- Joined
- Jul 13, 2021
- Posts
- 18,701
- Solutions
- 499
- Reaction
- 22,249
- Points
- 8,264
TV Host na si Willie Revillame inanunsyo na handa na umano siyang tumakbo bilang senador sa bansa sa darating na halalan sa taong 2025. Naganap ang anunsyo sa isang protest rally sa Davao City ngayong gabi.
2 years ago diumano ay kinausap siya ng dating pangulo ng maimbitahan ito sa Malakanyang para tumakbo bilang senador. Ngunit panahon umano ito na may kontrata pa siya sa GMA Network. Pribilehiyo umano ang pagtulong sa bayan.
Ngunit kanina sa pagdalo ng tv host na si Willie Revillame ay ganito na ang kanyang statement.
"Mahal na Pangulo, ipinagdasal ko po itong mabuti. Sinabi ko ito sa aking sarili na hindi pulitiko dapat ang tawag sa nagsisilbi sa bayan. Dapat ang tawag sa kanya ay Publiko Serbisyo, public servant. Dahil pag nahahaluan ng pulitiko nandyan ang away, nandyan ang ego, di niyo ba napapansin ang sarap sa isang bansa na walang nag aaway, walang kulay na pinipili, nagkakaisa, nagmamahalan, ipinagdasal ko itong mabuti kung ano po magiging desisyon niyo yun ang susundin ko. Palagay ko HANDA NA KO." Handa ho akong gumawa ng kabutihan, handa ako magsilbi, hindi lang sa bayan, handa ako magsilbi sa ating kababayan na nangangailangan ng tulong. Again, mahal na pangulo, maraming salamat sa tiwala kung ano iutos niyo sa akin magmula sa puso ko susundin ko po. Maraming maraming salamat po. Basta ako wala ni katiting na mag iisip ako ng masama sa aking mga kababayan, puro kabutihan ang gagawin ko. Hindi pa din ako marunong mag ingles, hindi pa rin ako magaling sa batas pero ang puso ko marunong magmahal, marunong makinig at marunong tumulong sa mga Pilipino."
Naganap ang anunsyo na ito during protest rally sa Davao City kung saan dumalo ang dating Pangulo Duterte, Sen. Bong Go, at aktor na si Philip Salvador.
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.