Sinasabi ng Bibliya na alam ng Diyos na Jehova ang lahat ng bagay. Pero hindi lang siya basta interesadong alamin ang mga bagay tungkol sa kaniyang mga mananamba. (Awit 139:6; Roma 11:33) Ang kaniyang walang-limitasyong memorya ay di-gaya ng computer na basta nag-iimbak ng impormasyon tungkol sa mga indibiduwal. Sa katunayan, ang Diyos ay talagang interesado sa mga iniisip natin dahil gusto niyang maging malapít tayo sa kaniya. (Awit 139:23, 24; Santiago 4:8) Kaya hinimok ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na magdasal, kahit na alam na alam ng kaniyang Ama ang ating pangunahing pangangailangan. (Mateo 6:6-8) Habang sinasabi natin sa Maylalang ang ating niloloob, mas magiging malapít tayo sa kaniya