What's new

Utang na LOOB? Hanggang kelan ba dapat bayaran?

Vash Configs

Always Updated™
Contributor
Anong take nyo dito? Na experience mo na ba yung isa sa mga culture ng mga pinoy na kapag may nagawa ang isang tao sayo, naitulong o nagawan ng pabor nagiging parang matagal na utang na loob mo yun sa kanya.

Ito yung isang mabigat na sample na alam ko madaming makakarelate, yung tipong nakapag abroad ka kasi tunulungan ka ng kamag anak mo. Andun na tayo sa utang na loob mo naman talaga yun sa taong yun at thankful ka. Pinapakitunguhan mo ng mabuti yung tao pero minsan parang laging ipinapamukha sayo na sya ang dahilan kung bakit ka nasa lugar mo kung asan ka ngayon.

Or kapag susweldo o gagala laging babanggitin na sagot mo, libre mo, wag kuripot, kahit na alam nyang di malaki sweldo at mejo nagtitipid ka kasi madaming ka pang binabayaran na utang. Yes ok lang naman nga na manlibre paminsan minsan pero kung madalas na babanggitin parang nakakairita? haha.

Pano ba ihandle yung ganitong culture ng mga pinoy na "UTANG NA LOOB"?

Kapag ako tumutulong ako, di ko iniisip na utang na loob mo yan sakin dapat ganito/ganyan ka palagi sakin. Basta masaya ako makatulong ganun. Pero may mga tao talaga na EWAN. wag na lang sila tumulong kumbaga kung mambabaoy lang sila.
 
Tanggihan mo minsan, magdahilan ka.
Hindi po nababayaran ang utang na loob, habang buhay na nakatatak sa utak yan ng tumulong sayo.
Tablahin mo minsan, hanggang sa pagnagsalita na sila sayo ng hindi maganda ( sumbat) e patas na kayo, yan lang ang kabayaran ng utang na loob para sa kanila, ang habang buhay kang susumbatan.
 
kung ganun din lang ginagawa boss . kailangan mo din mag open sa kanya ng kung ano man problema na kesyo ganto ganiyan siempre nag kautang ka ng loob sa kanya haha its means close kaung dalawa kasi nalapitan mo nga e . at mauunawaan niya yun . ganun.

meron din naman kasing mga pinoy na ganito ." ay ako yung nag dala sa kanya dun di siya makakarating dun pag wala ako". then sumang ayon ka nalang kasi isa din siya na tumulong sayo e . kaya wala ka din magagawa dun . d naman nakakawala ng pride yun. e .
 
Badtrip yung ganyan, Maging honest ka na lang man, sabihin mo nagtitipid ka, iwasan mo na lang din muna gala kung ikaw yung tingin mong gagastos.
 
Dadating yung time na kailangan mo magsikap para ung utang n loob matapos na at maibalik mo rin sa kanila,hindi rin ibig sabihin na oo lng ng oo sa gusto nila dahil lang sa may utang n loob k sa kanila..may mga tao kase n abuso n yung dating or may gusto pabor sa knya lahat.dahil lng sa may utang n loob k sa kanila
 
Back
Top