Nacurious tuloy ako kung lalaki o babae daw ba yung serpentine... And grabe ang dami kong tawa sa last two paragraphs hahahahahahahaI don't know maybe some people may just want to discredit the mall or pwede rin naman may nakaalitan yun may ari ng mall na gusto sila siraan sa paningin ng ibang tao lam mo na pagdating sa mga negotiation walang nagpapalamang kailangan may kakumpitensiya.. kaya siguro gawa na din ng ayun na nga sino ba yan tsismoso kapitbahay na yan? kaya ayan hanggang sa kumalat na yun balita... pero yes, may point ka naman jan! mahirap din kasi paniwalaan yun sabi sabi e.. pero may iilan ako nababsa sa fb sa mga comment kagaya lang nito "ang natatandaan ko naman ung kwento nya sa tv, habang kinukwento nya un, umiiyak sya at parang takot na takot. Nasa ground floor daw sya nun tapos nag fifit daw sya ng damit ng biglang bumukas ung sahig. Nahulog daw sya pero nakakapit sya. Dun daw nya nakita sa underground ung malaking ahas. Kalahating tao, kalahating ahas. Nagustuhan daw sya. Pero mabuti na lang daw at nakakapit sya at nailigtas daw nya ang sarili nya. Nag mamartial arts kasi sya dati eh. Kaya naiangat nya ang sarili nya at naligtas. Tapos kumalat na ang issue. After that issue, nawala na lang sya bigla. Nag punta na ng ibang bansa at hanggang dun narin nakapag asawa. Lately lang sya dumating at nasa age 40+ na syang nakabalik sa showbiz ulit. Tapos iba na ang kwento. Kesyo hindi daw tutuo. Kya tingin sa knya, binayaran daw sya".
"Ang kwento! Yung Engineer daw ng mall nung ginagawa pa ito. May bahagi daw ng basement na hindi sila pwedeng pumunta.. Si Alice dixon na trap daw sa fitting room tapos may ahas daw na kalahating tao muntik na sya pudtripin pero lumabas daw sya pagkatapos hanapin ng mga kasama neto at nalamang sikat... nung iniinyerview sya sa tv LIVE at mag kkwento na sya biglang nag blank lahat, then nagbago testimony nya... then after nawala na sya ng matagal na panahon... Legend ng Pinas! "
Di mo din kasi masasabi kung totoo ba yan o gawa gawaan lang yan.. kasi bakit nga naman diba nagkwekwento ang isang tao kung wala naman siyang proof o basehan sa kanyang kwento? Iba iba talaga paniniwala natin katulad na lang kay Jesus or God diba madami naniniwala sa kanya pero meron naman ayaw sa kanya! sorry if I mentioned him here... pero meron din naman ginagawa biro..
"Kung kasya kay Cinderella ang sapatos niya , e bat nalaglag ? Isa lang talaga ibig sabihin neto . Malandi talaga siya ! Ilalaglag sapatos para hahabol habulin siya . May Little Mermaid pa na gusto magkalegs para makabukaka . Si Sleeping Beauty na patulog tulog para lang mahalikan . Si snow white na kunwari patay para lang gapangin . Nahalata niyo ba ? Puro kalandian ang tinuturo ng mga fairytales . Buti pa si Dora , Dala dala niya lagi bag niya akala mo talaga e papasok gagala lang din naman pala."
"Yong kasambahay ko takot na pumunta sa Robinson kc daw may ahas! Sabi ko naman: magaganda lng ang pinipili non mga kamukha ni Alice Dixon....bakit maganda ka ba kamukha mo ba siya? Hindi nga eh...ang sagot ng kasambahay ko...masaklap kamukha ko yong ahas hahahahaha..."
Pero dito talaga ko natawa e.. hahahaha! ayan.. sari sari na talaga mundo ngayon!
Last edited by a moderator: