What's new

Help TANUNGAN NG SIRA SA COMPUTER AT LAPTOP | TANONG MO, SAGOT KO!

CONFITEOR

Honorary Poster
Established
Computer technician ako for several years, and I can say na marami na ko na-encounter na problema sa computer at naayos.

Ask me anything tungkol sa sira ng computer at laptop nyo.

Sa mga kapwa ko technician tulungan din po natin ang mga members dito sa problema nila, wag lang sa love life 😅🤣

When posting questions, please post in this format para madali ma-trace ang problem

*************
Problem/Errors (if error, indicate the error code):
Date when last used (na okay pa):
Date problem/error occured:
Last activity bago nagkaproblema (example: nanonood ka lang ng p*rn bigla na lang nag shutdown na pc mo):
*************

Paki indicate din kung anong unit at quick specs:
Motherboard:
Procie:
RAM:
Windows OS Version (Win 7, Win 10, XP)

Always do first level troubleshooting:
1. Check cables/connections
2. unplug and unplug power cable/laptop charger
3. check kung umaandar ang fan
4. for no boot/no display, reseat RAM: clean with erase then put it back
at marami pang basic procedures na pwede munang gawin na baka sakaling mapagana ang system unit/laptop nyo

Sa mga may visible na sira sa LCD, (*****, lcd burn, etc.) obviously for replacement na ang case nyan, pero kung mapagtyatyagaan nyo gamitin wala namang problema don

Sa keyboard ng laptop with keys na di gumagana, I suggest na baklasin o ipabaklas nyo at linisan ang keyboard, marami nagagamot pa sa ganon bago magproceed sa replacement. Tinatanggal ko minsan yung di gumaganang key, at ibinabalik lang tapos gumagana na ulit.

Let's keep this thread alive! Susubukan ko kayo matulungan based on my experience ^_^
 
Last edited:
uu hahah, nagpakabait na raw :D bat nanghihingi pa ng driver yung camera nya, windows 7 siguro gamit, akin kasi plug&play nalang
hindi ko nga din alm eh, wait linawin natin kung built in ba yung camera nya or external at kung anong OS 😅
 
hindi ko nga din alm eh, wait linawin natin kung built in ba yung camera nya or external at kung anong OS 😅
alam mo fix ng monitor ko, parang may nag we wave dati hindi naman ganun, nung nasira gpu ko (bale naka built in graphics nalang ako) parang may nag we wave

Flickering pala tawag dun,, paano kaya ma fix yun?
 
yung sakin sir ginawa ko na lahat ng troubleshooting basic ayaw pa din ma uhay cpu ko anu kaya ptoblema nito pag on ko patay agad yung ilaw ayw din umikot ng fan
check cpu fan..lock ng cpu kung hindi maluwag..palit thermal paste..try palit ng power supply
linis ng ram.. check wiring kung intact pa rin
at ang huli pero hindi masyado advisable is labhan mo buong board pero syempre tanggalin mo muna mga nakakabit na hardware..
 
alam mo fix ng monitor ko, parang may nag we wave dati hindi naman ganun, nung nasira gpu ko (bale naka built in graphics nalang ako) parang may nag we wave

Flickering pala tawag dun,, paano kaya ma fix yun?
try mo salpak ng mabuti, baka hindi sya na kabit ng maayos, o kaya try mo din ibang VGA/HDMI/DVI cable
 
check cpu fan..lock ng cpu kung hindi maluwag..palit thermal paste..try palit ng power supply
linis ng ram.. check wiring kung intact pa rin
at ang huli pero hindi masyado advisable is labhan mo buong board pero syempre tanggalin mo muna mga nakakabit na hardware..
grabe naman paps, LABHAN talaga?? baka mamaya ilagay nya sa washing machine lagot na, 🤣
 
hahaha hindi naman sa washing paps..
nakalimutan ko kasi yung gingamit ng iba na fluid yung pang laba nila
para mabilis matuyo
ako kasi minsan joy tapos iblo-blower ko tapos patuyo sa init ng araw
na try ko na din pang hugas yung paint thinner, mabilis matuyo pag yun ginamit, mahal kasi pag alc0h0l ahaha!!
 
yes yes pwede din yan mga pinagbabawal nag teknik hahaha
ginagawa ko lang yung pag talagang lahat ng alam mo eh nasubukan na
haha!! pang hugas pag talagang kapit na kapit na ang dumi ahaha!! pinag babawal talagang teknik yun,

PS: do it at your own risk
 
Boss yung Laptop ko na DELL ayaw nya mag ON. Akala ko lowbat lang. Pero pag sinasaksak ko yung charger sa laptop namamatay yung pinaka ilaw ng charger. So akala ko sira ang charger kaya bumili ako bago. Pero sa bagong charger ganun padin. Namamatay yung parang light indicator sa adapter ng charger pag sinasaksak sa laptop. Ayaw parin mag on ng laptop kahit nakatanggal na battery at direct sa charger ang power. Salamat boss
 
pag sinaksak mo ba mag on tapos mamatay agad yung indicator??
 
Back
Top