Sa paglubog ng araw
mawawala ka rin
hindi ko maisip na ang padating mo'y
panandalian lamang,
ang bawat hampas ng alon sa buhanginan,
ay bumubura sa ating mga alaala
sa isang tasa ng kape na ating pinagsaluhan
sa isang tinapay na ating pinaghatian,
minsan na tayong naging isa,
Ngayon,
Sa paglubog...