What's new

Closed The one who killed the dinosaurs

Status
Not open for further replies.

Aomini Daiki

Forum Veteran
Elite
Joined
Mar 31, 2016
Posts
1,554
Reaction
1,796
Points
598
Age
25
Hello mga tropa! Nais niyo bang makinig sa kuwento ni Lolo, este mapag-usapan ang isang topic na tumapos sa isang Family ng Kingdom Animalia? Well here it is!

Sinasabing ang mga dinosaurs ay namuhay noon pang Triassic Period, malayo pa sa timeline ng tao. Ang mga Dinosaurs ang sinasabing 'Family of Conquerors' ng Earth that time.

Mayroon kasi silang members na Terrestrial, Aerial, at Aquatic (not Aquatial hahaha) at lahat ng members nila sa kind ng mga habitats na ito ay mga dominants doon - nagpapakita ng lakas at kapangyarihan ng mga brilyante, este ng mga lahi nila.

Kung susumahin - kung ganoon kalakas ang mga Sangre, ay mga Dinosaurs pala, bakit bigla nalang silang naubos? Kung malalakas sila, ay dapat naririto pa rin sila hanggang ngayon. Pero bakit wala?

Naririto ang isang sagot. Ang Chicxulub.

Ano nga ba ang espesiyal sa buwisit na meteorite/comet (still unidentified) na ito?

Ito:
1.) 10-15 Km ang Diameter nito.
2.) 180 Km ang Diameter ng Impact Crater nito.
3.) 30 Km ang lalim ng gitna ng imapct Crater nito

Kung ihahambing ang Impact Crater sa Silang, Cavite na may 209.43 square kilometers, malapit nang masakop ng Crater na ito ang buong Bayan ng Silang.

Kung ihahambing ang laki ng mismong Impacter (Meteorite/Comet) ng Chicxulub nang tumama sa lupa sa isang University rito, ang Cavite State University - Main Campus na located sa Indang, masasabing 21 na University na kasinlaki nito ang kakasiya sa Chicxulub.

Kung ihahambing naman ang lalim ng Crater sa gitna, magkakaroon ka ng tatlong Challenger Deep.

Mahina ba? Well ito pa ang isa. Ang pagbagsak niya ay lumikha ng isang pagsabog/shockwave na may energy na aabot sa sampung bilyong Atomic Bombs na ibinagsak sa Hiroshima.

WTH is that right? 'Yung pati Japan maaawa pa sa Mexico kasi mas malakas na shockwave ang natanggap nila? Hahahaha.

At dahil sa medyo tubig na ang pinagbagsakan ng Chicxulub 66 million years ago, nakagawa ito ng Mega Tsunami na may taas na 330 feet, na umabot hanggang Texas.

Maigi na lang at medyo mababaw pa ang pinagbagsakan. Kung sa Pacific Ocean 'yun, magkakaroon ng 4.6 km na taas ng mga Tsunami na maaaring lumunod sa kalahati ng landmass.

Ang mga naging epekto ay:

1.) Dusts
--> Natakpan ng dust ang Earth, at nagkaroon ng malaking Ejection ng Carbon Dioxide dahil sa Carbon Minerals na nadurog dahil sa pagtama ng Chicxulub, at lumikha ng Severe Greenhouse Effect.

2.) Volcanology
--> Sa shockwave at energy na dala nito, na-"3gg3rd" ang mga bulkan at nagkaroon ng mass Volcanic Activity sa buong mundo,

3.) Earthquakes
--> At kung mayroong bulkan, hindi papatalo sa lindol. Basta may nagiinit, may yumuyugyog.

4.) Bone Beds
--> Sa mga karagatan ng New Jersey ay nakakuha ng mga Bones ng LAND ANIMALS, pati na rin mga PLANTS' fossils na hindi naman damaged by means of fighting/predatism, means parang 'inihagis' lang sila roon at namatay sa ilalim ng dagat. It concludes the Shockwaves of the event.

Well, ang naapektuhan talaga rito ay mga dinosaurs. Dahil naubos talaga sila, obviously. Kung magkakaroon man ng Chicxulub Event guys, hanapin niyo lang si Tenshin Han para sa Pitong Dragon Balls, si Saitama para suntukin lang 'yung Meteor, si Avatar Korra para ma-Earth Bend 'yun, o kaya si Bard para maging invulnerable ang Earth.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top