What's new

Closed Sako

Status
Not open for further replies.

thatsjustkib

Honorary Poster
Joined
Oct 10, 2017
Posts
255
Reaction
62
Points
162
Kahit kelan ang cute nya talaga, di ko maiwasang mapangiti sa hatid nyang kaunting saya. Hindi man pansin ng karamihan ay natatakpan lamang ang kanyang kagandahan ng kanyang mga buhok na ngayo'y parang kaliligo lamang at matagal kong pinag-mamasdan.


---
Palagi ko syang nakikitang naglalakad sa harapan ng bahay na tila ba nag-uudyok sakin para lapitan sya ngunit minsan ay parang may bumabagabag sa aking kalooban para hindi ituloy ang planadong paglapit. Hindi ko naman sya masisisi kung ayaw nyang sakin ay tumingin, ngunit palagi nalang matatamis na ngiti ang kanyang unang pagbati kapag sya ay may nakakasalubong sa kalye o kahit saan man sa parke.

Nandoon nanaman sya sa lugar kung saan ko sya madalas makita at masilayan ang kanyang kagandahan na kahit anong suot nya'y talagang iyong makikita at masisilayan. Hindi ko nga lang sya magawang lapitan dahil baka kung anu pa an sabihin ng ibang makakita sakin at pagkatao ko'y kanilang husgahan na tila ba malaki ang kasalanan.

Marahil siguro'y sya ay masayahing tao at palakaibigan, ngunit pagwari ko ay para syang angel na di lang tinubuan ng pakpak sa may bandang likoran na sa kanyang paglalakad ay kanyang pinagmumukmok at inaasam.
____


Kahit kelan ang cute nya talaga, di ko maiwasang mapangiti sa hatid nyang konting saya. Hindi man pansin ng karamihan ay natatakpan lamang ang kagandahan ng kanyang mga buhok na ngayo'y parang kaliligo at matagal kong pinagmamasdan.


Pinagpatuloy ko na lamang ang pagpunas sa kanyang luha habang kinakain ang dala kong pampalipas gutom at kahit may tinapay pa sa kanyang bibig ay pilit nyang ipinagpapatuloy ang kanyang kwento.

Sa aking pakiramdam ay may awa akong nabatid at buhat ng ngiti ay may konting pait na nadama para sa babaeng mas malala pa sa bagyo ang sinapit.



"oh ayan malinis na ang iyong mukha, wag ka ng iiyak ha? May pagkain pa ako sa bulsa basta pangako mo na ngingiti ka palagi ha? Iwan na kita, pakabait ka."


Pagkatapos pakainin at punasan ang mukha ay agad ko ding Iniwan ang babaeng may dalang sako at laman ay lata. Sa wakas nakausap at natulungan ko na ang matagal ko ng gustong lapitan.

"balik ka uli papa ha."


-wakas
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 6
    Replies
  • 511
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
thatsjustkib

Online statistics

Members online
567
Guests online
6,067
Total visitors
6,634
Back
Top