What's new

Closed The disturbing world of the deep web: the introduction

Status
Not open for further replies.

mangfidel

Enthusiast
Joined
Dec 12, 2017
Posts
2
Reaction
6
Points
63
Age
24
(Paalala: Ito ay isang maiksing panimula lamang ng aking artikulo, ang mga sumusunod ay nagsasalarawan lamang kung ano nga ba ang kahulugan at nakapaloob sa Deep Web.)

Kapag isinulat mo ito sa pagkaka-ayos ng letra ng "deepweb" mali ka na, kapag "deep web" mali ka na din, kapag "Deep web" mali ka pa rin dahil ito ay "Deep Web". Ano nga ba ang pagkaka-iba? Ano nga ba ang naiiba? Para sa akin, bawat letra ay mahalaga kung kaya't bawat nilalaman nito ay dapat hindi isinasa-walang bahala dahil ang mga nakapa-loob dito ay kakaiba at hindi basta-basta.

Ano nga ba ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.?

Hindi katulad ng mga pang-karaniwang websites sa surface web, ang Deep Web ay kakaiba. Iisa-isahin natin upang hindi kayo malito lalo na sa baguhan. Unahin natin kung ano nga ba ang Surface Web. Ang Surface Web o ang Visible Web, mula sa salitang Visible, ito ay madaling makita o nakikita lang agad ng karamihan at sa madaling salita ito ay nakalabas, in-public. Dito mo mababasa ang mga nais mong malaman, nandiyan si Google, Wikipedia etc. Ang ibig sabihin ng Surface Web ay yung searchable mo lang ang mga nakapa-loob dito at sa loob nito ay may standard web search engines na kung saan, dito mo tina-type ang mga websites na gusto mong puntahan katulad ng facebook, YøùTùbé, twitter, instagram, youji---- *hindi na pala kasali yun* at iba pa. So kung ang Surface Web ay visible, kabaliktaran naman nito ang Deep Web, sapagkat ito ay kadalasan na tinatawag na Invisible Web o Hidden Web.

Si Michael K. Bergman ang naitalang nag-pangalan sa term na Deep Web noong 2001. Ang Deep Web ay hindi basta-basta nase-search lang sa mga ordinaryong browsers sapagakat hindi naman ito iisang Website lamang. Karamihan sa iba ay iniisip na ang mga "Divers" kung tawagin ay nag da-dive sa "Deep Web" kung kaya't ang iniisip ng karamihan na ang Deep Web ay isang Website na kung saan nandoon na ang mga kategorya na pwede mong pindutin kung saan mo gusto, isa itong kamalian. Uulitin ko, ang Deep Web ay maihahalintulad sa Surface Web ngunit kabaliktaran nito ang depenisyon. Ang Surface Web ay isang Home Page lamang kung saan makikita mo ang search engine o yung search bar kung saan ka pwedeng mag-type, ganun din ang Deep Web. Kapag narinig kasi ng iba ang salitang Deep Web, ang papasok sa kanilang isipan, ito ay isang Website lamang kung saan nandito na lahat ng hinahanap mo, uulitin ko, isa itong kamalian.

So ano nga ba ang Deep Web? Ang Deep Web ay binubuo nang napakaraming Websites o Links na kung tawagin ay .onion links sapagkat kung ang kadalasan nating nakikita sa Surface Web ay mga .com/.ph/.org/.net na mga TLD o Top Level Domain, sa Deep Web ay ginagamitan ito ng TLD na .onion, pero bakit nga ba .onion? Ang .onion is a special-use top level domain suffix designating an anonymous hidden service reachable via the Tor network. Sa pamamagitan ng Tor o The Onion Router na application o software, ang user ay maaring makipag-communicate o mag browse anonymously. The purpose of using such a system is to make both the information provider and the person accessing the information more difficult to trace, whether by one another, by an intermediate network host, or by an outsider. Kaya kung natatakot ka mag-dive, kung safe naman ang way na pag-gamit mo nito, wag ka ng kabahan sapagkat si Tor na ang mismong mag-hahide ng IP Address mo. Kinakabahan ka ba na baka ma-trace ka? Walang problema, bukod sa kaya ni Tor na itago ang iyong IP Address, kaya niya din itong baguhin anumang oras.

