What's new

Trivia Tunay ka bang tapat sa Diyos

blame it on me

Forum Veteran
Elite
Joined
Jun 27, 2018
Posts
1,005
Reaction
2,880
Points
752
Age
27
Sabi ng Makapangyarihang Diyos,

🌾🌾Dapat mong unawain ang iyong sariling kalagayan at, higit pa rito, maging malinaw tungkol sa landas na kailangan mong tahakin; huwag nang hintayin pa na sabihin Ko at ituro sa iyo ang mga bagay. Ako ang Diyos na nagmamasid sa kaloob-looban ng puso ng tao, at alam Ko ang bawat saloobin at naiisip mo. Dagdag pa, nauunawaan Ko ang iyong mga kilos at pag-uugali—ngunit nakapaloob ba sa lahat ng ito ang Aking pangako? Taglay ba ng lahat ng ito ang Aking kalooban? Talaga bang hinanap mo na ito noon? Gumugol ka na ba talaga ng anumang panahon para dito? Totoo bang may ginawa kang anumang pagsisikap? Hindi kita pinupuna; ipinagwalang-bahala lamang talaga ninyo ang aspetong ito! Lagi kayong naguguluhan at hindi kayo makakita nang malinaw ng anumang bagay. Alam mo ba kung ano ang dahilan nito? Ito ay dahil hindi malinaw ang inyong mga saloobin at labis na matatag na nakabaon ang inyong mga kuru-kuro; dagdag pa rito, wala kayong ipinakikitang pagsasaalang-alang sa Aking kalooban. Sasabihin ng ilang tao: “Paano Mo nasasabi na hindi kami nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa Iyong kalooban? Patuloy naming sinusubukan na maunawaan ang Iyong kalooban, ngunit hindi kami kailanman nagtatagumpay—kaya ano ang dapat naming gawin? Masasabi Mo ba talaga na wala kaming ginagawang pagsisikap?” Hayaan mong itanong Ko ito sa iyo: Mangangahas ka bang sabihin na tunay kang tapat sa Akin? At sino ang mangangahas na magsabi na iniaalay nila ang kanilang sarili sa Akin nang may lubos na katapatan? Nangangamba Ako na wala kahit isa sa inyo ang makakapagsabi nito sapagkat, hindi Ko man sabihin, bawat isa sa inyo ay may mga sariling pagpipilian, mga sariling kagustuhan, at higit pa nga rito, mga sariling layunin. Huwag maging mapanlinlang! Matagal Ko nang natamo ang isang ganap na pagkaunawa sa lahat ng inyong pinakamalalim na mga saloobin. Kailangan Ko pa ba itong linawin? Dapat kang higit na magsuri mula sa bawat aspeto (ang iyong mga saloobin at kaisipan, ang lahat ng iyong sinasabi, bawat salita, bawat layunin at motibasyon sa likod ng bawat kilos na iyong ginagawa); sa ganitong paraan, makakamit mo ang pagpasok sa bawat aspeto. Higit pa rito, magagawa mong sangkapan ang iyong sarili ng buong katotohanan.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
 

Similar threads

Back
Top