What's new

Closed Sleep Paralysis

Status
Not open for further replies.

rianji

Honorary Poster
Established
Joined
Jan 3, 2018
Posts
281
Solutions
1
Reaction
66
Points
164
Age
28
Share ko lang po yung sleep paralysis that happened last month. So far eto yung pina creepy na sleep paralysis ko

Sleep paralysis july 14, 2019 2:30am

Im in a room. Not completely dark pero super konti lang ng makikita mo almost impossible to recognize things. I cannot move my body and im just staring in one place (nakatingin ako sa bintana, feeling kidnapped cause i cant move ). Then i heard a laugh, a mocking evil laugh (like a demon, i panicked here) Alam mo yung feeling na a devil laughing at you? Thats the feeling. Sobrang kinilabutan talaga ako, i want to run pero di ko parin magalaw yung katawan ko. After that super sumakit yung mind ko, unexplainable. Somewhere near na yung mind, body at spirit ko is reaping apart. As in Super sakit talaga, i thought im going to die that day.

So whoever knows the meaning of these i hope u give your honest opinion. Im a christian, i pray, i believe in God. I always experience sleep paralysis simula pagkabata till today. But honestly this one yung nakakatakot.
Respect post. Thank you
 
Bago matulog , humilig ka, na ingatan ka Niya habang ikaw ay tulog
Tas yong position mo sa paghiga, try mo nakatagilid lang huwag ka titihaya
Ey, usully patagilid talaga ko matulog and I read na usually nga yung mga nakatihaya ang cause ng sleep parlysis. I just dont know, it really happens
 
Pag ganyan try to relax basta irelax mo sarili kahit may nakakatakot relax lang, isipin mo itaga mo sa isip mo na hindi totoo yun, niloloko ka lang ng brain mo. Then pinilitin mo galawin yung mga daliri mo paa at kamay. subok ko na yan minsan pa nga nakokontrol ko sleep paralysis to lucid dream hahaha mahalaga dyan malakas ang control mo sa sarili at yung panic mo.
 
I always experience sleep paralysis pero di ako nagkakaroon ng auditory or visual hallucination, kalma lang kase ako pag nagkakaroon ako ng sleep paralysis and I always think about nothing except God. And after ng ilang minuto nakakagalaw na ulit ako. Just pray before going to bed, pray ka kay God na sana bantayan ka pag tulog
 
Sleep paralysis is not uncommon and has nothing supernatural... it happens usually when you fall asleep or start waking up, during a sleep cycle when you muscles are relaxed... some people like you (and me) experience hallucinations, others just physical sensations. The causes are not known but it seems that a recurrent lack of sleep is part of the problem... also, stress and even genetic!
 
I do that too, nag try ako na i-control sya. Im sharing my experiece because that day, di normal yung sleep paralysis ko.
 
I always experience sleep paralysis pero di ako nagkakaroon ng auditory or visual hallucination, kalma lang kase ako pag nagkakaroon ako ng sleep paralysis and I always think about nothing except God. And after ng ilang minuto nakakagalaw na ulit ako. Just pray before going to bed, pray ka kay God na sana bantayan ka pag tulog
Siguro i not that strong to not be in panic but believe me . The always it happens, i kept on saying JESUS JESUS EVERYTIME just to release me on that chain
 
Sleep paralysis is not uncommon and has nothing supernatural... it happens usually when you fall asleep or start waking up, during a sleep cycle when you muscles are relaxed... some people like you (and me) experience hallucinations, others just physical sensations. The causes are not known but it seems that a recurrent lack of sleep is part of the problem... also, stress and even genetic!
Make sense. But in our family ako lang yung nakakaranas. Is this a gift or what??
 
Make sense. But in our family ako lang yung nakakaranas. Is this a gift or what??
It's a medical condition... It can be genetic but not always! Actually very little is known about this "disorder". It seems also to have some psychological roots.
It's up to you to take it as a gift or whatever you want... There is no "cure", you need to try to get more sleep... some anti-anxiety tabs can help (I'm not personally very found of these kind of drugs).
 
Last edited:
stress madaming iniisip..
kapag ganyan sitwasyon dapat kalmado ka lang wag kang kakabahan
hindi ka makaka galaw pero malinaw ang isip at mga mata mo..
nangyare na din saken yan ilang beses na din..
kapag nangayre yan para di ka matakot pumikit ka at magdasal..
tuwing mauulit sken yan alam ko na agad gagawin ko
*kumalma wag mag panic
*pumikit at mag dasal

note: hindi ako pala simba pero naniniwla ako sa diyos..
 
May share din ako. Nangyari after ko makakilala kau Christ.

So eto nga, background muna. Laki ako sa isang sekta na di kinikilala si Christ as God. Then nung mga 18 na ata ako nung naging Christian.

