaya ang pinaka source of income natin ay ang trabaho lang.
sa minimum naman puro sila laging pag-aaral kung paano, dahil pag tinaasan daw maraming company ang malulugi. ehh paano naman yung mga sumasahod ng 50k-100k/month? tapos tayo na kung let say gagawin 800per day x30.. so nasa 20k lang. hirap pa sila. pero sa mga 50 - 100k/month wala lang?
pero pag taas sahod sa government office ang bilis ng proseso wala ng pag-aaral na binabalita or ginagawa. na iimplement agad.

kaya maraming pumupunta sa ibang bansa kasi ang sahod natin na 512 per day. kinikita lang doon ng ilang oras lang.
meron kasing bansa na per oras ang bayad.

kung mga nagrereklamo sa sahod. kaya ganun kasi hirap sila makabili ng pangluho nila.

well tinataasan talaga if professional, hard to find skills, experience and higit sa lahat pakinabang o ambag mo sa paglago ng negosyo. sa gobyerno dapat tulungan sa pag kurakot dahil kung hindi may kakanta hehehe.
 
Uo nga papsi, sana lahat na lng tayo pantay-pantay :)
hindi pwedeng mangyari yun "if there is positive, there is negative. light and dark", good and evil. in short di na balance at titigil na ang purpose ng kung anong buhay sa mundo if mangyari ang pantay pantay or fair..
 
Last edited by a moderator:
.unfair ang diyos.. bakit may mahirap.. balit may mayaman
Hindi din brad, isipin mo ito,
Kung ang lahat ng tao may tig sasampung milyong pera , sino ang tatayong taga linis ng kubeta mo, eh kung pareho pareho ang lahat ng tao mayayaman?
Hinayaan ng Dios na ganyan upang balance ang mundo parang yin at yang
Mag observe ka.
Well para sa akin sa nabasa ko sa Bible mas may pabor sa Dios ang mga mahihirap sa buhay na ito, may darating na hustisya para sa mga taong naghirap sa buhay na ito ngayon.marami kasi taong masakim
"As the saying goes, the earth has enough for mans needs, but not enough for mans greed"

Paki basa ito

Lucas 6:20 At itiningin niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Mapapalad kayong mga dukha: sapagka't inyo ang kaharian ng Dios.
21 Mapapalad kayong nangagugutom ngayon: sapagka't kayo'y bubusugin. Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon: sapagka't kayo'y magsisitawa.

Lucas 6:23 Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagka't narito, ang ganti sa inyo'y malaki sa langit; sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta.
 
Last edited:
Tama lang naman na ibalik ang national minimum wage dahil pihit lang ng mga kapitalista ang pagkakaiba ng sahod sa ibat ibang lugar ay para mas malaki pa ang tubuin nila pag nag negosyo sila sa probinsya. Sinto-sinto lang ang maniniwala at ang mga nagpatupad na regional wage para mapaniwala na magkaiba ang living wage sa probinsya at maynila.

Wala naman pinagkaiba ang ang kinakain ng mga tiga probinsya at maynila, na halos nagiging mas mahal pa ang bilihin sa malayong probinsya kesa maynila dahil sa transportation cost nito. Bakit marami pa ang dumadayo ng divisoria kung mahal ang bilihin sa maynila?
Kung sa angeles pampanga nga 380 lang ang minimum pero mahal ang bilihin dahil sa dami ng foreigner don.

Sa madaling salita, ito ay para makapagkamal ng malaking tubo ang mga kapitalista.

Ang regional wage board o tripartite ay dikta mismo ng mga dayuhan kapitalista at ang mga namumuno sa pamahalaan lamang ang tiga pagpatupad nito. Kasama ito sa pakete ng Herrera Law na nagligalisa sa kontraktwalisasyon.

Dahil sa pagsasamantala ng mayayaman sa mahihirap tulad ng mababang sahod at kontraktwalisasyon nakakapag kamal ng malaking tubo ang mga mayayaman negosyante habang hindi makaangat sa buhay ang mahihirap..

Pero kung malalim ka magisip, uunlad ba ang mayayaman kung wala ang mga manggagawang ito? Tutubo ba ang kanilang puhunan kung walang gagawa ng produkto nya? Mapagtitinda mo ba si Henry Sy ng damit kung wala ang mga manggagawa nya?

Sino nga ba ang tamad? Ang manggagawang halos dugo at pawis na nagtatrabaho ng mahabang oras o ang isang nakaupo at naghihintay na lamang ng sambot ng pera?

Mababang sahod at kawalan ng hanapbuhay ang dahilan kung bakit napiilitan sila umalis ng bayan.. Dahil sa kawalan ng maraming trabaho. Halos ang mangagawang pilipino ay nagiging bargain na lamang para sa mga kapitalista at dayuhan.. Maraming walang trabaho, napipilitan na lamang ang mga manggagawa pasukin kahit mahirap at ang sahod na wala sa minimum, na karamihan dito sa maynila ay di nagpapatupad ng minimum na sahod.

