renegade24winzam
Eternal Poster
- Joined
- Mar 14, 2013
- Posts
- 940
- Reaction
- 367
- Points
- 317
Salamat
Ama’y lumisan upang makipagsapalaran
Sa dayuhang bayang hatid ay kasaganaan
Ang kanyang pamilya’y iniwan
Musmos nyang anak ang nahihirapan
Kanilang Ina’y nagsumikap
Upang maiahon sila sa hirap
Sipag at tyaga ang kanilang taglay
Dugo’t pawis nila ang inalay
Kahirapan ay kanilang tiniis
Lungkot sa kawalan sila’y tumatangis
Pighati sakanyang mahal isinantabi
Hinagpis nya’y pilit ikinukubli
Sa paglipas ng panahon
Anak nila’y malaki na ngayon
Labis ang tuwa nila’t pananabik
Muling nakapiling ang amang nagbalik
Salamat sa inyo Ama’t Ina
Dahil samabuti nyong pagkalinga
Inyong mga pangaral ay aming baon
Aming dadalhin saan man kami naroon
Originally Created by: Chad a.k.a Renegade24winzam 09-05-17 1:40 am
Ama’y lumisan upang makipagsapalaran
Sa dayuhang bayang hatid ay kasaganaan
Ang kanyang pamilya’y iniwan
Musmos nyang anak ang nahihirapan
Kanilang Ina’y nagsumikap
Upang maiahon sila sa hirap
Sipag at tyaga ang kanilang taglay
Dugo’t pawis nila ang inalay
Kahirapan ay kanilang tiniis
Lungkot sa kawalan sila’y tumatangis
Pighati sakanyang mahal isinantabi
Hinagpis nya’y pilit ikinukubli
Sa paglipas ng panahon
Anak nila’y malaki na ngayon
Labis ang tuwa nila’t pananabik
Muling nakapiling ang amang nagbalik
Salamat sa inyo Ama’t Ina
Dahil samabuti nyong pagkalinga
Inyong mga pangaral ay aming baon
Aming dadalhin saan man kami naroon
Originally Created by: Chad a.k.a Renegade24winzam 09-05-17 1:40 am
Spoiler contents are visible only to Established Members.