What's new

Sino nga ba ang nakakakilala sa Diyos Ama?(Para sa mga Kristiyano)

Status
Not open for further replies.

marcoramiro01

Honorary Poster
Joined
Aug 27, 2017
Posts
610
Reaction
167
Points
191
Minsan naitanong nyo na ba sa inyong sarili kung lubos ba na kilala ng mga propeta sa Lumang Tipan ang Ama? Kung itanong man ito ng isang tao sa inyo marahil ang sagot ninyo ay oo dahil sila ay mga sugo ng Diyos.
Ngunit sinabi ni Cristo:
Mateo 11:27 "Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at walang nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak."
Juan 14:7 "Kung ako'y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyo nang nakita."

Si Cristo na ang nagsabi na walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at sinumang ibiging pagpahayagan ng Anak. Bagamat ang mga propeta ay mga sugo ng Diyos ngunit hindi pa nila lubos na kilala ang tunay na katangian ng Ama. Bakit ko nasabi? Dahil naihayag sa ating lahat ang tunay na katangian ng Ama sa pamamagitan ni Cristo. Kaya sabi ni Cristo kung nakikilala natin Siya ay kilala na rin natin ang Ama dahil ang Kanyang mga salita at gawa ang matibay na katibayan na Siya ay nasa Ama at ang Ama ay nasa Kanya (Juan 14:11).

Sinabi daw ng Diyos sa Lumang Tipan na Siya ay pumapatay(Deuteronomio 32:39) at nagpaparusa.(Levitico 26:18).
Ngunit sinabi ni Cristo:
Mateo 5:44-45 "44Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig; 45Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap."
Juan 10:37-38 "37Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama, ay huwag ninyo akong sampalatayanan.
38Datapuwa't kung ginagawa ko, ang mga yaon kahit hindi kayo magsisampalataya sa akin, ay magsisampalataya kayo sa mga gawa; upang maalaman ninyo at mapagunawa na ang Ama ay nasa akin, at ako'y nasa Ama."

Kung hindi dumating si Cristo sa sanlibutan, hindi natin malalaman na wala pa lang kaaway ang Diyos. Kung iniibig ng Ama ang Kanyang mga kaaway masasabi pa rin ba nating Siya ay pumapatay at nagpaparusa? Sabi ni Cristo upang tayo'y maging mga anak ng Ama na nasa langit, ibigin natin ang ating mga kaaway dahil ganoon din ang Ama. Paano iniibig ng Ama ang Kanyang mga kaaway? Sa mga mabubuti lang ba pinasisikat ng Ama ang Kanyang araw at sa mga ganap lang nagpapaulan? Sa mga masasama at di ganap din gaya ng sabi ni Cristo. Sinabi rin ni Cristo na kahit hindi tayo maniwala sa mga sinasabi Niya ay maniwala tayo sa mga gawa Niya. Dahil ang mga gawa Niya ay isang matibay na patotoo na Siya ay nasa Ama at ang Ama ay nasa Kanya.

Sasabihin ninyo sa akin na parang winawalang-halaga ko ang mga salita ng mga propeta. Hindi ko sinasabing lahat kundi yun lamang mga salitang nagpapasama sa katangian at pangalan ng Ama. Gusto ko lamang ipaliwanag sa lahat na hindi lubos na kilala ng mga propeta ang Ama. Alam nating maraming mababasa sa Biblia na ang Diyos daw ay napopoot, sumusumpa, mapanibughuin, pumapatay, gumagawa ng kasamaan, nagpaparusa at marami pang iba na talagang nagpapasama sa katangian at pangalan ng Ama. Ngunit matibay ang paniniwala ko na sa mga propeta lang nanggaling ang mga ito at hindi talaga sinabi ng Diyos. Bakit? Dahil si Cristo na ang nagsabi na walang kaaway ang Ama, na iniibig din Niya ang Kanyang mga kaaway gaya ng pag-ibig Niya sa mga mabubuti at ganap. Mapapatunayan rin natin ito sa Kanyang mga salita at gawa na Siya niyang narinig at nakita sa Ama.

Marahil itatanong ninyo sa akin bakit kumukuha rin si Cristo ng mga salita mula sa lumang tipan kung ganun? Sinabi nga ni Cristo na ang isang alagad ng Diyos ay tulad ng puno ng sambahayan na naglalabas ng kanyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma (Mateo 13:52). Dito sinasabi Niya na pwede tayong kumuha ng mga aral at salita sa bagong tipan gayundin sa lumang tipan. Kaya may mga aral at salita rin Siyang kinuha sa lumang tipan. Ngunit sinabi sa bagong tipan, suriin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ang mabuti at layuan ang bawat anyo ng masama (1 Tesalonica 5:21-22). Kaya nga dapat ninyong suriin, "Sabi sa lumang tipan pumapatay ang Diyos ngunit sa bagong tipan sabi ni Cristo iniibig ng Ama ang Kanyang mga kaaway. Hindi naman papatay ang Ama kung iniibig pala Niya ang Kanyang mga kaaway. Katangian ba ito ng isang mabuti, mahabagin at mapagmahal na Diyos gaya ng pagpapakilala ni Cristo sa Ama?" Suriin ninyong mabuti. Kaya may mga aral at salita sa bago at lumang tipan na dapat nating ingatan ngunit may mga aral at salita rin naman na dapat nating layuan o hindi dapat paniwalaan.

At sa huli, kay Cristo lamang natin nalaman na Ama pala natin ang Panginoong Diyos o si Yahweh. Na may Ama pala tayong lahat. Na pwede pala natin Siyang tawaging Ama. Kaya nga tawag ni Cristo sa Diyos ay Ama. Sa lumang tipan lagi lamang nating mababasa ang mga salitang Diyos, Panginoon, o Yahweh ngunit walang Ama. Kaya sino ang nagpakilala sa Diyos na pwede pala nating tawaging Ama?
Juan 1:18 "Walang taong nakakita kailan man sa Diyos; ang bugtong na Anak, na lubos na minamahal ng Ama, Siya ang nagpakilala sa Kanya."
Kaya si Cristo ang nagpakilala sa Diyos Ama. Siya ang nakakakilala sa Ama at ang mga taong inibig Niyang pagpahayagan. Sana makatulong ito sa inyong pagsusuri sa Biblia. Salamat sa inyong pakikinig.
 
Last edited:
kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak."

Nakilala din nila ang Dios basahin mo yan nasa taas, pinagpahayagan yan sila kaya nga sila naging sugo eh ( mga propeta )

Hindi ka pa nakakaunawa ng lubos ts, kaya huwag ka kagad mag turo ng mga ganitong pagliligaw
 
Mas maganda siguro basahin, unawain at isa puso muna ang pag babasa ng Bible mula umpisa hanggang wakas, Mahirap kasi unawain ang Bible kung isang Talata lang ang pag babasehan at pipilitin mong unawain dahil may mga utos at aral dun na para lang sa isang lahi sa isang tao sa isang lugar sa mga hayop sa mga bagay sa isang panahon etc.. Diyos mismo ang gumawa at lumikha ng utos ,aral at batas na nakasaad sa Bible kaya di agad ito mauunawaan ng tao dahil di pa nagagawa ang sanlibutan ay umiiral na ang Diyos Ama at Diyos Anak..
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top