Sa makabagong plataporma ng ating pangulo, maraming namamatay ngayon dahil naging masipag ang mga kapulisan sa drug related raids. Kung ikukumpara natin sa mga nakaraan namumuno, mas malawakan at seryoso itong ipinatutupad, kaya talagang marami ang posibilidad na casualties. Hindi yan maiiwasan, pero tungkulin din nating siyasatin kung makatarungan ba yung pagtupad nito. Bukod din doon, maaring meron din nakikisali tulad ng vigilantes o kaya ginagamit itong paraan ng iba nating mamamayan (mapa-gobyerno man o pribado) sa kanilang pansariling dahilan.
Ang problema sa droga ay di malulutas ng malumanay na paraan o pakiusap lamang. Hindi pa nga sapat yang sangkatutak na raids at pagdakip sa mga drug pushers, drug users, druglords, atbp. Pero isa itong magandang hakbang para maibsan yung matagal ng problema. Ang malaki talagang hadlang sa problema ng droga ay yung mentalidad ng tao mismo sa tukso ng pagiging "high" sa kahit anong paraan.
Walang dapat ikabahala tayong mga normal na Pinoy, kundi yung mga taong konektado sa droga. Alam nating lahat na talamak at isa ito major issue ng ating bansa noon pa man, kaya kung maglulunsad ng opensiba dito, talagang ganyan nga ang mangyayari. Para kang nag-eradicate ng malalang epidemya!
Mag-isip tayo ng malalim bago tayo maimpluwensya ng media...