Mas convenient gumamit ng emulator ngayon, pero sa akin, gusto ko rin yung feel ng legit na PSP eh haha. Glitchy rin kasi yung mga ibang game pag sa emulator, kaya less bugs rin kapag naglaro ka sa PSP. Di ko pa natapos Sims 2 kasi ayaw magprogress sa PPSSPP :/
Kung bibili ka man, halos lahat ng model ng PSP (1000, 2000, 3000, Go, Street) pwede lagyan ng CFW para makapaglaro ng games sa memory card/storage. May mga hardware differences din yan pero depende lang rin yan sa preference mo. Kung gusto mo ng magandang screen, ok yung 2000/3000/Go. Kung gusto mo naman ng mas makapal at mabigat na PSP, dun ka sa 1000.
Kahit 10+ years na since release yung PSP, buhay na buhay pa rin yung homebrew scene. Punta ka lang sa mga forums o subreddits.