Then one night I had this bad dream. So nagising ako, bumaba ako sa sala kung saan sinalubong ako ng family ko. I told them na I had a nightmare. They said, "Kame din." Something flickered inside me. Then narealized ko that I am still dreaming. Yes, dream within a dream. So lumabas ako ng bahay para magpray. As in, ung may desperasyon na. Nagsasalita nako sa dream ko nang "You're still dreaming. Wake up!" Then naalala ko ung sinabi na "There is a power in the name of Jesus Christ". So sabi ko "IN JESUS NAME MAGIGISING AKO!"

And I did.

Pero...

Pagmulat ko ng mata, I can see na gising ako.............pero sa isip lang. Ung body ko tulog pa. Sa Science, sleep paralysis tawag dun. Then, muli nagsasabi ako ng "In Jesus name, makakagalaw ako." Then, I heard this voice. Ginagaya nya ko. Tapos may tawa. Alam mo ung nang-aasar? Ganon. Ilang ulit. Hindi ko sya makita pero alam kong nasa uluhan ko sya. Tapos nung naalala kong Igalaw ang smallest finger sa paa then unti-unti nakagalaw ako.. habang ginagawa ko un nagpray ako. Tapos ayun nakagalaw ako na hingal.

After nun di nako natulog sa part nayun ng bahay namin.

P.S. ung part na un medyo madaming nangyayaring weird. Madalas bangungutin ung mga natutulog dun. Ung mga bahay dito sa compound namin pare2ho ng itsura, so ung isang friend ng kapitbahay namin natulog sa "part" nung bahay ng kapitbahay namin na kaparallel nung "part" samin na madalas magkanightmare. Pati ung friend binangungot... Not just once. Ung unang nakita nya Bata ung katawan tapos matanda ung mukha. Ung next day, binangungot ulit sya. Andun nnmn ung "Bata na matanda" at nagmasama ng ibang "nakablack" na nakapalibot sa kanya. Ung isa walang ulo. Eto pa. Ung friend ko pinatulog ko sa bahay, pipikit palang sya, binangungot agad sya. Tapos ung isang kapitbahay namin nag-aastral projection. Nakikita nya ung katawan nya habang tulog.

Medyo may something kasi talaga sa compound namin.

Buti nalang may Diyos ako. 😀
 
Share ko lang po yung sleep paralysis that happened last month. So far eto yung pina creepy na sleep paralysis ko

Sleep paralysis july 14, 2019 2:30am

Im in a room. Not completely dark pero super konti lang ng makikita mo almost impossible to recognize things. I cannot move my body and im just staring in one place (nakatingin ako sa bintana, feeling kidnapped cause i cant move ). Then i heard a laugh, a mocking evil laugh (like a demon, i panicked here) Alam mo yung feeling na a devil laughing at you? Thats the feeling. Sobrang kinilabutan talaga ako, i want to run pero di ko parin magalaw yung katawan ko. After that super sumakit yung mind ko, unexplainable. Somewhere near na yung mind, body at spirit ko is reaping apart. As in Super sakit talaga, i thought im going to die that day.

So whoever knows the meaning of these i hope u give your honest opinion. Im a christian, i pray, i believe in God. I always experience sleep paralysis simula pagkabata till today. But honestly this one yung nakakatakot.
Respect post. Thank you
simula pagka bata till 2017-2018 everything stopped

pag may panaginip akong ganyan sometimes i would say in my mind p*c** huwag ka istorbo natutulog ako sasabihin ko rin yun sa words kasi naman natutulog nga naman ako istorbo ang walang hiyang manloloko

ewan ko kung ano yung talagang dahilan kung bakit tumigil lahat ng ito pero nag start ako nag basa ng bible sinimulan ko sa genesis pero mukhang child stories so nag start ako sa revelation lol dun ako hindi makatulog ng maayos for 1 and half week so for sure hindi ito yung dahilan kaya tumigil

siguro dahil sa na mulat ako sa katotohanan finally free from lies but not totally alam ko ng pag namatay yung tao 101% RIP wala na siyang alam

o dahil sa sinabi ko ito 2x sa born again kong relative siguro pinag dasal ako kaya tumigil na

prayer coming from a righteous are powerful
 
and na rinig ko rin habang gising yung scary laugh at first it was funny laugh turns scary at marami mixture of female and male voice saying hindi na ako makakawala o makakatas yun ang sabe tapos yun makalipas ilang weeks nag sumbong ako sa born again relative
 
ilang besses na din ako na sleep paralysis ayaw kong maniwala na kagagawan yun ng demonyo ang importante nag dadasal ako tuwing dumadalaw yan hehehe
 
Nung unang nanyare sakin yan. Napamura nlng ako(di kasi ako pala dasal). And creepy pag first time, ung nasa loob ako ng kwarto ko tapos my muka na sobrang puti sa harap ko na prang hinihigop ako. Then tinatry kong gumalaw at sumigaw, pero ang hina ng boses ko. haha. Tapos nun sobrang dalas na mangyare, hanggang sa nakasanayan ko na. Stress lng cguro ako noon, pero ngayon di na nangyayare. :)
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top