What's new

Closed Should christian eat pork?

Status
Not open for further replies.
wala ba talagang mababasa sa bagong tipan na ang baboy ay nilinis na ??


BASA ...

Marcos 7: 19. Sapagka't hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y nililinis niya ang LAHAT NG PAGKAIN.

Kung titingnan ang mga naunang salin ng Biblia tulad ng King James Version ay wala dito ang mga katagang “dahil dito ay nililinis na ni Jesus ang lahat ng pagkain”. Ito ay idinagdag na lamang ng mga tagapagsalin.

“Because it entereth not into his heart, but into the belly, and goeth out into the draught, purging all meats?” KJV
 
All I can say is, don't force anyone to believe. Just share the info & let them say their opinion. no need to respond if it isn't a question.
 
sa panahong kristyano po hindi na po bawal kainin ang baboy .

Marcos 7: 18. At sinabi niya sa kanila, Kayo baga naman ay wala ring pagiisip? Hindi pa baga ninyo nalalaman, na anomang nasa labas na pumapasok sa tao, ay hindi nakakahawa sa kaniya; 19. Sapagka't hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y nililinis niya ang lahat ng pagkain.


utos po sa panahon ng israelita ang bawal kainin ang baboy.


ang bawal po kainin ng mga krisyano ..

Mga Gawa 15: 29. Na kayo'y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo'y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.

take note ang BABOY AT IBANG KARUMALDUMAL ay hindi itinuturing na pagkain sa bibliya,
 
Kung ano man gusto nyo kaenin. Kaenin nyo. Bilang tao karapatan nyong pag desisyunan kung ano gusto nyo gawin. Madami na kayong nagawang mali hindi lang pagkaen ng bawal. Masyado kayo nag mamalinis ng kung ano. Pareparehas lang tayo ng tae bandang huli.
 
Kanya kanyang paniniwala
Ung Iglesia ni cristo- sila lang maliligtas may space ship
Etc.
Tapos kayo naman . dahil sa baboy lang
(For your info 10 out of 4 eh kumakain ng baboy sa mga muslim.) At totoo may mga tropa ako muslim noong highschool sarap eka dugo pa.
Anways Baka nga mas mapunta pa sa langit ung mga taong di nag sisimba kesa sa inyo. Kasi di tulad ninyo di namin ginagamit ang salita ng diyos/propeta
 
take note ang BABOY AT IBANG KARUMALDUMAL ay hindi itinuturing na pagkain sa bibliya,

Ok sige. Hindi itinuturing na pagkain ang BABOY AT IBANG KARUMALDUMAL sa bibliya gaya ng sabi mo.

Pero ito basahin mo.
Mateo 15:18 "Ngunit ang lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso. Iyan ang nagpaparumi sa tao."

Diyos na ang nagsabi na yun lang mga nanggagaling sa puso gaya ng masasamang isipan at gawain ang nagpaparumi sa tao sa mata ng Diyos hindi ka pa rin maniniwala? May idinagdag pa ba siyang iba? Sige ganito ha pag may lumabas na baboy sa puso ko kasi sabi ng Diyos basta nanggagaling sa puso ok talagang papayag na akong nagpaparumi sa tao yan sa mata ng Diyos. Pero kasi ang baboy ay isang hayop at hindi naman masamang isipan at gawain kaya pano yan manggagaling sa puso ko? Gets my point? Siyempre naman ikaw pa. Sana maliwanagan ka na.
 
Hindi ka po Israelita para sundin mo ang utos na inilaan para sa mga Israelita. Sabi mo nga, "Kristiyano" Iba ang iniutos sa mga Kristiyano ukol sa pagkain nung panahon nila.
 
May communication nga
Kya nga may lumang tipan tapos may bagong tipan so meaning nag update
kong nagbabago bago ang bibliya it means fake ito??? kase kong sinulat tlaga yan noong panahon ni kristo hindi na yan babagohin pa.. parang hindi na rin aKo naniniwala sa bibliya e kasi gawa lang ng tao.. kong gawa yan ng dyos asan ang proweba?
 
Saludo ako sayo WymZskrr... Dapat ganyan lahat nang tao. Respeto sa kanya-kanyang relihiyon...
ang mundo ~ di umiikot sa paraang gusto natin. kaya ang dabest gawin ay pag pasesnyahan nalang ang paguugali nila & hilingin na mapatawad sila.


kasi, kahit ano paliwanag natin, pag sarado na yung isipan nila di parin nila ito magegets ~ baka mapunta pa sa away.
 
kong nagbabago bago ang bibliya it means fake ito??? kase kong sinulat tlaga yan noong panahon ni kristo hindi na yan babagohin pa.. parang hindi na rin aKo naniniwala sa bibliya e kasi gawa lang ng tao.. kong gawa yan ng dyos asan ang proweba?

Yes tama ka gawa at sulat lang ng tao ang Bibliya pero may mga salita rin dito na galing sa Diyos. Gaya ng mga salita ng Panginoong Jesus. Sa Juan 8:40 "Subalit ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, isang taong nagsasabi sa inyo ng katotohanan na aking narinig sa Diyos. Ito'y hindi ginawa ni Abraham." Ibig sabihin lahat ng mga sinasabi ng Panginoong Jesus ay katotohanang narinig niya mula sa Diyos.

Kaya maraming nagpapayo na pag magbabasa ka ng Bibliya unahin mo muna ang sulat ni Juan sa Bagong Tipan dahil dito ipinapakilala ang tunay na katangian ng Diyos Ama. Isang mahabagin at mapagmahal na Diyos ang pakilala ng Panginoong Jesus sa Ama. Sunod kina Marcos, Mateo at Lucas. Dahil sa apat na sulat na ito mababasa mo ang buhay ng Panginoong Jesus at tunay na katangian ng Diyos Ama. Pag inuna mo namang basahin ang Lumang Tipan, ang mga mababasa mo doon ang Diyos Ama ay nasusuklam, napopoot, sumusumpa, pumapatay taliwas sa sinasabi ng Panginoong Jesus na Isang mahabagin at mapagmahal na Ama ang pakilala Niya.

Kaya kung ako sa'yo unahin mo munang paniwalaan ang mga sinasabi ng Panginoong Jesus bago ang sinasabi ng mga propeta o apostol tungkol sa Diyos Ama para hindi ka maligaw. Hindi ko sinasabing wag mong paniwalaan ang mga propeta o apostol, pero mas unahin mo munang paniwalaan ang sinasabi ng Panginoong Jesus dahil Siya lamang ang lubos na nakakakilala sa Ama at nakasama Niya ng matagal na panahon bago pa likhain ang tao at lahat ng bagay. Sana'y naunawaan mo.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 561
    Replies
  • 17K
    Views
  • 196
    Participants
Last reply from:
Ang Lupit

Online statistics

Members online
933
Guests online
4,181
Total visitors
5,114
Back
Top