Ganyan ang kalagayan ng pilipinas sa ilalim ng mga pinapaniwalaan nyo mga pangulong magbabago ng bansa.
 
Last edited:
Hindi din brad, isipin mo ito,
Kung ang lahat ng tao may tig sasampung milyong pera , sino ang tatayong taga linis ng kubeta mo, eh kung pareho pareho ang lahat ng tao mayayaman?
Hinayaan ng Dios na ganyan upang balance ang mundo parang yin at yang
Mag observe ka.
Well para sa akin sa nabasa ko sa Bible mas may pabor sa Dios ang mga mahihirap sa buhay na ito, may darating na hustisya para sa mga taong naghirap sa buhay na ito ngayon.marami kasi taong masakim
"As the saying goes, the earth has enough for mans needs, but not enough for mans greed"

Paki basa ito

Lucas 6:20 At itiningin niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Mapapalad kayong mga dukha: sapagka't inyo ang kaharian ng Dios.
21 Mapapalad kayong nangagugutom ngayon: sapagka't kayo'y bubusugin. Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon: sapagka't kayo'y magsisitawa.

Lucas 6:23 Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagka't narito, ang ganti sa inyo'y malaki sa langit; sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta.
yan ang pinaniwala sa atin mula ng dalhin ng kastila ang kristyanismo dito.
"Mapalad kayong mahihirap at inaapi dahil mapapasa inyo ang kaharian ng Diyos"
Kaya ang pobreng pilipino ay ok lang na alipinin ng mga kastila noon.. Dahil sa salita ng diyos na yan, ilan ang nag buhay hari habang maraming mahihirap na pinagsasamantalahan.

Kung magiging mapanuri ka lang sa kasaysayan. Ginamit nila ito bibliya para sakupin tayo at alipinin ang mamamayan. Ito rin ang ginamit ng mga puti para mapasunod ang mga native sa mga bansang kinolonya nila hanggang sa mga slave na negro sa america

Kung ang mga taong gumagawa nito sa mahihirap ay parurusahan ng diyos.. Edi sana matagal ng sinusunog ang kaluluwa nila Henry Sy at Lucio Tan, Conguanco, Gocongwei dahil sa dami ng taong pinagsamantalahan nito para yumaman. Sa pagiging kontraktwal ng manggagawa nito, pagbibigay ng mababang sahod at pangangagaw ng lupa sa magsasaka at katutubo. Bakit ang mga pulitikong ginawa ng negosyo ang paglilingkod sa bayan dahil sa pagnanakaw sa kaban ng bayan bakit hindi gawin ng diyos na patamaan nya ng kidlat?

Hinayaan ba ng Diyos maging balanse? Hinayaan ba nya na meron apihin at may mapagsamantalahan? May kawawain habang sila'y nabubuhay sa karangyaan na galing sa pinagpaguran ng iba.

Kung si Hesus pa, mas tinitingnan ko sya na naghahangad ng pagkapantay pantay. Ang pangaapi sa mahihirap ng mga mayayaman. Dahil sa banta sya sa maaring pag aalsa ng mahihirap laban sa mga naghahari kaya pinahirapan at pinatay siya. Hindi ko sya tinitingnan bilang Diyos kundi isang rebolusyunaryong naghahangad mawakasan ang pagsasamantala ng tao sa tao.
 
Last edited:
Gumawa kayo ng robot or Advance AI para gumawa lahat ng trabaho ng tao. whahaha.
pag nangyari ito, parang ang mga mayayaman negosyante narin ang gumawa ng ikababagsak nila. Dahil wala makabibili ng produkto nila kung wala ng trabaho ang tao.
 
hahaha kung lahat mayaman walang magtatrabaho sa mga gawain ng mahirap kasi mayaman tayong lahat.
kung lahat ay mayaman hindi mo na sya masasabi na mayaman, kundi maunlad na pamumuhay..

Hindi naba pwede gumawa ng trabaho ng mahihirap ang mayayaman.? Kung hindi magtrabaho sa kanila ang mahihirap sa tingin po ba natin ay mabubuhay pa sila?

Kung ang lahat ng tao ay kailangan magtrabaho para sa sarili lang nila, unang mamamatay ang mayayaman dahil sila ay walang kakayahan gumawa ng pagkain at pangangailangan nya.. Di tulad ng mga mahihirap na magsasaka at manggagawa na sila ang may kakayahan gumawa ng pagkain natin. Pero bakit sila pa un naghihirap diba?

Kaya ang mayayaman ay walang kakayahan magtrabaho, binibili lang nila ang lakas paggawa ng tao sa anyo ng sahod para angkinin ang ginawa nito at ibenta.

Ibig sabihin, binabayaran nya ng mura ang manggagawa tapos nabebenta nya ng mahal ang produktong ginawa nito.. Ito ang TUBO
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top