Ang Deep Web ay may napakaraming .onion links dahil hindi nga lang ito iisang Website lamang kundi ito ay may kaniya-kaniyang parte. Ang Reddit na website ay isa sa mga websites na nagbibigay ng ibat-ibang legit .onion links sa Deep Web. Katulad ng kadalasan niyong nababasa, dito makikita ang talamak na online selling ng îllégâl drugs, mga paraphernalia, *********, at marami pa. Nakilala din ng karamihan ang Deep Web dahil sa mabababaw na dahilan, dahil sa mga nakakatakot na bagay, mga patayan at mga gores o yung mga nakakadiring bagay na dito mo lang mapapanoud. Para sa mga normal na tao, alam naman natin na nais lamang nilang masaksihan at maka-pasok sa Deep Web upang manoud, kung ika-aastig ba yung panonoud ng nyorns, scanyals, ****philes, gores, at iba pa. Sa kabilang dako, may parte din naman nito kung saan napakaraming topics at articles na kung tawagin ay ParaZite ang iyong makikita, katulad ng mga Illuminati, mga Anti-Christ, tungkol sa mga Drugs, mga tutorials at kadalasan ng tutorials dito ay nagsisimula ang title sa mga "How To", How to Kill, How to Cook, How to train your Dragon *Hindi pala kasama yun* at marami pa ang halos tungkol sa Cannibalism ang pinupunto.

Ano nga ba ang kinakatakutan ng karamihan bakit sobrang napaka-delikado ng Deep Web? Bakit nga ba sa pakiramdam ng iilan ay once na makapasok ka sa ibat-ibang .onion links ay maaring ito na ang huling buhay mo? FBI, häçkers, Hitman at kung ano-ano pa ang iilan lamang sa kadalasan na ating naririnig para sa mga hindi pa gaanong alam talaga kung ano nga ba ang meron sa Deep Web.

"Takpan mo Camera mo, baka makita ka nila."
"Tangalin mo yung mga wires na naka-konekta sa antenna ng Modem niyo, baka ma trace ka."
"Oi, delikado diyan. Wag kang mag-dive, huhulihin at ikukulong ka nila."

Ilan lamang yan sa mga kwentong barbero na maririnig natin bilang isang depinisyon tungkol sa Deep Web, totoo nga ba ang mga linyahang ito o isang haka-haka at isang alamat lamang? Narinig mo na ba ang katagang, "Kapag wala kang ginawang masama, wala silang gagawing masama sayo pero kapag may masama kang ginawa, masama din ang ibabalik sayo." Katulad na lamang sa Deep Web, hindi naman sobrang napaka-delikado kung mag da-dive ka lang at mag-babasa ng ibat-ibang conspiracies o confidential files, kesa sa sobrang pagiging baruy mo sa pag-rereact na sobrang nakakatakot at baka mahuli ng FBI o ma-häçk ng mga häçkers habang nag da-dive, bakit hindi mo nalang patunayan sa sarili mo mismo kung napaka-delikado nga ba ang Deep Web, patunayan mo mismo sa sarili mo dahil ikaw lang ang makakasagot.

Huwag kayong matakot kung anuman ang sumasagi sa inyong isipan na kahihinatnan kung mag da-dive kayo sa Deep Web. Walang dapat ikatakot kung alam mong wala kang binabanggang iba at nasa tama ang pag-gamit mo nito. Dive lang ng dive, huwag mong hayaan na yung takot mo ang manakot sayo, ikaw mismo ang manakot sa sarili mong takot at pangamba.

"Dive at your own risk."

Ipagpapatuloy...

Part II: The Disturbing World of the Deep Web: Diving in the Deep Web
 
P.S. Baka may magsabing galing Deep Web Enigma to, ako po yung sumulat nito don sa page at ibinahagi dito. Salamat <3
 
Ang ganda ng pagkakapalinawag! Now I know, salamat po sa mga informations.. Pero ask ko lang po, pwede ko po kaya maging research topic ang patungkol sa Deep Web? Nirerequire kasi kami na magisip ng sarisariling topic na ireresearch for Research In Daily Life na idedefense ko din sa final exam namin.. Naisip ko lang na ito kasi it really captures my interest.. What can you say po? ^_^
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top