What's new

Closed The island of agony

Status
Not open for further replies.

Aomini Daiki

Forum Veteran
Elite
Joined
Mar 31, 2016
Posts
1,554
Reaction
1,796
Points
598
Age
25
DISCLAIMER: This article is made out of research by the author/editor, any words, statements, thoughts that are similar to other reading materials and sources are not intended and is mere coincidence. Further more discrepancy in the information may vary from sources.

Isipin mo ang itsura ng isang islang maraming puno, kung titignan mula sa itaas kulay berde, at napapaligiran ng katubigan? Maganda diba? Parang gusto mo puntahan at mag bakasyon sa ganoong uri ng isla. Ganyan ilalarawan ang isla ng "Poveglia" sa Italya.
Pero gugustuhin mo pa kayang pumunta sa islang ito kapag nalaman mo ang nakaraan nito?

Ang Poveglia ay isang isla sa pagitan ng Venice at Lido. Isang maliit na isla na mayroong malagim na nakaraan.
Unang naging panirahan ng tao ang islang ito noong 421 AD matapos sila magsitakas mula sa mga barbarong mananakop.
Mahabang panahon din nanirahan dito ang mga tao na hindi nasasakop ng batas ng Roman Empire, gayun din hindi sila nakakapag buwis sa Gobyerno dahil sa liit nito, hindi sapat na pag aksayahan ng panahon at pag tuunan pa ng pansin. Hanggang sa muli itong abandunahin ng mga naninirahan dito sa unang bahagi ng 14th century.

Nanatiling walang tao ang islang ito sa maiksing panahon. Hangang sa dumapo ang bubonic plague sa Italya. Oo ang black death noong 1347. Sa sobrang tindi ng sakit na ito, ang malusog na tao sa gabi ay maaring bawian ng buhay kinabukasan kung sakaling dadapuan ng sakit. Sa takot ng mga tao na dapuan sila ng karamdamang ito naisip nilang i-quarantine ang mga may sakit, o nagpapakita ng sintomas at ihiwalay sa ibang tao upang mapigilan ang pag laganap nito. Paano?

Itinatapon sila sa Poveglia Island. Ang mga labi ng mga biktima ng black death ay ipinapadala sa islang ito upang hindi na maapektuhan ang hangin sa kanilang paligid. Ngunit hindi lang mga namatay ang itinatapon dito. Maging ang mga may buhay pa, mga may sakit na araw o oras nalang ang bibilangin ipinapadala na din dito. Sa Islang ito nila hihintayin ang kanilang oras. May mga biktimang inaabot pa ng ilang araw ang paghihirap bago pumanaw.
Sa gitna ng isla naman ay may mas malagim na nagaganap. Dito ibinabaon ang katawan ng mga namatay na, at may pagkakataong isinasama sa hukay ang mga buhay pang may sakit. Sinusunog din nila ang karamihan sa mga bangkay ng biktima, gayon din kasama ang mga humihinga pa.

Habang sinusunog ang mga ito, maririnig ang hiyaw ng mga buhay pang unti-unting nilalamon ng apoy.
160,000 katao ang sinasabing itinapon sa islang ito at ayon sa mga kwento at urban legends kalahati ng lupa sa islang ito ay labi ng mga tao. Ang mga pangyayaring ito ay naulit ng muling umatake ang black death noong 1630s.
Matapos ito ginamit ni Napoleon ang isla bilang taguan ng armas. Hindi nagtagal ito ay nadiskubre ng mga kalaban ng sandatahan niya at nagkaroon ng mga labanan kung saan marami din ang nasawi.

Ngunit hindi pa diyan natatapos ang madilim na kasaysayan ng Isla. Matapos itong maging tapunan ng mga biktima ng black death, at mga nasawi noong panahon ni Napoleon ay itinayo dito ang isang institusyon para sa mga may sakit sa pag iisip noong 1922.
Kumpleto ang pasilidad na ito noong maitayo kasama ang isang bell tower.
Dito dinadala ang mga taong may sakit sa pag iisip. Tulong tulong ang mga nurse at doktor upang mapagaling ang mga ito. Ngunit ang dapat na lugar ng pagkalinga ay naging lugar ng paghihirap para sa marami sa pasyente nito.

Matapos itong itayo ang mga pasyente dito ay sinasabing nakakrinig at nakakakita ng multo ng mga biktima ng black death, ngunit dahil sa sila nga ay may sakit sa pag iisip sila ay hindi pinaniniwalaan ng kahit na sino man.
Isa pa sa mga madidilim na nakaraan nito ay ang Isang doktor dito na nagsasagawa ng Lobotomy bilang eksperimento sa kanyang mga pasyente. Ito ay ang pagtangal ng parte ng utak upang mapagaling ang isang mental disorder. Ginagawa niya ito gamit ang barena, chisel, at martilyo. Ito ay naging torture sa mga pasyente na kung saan ang ilan sa kanila ay tumatakbo at tumatalon sa taas ng bell tower ng nasabing pasilidad.

Hindi nagtagal ang mga naging biktima ng doktor na ito ay naghanap ng hustisya. Ginugulo umano ng kaluluwa ng mga biktima nya ang nasabing doktor, hangang sa mag desisyon itong wakasan ang lahat sa pamamagitan ng pagtalon sa mismong bell tower kung saan namatay ang marami sa pasyente niya. Ngunit hindi ganon kadali ang lahat, ang pagtalon niya sa tower ay hindi nag sanhi ng kanyang pagkamatay. Sa kabila ng pagkaka bali bali ng katawan nya sa kanyang pag bagsak ay hindi agad sya binawian ng buhay Pinabayaan siyang maghirap hangang sa ito ay pumanaw. Ayon sa mga urban legends tungkol sa doktor na ito. Ang katawan nya umano ay isinimento sa bell tower.
Ipinasara ng tuluyan ang ospital noong 1968.

Sa pag daan ng panahon ang Isla ay napasakamay ng Gobyerno ngunit patuloy na ipinapasa sa kung sino sinong may ari.
Ilang taon pa lamang ang nakakalipas may isang pamilyang nag tangkang bumili ng islang ito at sinubukang manatili dito sa loob ng isang gabi. Matapos ang gabing iyon nagbago ang isip ng pamilya kasunod ang kanilang pananahimik sa kung ano ang nangyari sa kanila sa isla. Ang tanging makikita lamang sa kanila matapos ang gabing iyon ay ang anak nilang nagkaroon ng 14 stitches upang maisara ang sugat sa kanyang mukha.

Ang Poveglia Island ngayon ay off limit sa mga tao at pinang iiwasan ng mga mangingisda dahil sa malagim nitong nakaraan. Niing 2014 ang Poveglia Island ay nabili ng isang mayamang business man na si Luigi Bougano

Gugustuhin mo ba magbakasyon sa Islang ito?
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top