What's new

Closed Off-topic; kaalaman muna :)

Status
Not open for further replies.
Joined
Feb 1, 2017
Posts
3
Reaction
2
Points
64
PAKIBASA PO MUNA BAGO MAGBASH!!!
Unti-unti ng Namumulubi ang America.
Oo, may yaman pa sila…pero hindi na yan magtatagal. Kung susukatin ang yaman in terms of purchasing power, pinaka mayaman ang China. Mukhang mayaman lang naman ang America dahil ang lahat ng bansa ay nagba-base sa US Dollar. Yung nagback-up niyan eh yung oil. Ang nagsusupply ng oil, yung Saudi. Kaya, kahit gaano karaming human rights violation ng Saudi Arabia, hindi talaga yan sisitahin ng America kasi yung Saudi ang pumopondo sa kanila. Mga ipokrito.
Pero, meron pang isang sekreto!
Malapit nang maubos ang oil ng Saudi.
Lahat ng gamit natin, ginagamitan yan ng petroleum. Hindi lang yan sa diesel at gasolina. Plastic, goma, nylon, pvc pipe, floor wax, crayons, rubbing alchohol, pintura… halos lahat ginagamit yan. Kaya ganun nalang kabilis mag extract ng oil ang Middle East ngayon. Maniwala ka man o hindi, pati Canada at America, nag-eextract na rin sila ng langis nila.
At ang masama, Dati kasi, lahat ng pera ay backed-up by gold reserves. Ngayon ang ginawa ng America, ginawa nilang back up ang oil. Yung gold nila, wala nang pondo ang Federal Reserves nila. Inubos at binili na ng mga oligarchs. Mga malalaking kompanya na ang nagpapatakbo ng kanilang bansa ngayon. Masyado kasing kampante yung America. Kaya yun, gusto ng Germany na kunin yung gold reserves nila sa America, pero wala nang maibigay ang America. Sobrang tiwala kasi nang ibang bansa sa dolyar. Hindi nila iniisip na fiat currency lang yun. Papel na walang silbi. Ngayon, dahil dito gustong bawiin ng China ang kanilang investment worth $1 trillion. Eh wala nang maibigay yung America eh kasi namumulubi na nga. Kaya ang ginawa ng China, nag hoarding sila ng gold. Pati Russia, yan din ang ginagawa. Halos lahat ng gold ngayon eh inubos nang bilhin ng China at Russia kasi alam nilang mahina na ang America.
kaya pinag papalanuhan nang mabuti ni Duterte na sa China at Russia tayo kakampi.
May mga economic powers ang mundo. Ang mga established nyan ay yung mga First World o yung tinatawag nating West. Sila yung Europe at America. Pero, meron ding tinatawag na emerging superpowers, yan yung BRICs. Brazil, Russia, India and China. Yang mga yan, sobrang yaman na nila ngayon. Ang masama nito, yung West eh dahan dahan nang nagkakahiwalay. Did you observe na si Duterte lang talaga ang nag open up nang ganitong issue sa lahat ng Presidentiables noong campaign? Ang sabi nya, wala na daw hawak ang America sa Europe. Bankrupt na yung Greece at gusto nang pumanig sa Russia. Tama talaga si Duterte kasi yan yung totoo. Noong 2014, gustong umalis ng Scotland sa United Kingdom. Tapos, last 2016, tuluyan na talagang umalis ang Great Britain sa European Union. Ang susunod na aalis nyan ay France, tapos Italy, Germany, hanggang sa tuluyan nang mawasak ang EU. Kaya ganun nalang sinusuway ni Duterte ang European Union kasi wala na yang silbi.
Balik tayo sa BRICs. So, unti-unti nang humihina yung West, tapos lumalakas yung BRICs. Pero meron pang mga bansang lumalakas din, ito yung tinatawag na TIMPs – Turkey, Indonesia, Mexico and Philippines. Tayo yung mga emerging developing countries. At yan ang tini-take advantage ni Duterte kasi emerging power na rin tayo particularly dito sa Asia. Saan ka papanig? Sa humihina o dun sa lumalakas? Sa West or sa BRICs? Yan yung sagot kung bakit mas mainam na papanig tayo sa China at Russia kontra sa America at Europe. Long term kasi yung iniisip ni Digong. Wais masyado.
Dahil malapit na ma-bankcrupt ang Amerika, nagre-ready na yan sa isang malaking giyera. Wala na silang mapuntahan, no choice na yan sila. Kaya nga pinapalibutan na nila yung Russia at China kasi just in case na may mangyari, ready na sila, maraming walang alam pero malapit na ulit magka giyera.
Hindi lang kasi yan naririnig sa mga balita, pero yung ibang bansa, naghahanda na yan. Sa America, di alam ng mga tao doon pero nagre-rehearse na sila ng Martial Law. Ano pala yang Jade Helm 15, na katwiran nila eh military exercise lang daw. Yang mga facebook at twitter accounts, mga emails; kontrolado na yan ng US government. Kasi just in case na may i-trace sila eh madali na nilang mabisto at madakip. Yan yung enexpose ni Edward Snowden. Sa Russia, 40 million Russians ang sumali sa kanilang Nuclear Disaster drill. Kasi yang Syria, malapit na talaga yan. Konting di pagkakaintindihan nyan, magliliparan na mga nuclear sa dalawang bansa. Yung China, naghahanda na rin. Ang mga tunnels nasa mga kabundokan nila, puno na ng mga nuclear weapons.
Kaya nga bina-balanse ni Digong ng mabuti yung problemang yan. Yan yung tinatawag na ‘hedging’. Kasi kung patuloy tayo na magiging puppet ng America, tapos lalagyan nila ng base-militar dito, tayo ang kawawa. Gagawin lang tayong battleground sa giyera ng US sa China. Most likely ang Palawan talaga ang kawawa. Kaya nga tinitimpla ni Digong yung sitwasyon ng dalawang bansa.
Kaya nga sinabi ni Digong na palalakasin nya yung alliance sa Russia kasi doon siya kukuha ng military hardware. Maganda ang mga armas ng Russia, state-of-the-art. Modern na rin. Maganda rin naman ang armas ng America ngunit mahal masyado yung maintenance unlike Russia na madali lang i-maintain. At sa manpower din, kaya naghahanda na rin si Digong. Hanggan diyan lang talaga yan sila sa Scarborough. Paano kasi eh nasimulan na ‘yan nung panahon ni Aquino. Sabi pa nga niya sa isang speech niya noong August 24, wag mo talagang kalimutan. It was addressed to China. “I guarantee to them na kapag kayo pumasok dito, it would be bloody. And we will not give it to them easily. It would be the bones of our soldiers, isali niyo na yung akin, pero we will not allow any country to invade the Philippines.”
Hindi lang China, kundi kahit anong bansa na gustong sakopin ang bansa. Tandaan mo, kahit gaano kaliit ang Vietnam, di yan nakuha ng America. Sa lahat ng Presidenteng dumaan, si Duterte lang yung pinakamagaling in terms of defense. Kung meron man mag invade sa atin, di pa nila nakikita na ang Pilipinas magkakaisa kasama ang AFP, NPA, MILF, at MNLF. Susunod yan lahat para depensahan ang Pilipinas.
-COPIED
 
Ayos tol. Magandang thread must take time to read this thread para naman malaman natin kung bakit ginawa ng presidente natin na makipagsundo sa russia at china
 
I think someone's gave to him a reward
Actually duterte was a wise person even everybody
No one can noticed
That his hardwork is for us
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top