What's new

Poll Sleep paralysis

Post ko ba yung nabasa kong nakaexperience ng sleep paralysis?


  • Total voters
    22
Hahahah minura ko muna tapos nung akmang sasapakin kona nagising ako bigla tapos tinanong ako ni mama bat daw ako nag mumura kinuwento ko yung nangyari tapos sabi saken "kaka cellphone moyan"😂
 
out of topic po, baka meron ditong naka experience ng biglang nagising sa panaginip tas kadiliman lahat nakikita mo, pagkatapos may nag salita sayo? yung saken kase remember ko masyado, nag tanong ako anyone here? tas may narinig ako nag salita ng "Im here", lalaki ang boses,
 
[XX='Meowsz, c: 925208, m: 1782860'][/XX] [XX='Meowsz, c: 925208, m: 1782860'][/XX]Ganyan din yung isip ko dati bago ko maranasanan pero di mo totally ma co-control yun kung di mo naman sadya yung pagka lucid dream mo. Parang bangungot yung sakin kasi kala ko kung nasaan na ko bat ganto panagnipip ko kala ko patay na ko kaya di ko na enjoy. Tapos pinilit ko gumising ayun napunta sa sleep paralysis feeling ko may nakadagan sakin na mabigat feeling ko na stroke ako di ko magalaw katawan ko tapos sobrang ingay ng paligid parang may nag sisigawan na mga lasing may nakikita ako sa gilid ng mata ko na prang may taong nakatayo. Kahit di ako masyadong maka dyos napadasal talaga ako ng ama namin kalahati palang ng dasal nagising na ako.
 
Meron naman sa pinsan ko. Hating Gabi kaka uwi lang galing work. pagod na pagod daw sya at hinde na nya naisipan mag bihis kaya dumiretso na sya sa pag tulog. habang natutulog daw siya may narinig daw sya na kaluskos at gusto nya sana tignan to pero sa pag dilat ng mga mata nya bumulaga agad ang isang mukha ng matandang lalake na nakatitig sa kanya habang naka ngiti, pilit nya sumigaw pero hinde nya magawa hanggang nagising nalang ito sa alarm nya
 
Hallucination nya lang yan papi dahil sa sobrang pagod. Nag o-occur talaga ang sleep paralysis pag pagod ka or iniba ang oras ng pagtulog mo
 
[XX='Whazabi, c: 925343, m: 926963'][/XX] grabe katakot. kaya ayaw ko mapagod. yan agad na aalala ko dahil sa pinsan ko
 
dati madalas ako makaexperience nyan na sa dami ng experience ko nalaman ko kung kelan sya magttrigger (during panaginip). Kpag namula lahat ng environment ko sa panaginip tyak may matttrigger na sleep paralysis. Ewa ko kung saakin lang pero proven and tested ko na yan. Kaya kapag sa panaginip ko mamula lahat (as in kulay ng bagay bagay ay pula na animo ay nasa red room ka) tyak magkakaroon ng ako ng sleep paralysis. Mamumulat ko mata ko lahat lahat ngunit mahirap makakilos. Hanggang dumating yung time na makikilos mo mga daliri mo sa paa. Kung hindi ako magkakaroon ng conciousness (at mananatili sa panaginip, akoý makakaencounter ng kakaibang nilalang either kapre, white lady , dwende atbp)
 
About panaginip ko naman dati, naglalakbay ako sa iba ibang lugar. Ang last na naalala kong lugar is parang isang luxury place na karamihan kulay puti yung pintura, meron din na gabi tapos parang nasa village ako sa gubat🤣 gusto ko ulit mapanaginipan yun
 
yung sakin first at huli ko is yung white lady. hanggang ngayon naalala ko parin yun scenario na nangyari sakin
 
[XX='Whazabi, c: 925383, m: 926963'][/XX] siguro pag naransan ko ulit magagawa ko na ma control, di kasi ako aware na lucid dreaming yun. Kala ko nasa heaven na ko kasi kung ano gusto kong gawin ay naangyayare. Yung sakin nun takbo lang ako ng takbo kasi ayun yung gusto ko mangyare siguro nga kasi takot ako. Sayang yung chance😂
 
out of topic.

idk if naranasan nyo na to or narinig nyo na sa iba.

hinde ko alam anong tawag dito kasi nung bata ako tuwing gabi magigising ako na parang high ako tapos umiikot paningin ko tapos parang ang bigat ko sumuntok tapos gusto ko manaket na ewan.

may alam ba kayong ganyan.
edited: hinde lang pala isang beses naka ilan din ako pero hinde lagpas sa isang kamay
 

Similar threads

Back
Top