What's new

Help Studying Tips?

Hustinyano A

Honorary Poster
Joined
Aug 1, 2016
Posts
364
Reaction
70
Points
151
How do you guys keep your focus on studying? Every time I study I always get distracted. My mind goes elsewhere after a few minutes.
 
Kung distraction ang problema, ang solusyon ay alisin o iwasan mo yung distraction. Ako, alam ko sa sarili kong distracting ang social media apps para sa 'kin kaya hindi ko trip gumamit ng soc med apps. Sa browser ko lang ginagamit para hindi ko agad ma-access at tamarin ako. Kung ano lang pinakakailangan yun lang naka-install sa 'kin like Messenger. Kapag kailangan ko talagang mag-focus sa binabasa o inaaral ko, nag-ooff ako ng notifs tapos selected lang ina-allow ko. Nagrereply lang ako kapag urgent.

Kung hindi apps ang problema mo kun'di external factors like sa paligid gano'n, find a place/spot sa bahay niyo na hindi sobrang distracting kung meron man. Kung wala, tiis lang talaga. Ako walang perfect spot pero ang ginagawa ko basta yung pwesto ko hindi facing sa mga tao. Sa dingding gano'n haha.

Dahil online class tayo, natural lang na gadgets ang gamit for studying. Ang problema ng karamihan ay madali silang madistract dahil sa apps at notifs nila. Ako, hindi ko ugaling mag-display ng apps sa home screen ko lalo na yung apps na meant for entertainment/gaming kasi kung mas madali kong makita, mas madali akong matetempt or madidistract. Kung iisipin mo na "e maiisip ko pa rin naman yung app kahit di ko nakikita" bale ang punto kasi ro'n habang tumatagal nababawasan yung urge mo na buksan 'yon kasi hindi mo na laging nakikita tsaka s'yempre kailangan mo rin ng self-control at disiplina kasi kahit anong hide mo sa app kung wala ka ng dalawa walang mangyayari.

Hindi mo naman mabibigla ang pagbabago pero kung hindi ka mag-uumpisa talagang walang mangyayari. Good luck!

Dagdag ko lang pala na nakakatulong din magkaro'n ng sapat na tulog at kain. 😆
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top