- Joined
- Oct 13, 2017
- Posts
- 26,008
- Solutions
- 6
- Reaction
- 66,589
- Points
- 16,673
Pasensya ka na kung minsan
mga oras ko sayo'y di nakalaan.
di naman sa ako'y lumalayo
at di ko rin nais na ika'y magtampo,
Pasenya na kasi sadyang minsan
lungkot mo ay di ko alintana,
Sana naman wag ka lumisan
at unti unting kakalimutan 'ang
ating pagkakaibigan,
Oo,batid ko naman na
di mo maiwasan ang
matinding panibugho,
tuwing may mga bagong
nakakausap ako,
Sana iyong maintindihan
na ikaw din naman
ikaw pa rin ang isa sa
pinakamalapit
kung kaibigan,
Na sa bawat tawag mo
ako ay laging nariyan,
handang maglaan ng kaunting oras
sa mga kadramahan at
sa iyong werdong kataohan,
Di naman ako maglalaho
at mawawala sa iyo.
Ako pa din ang dating kaibigan
na kilala mo,
Kahit pa sabihin mo na unti unti
inaagaw nila ang atensyon ko,
wala pa ding magbabago,
mananatili pa din naman ako
bilang kaibigang laging tapat at totoo.
~Professora Akira~
mga oras ko sayo'y di nakalaan.
di naman sa ako'y lumalayo
at di ko rin nais na ika'y magtampo,
Pasenya na kasi sadyang minsan
lungkot mo ay di ko alintana,
Sana naman wag ka lumisan
at unti unting kakalimutan 'ang
ating pagkakaibigan,
Oo,batid ko naman na
di mo maiwasan ang
matinding panibugho,
tuwing may mga bagong
nakakausap ako,
Sana iyong maintindihan
na ikaw din naman
ikaw pa rin ang isa sa
pinakamalapit
kung kaibigan,
Na sa bawat tawag mo
ako ay laging nariyan,
handang maglaan ng kaunting oras
sa mga kadramahan at
sa iyong werdong kataohan,
Di naman ako maglalaho
at mawawala sa iyo.
Ako pa din ang dating kaibigan
na kilala mo,
Kahit pa sabihin mo na unti unti
inaagaw nila ang atensyon ko,
wala pa ding magbabago,
mananatili pa din naman ako
bilang kaibigang laging tapat at totoo.
~Professora Akira~
Last edited: