What's new

Closed Sa pag-ibig mo diyos ama hatid ay pag-asa

Status
Not open for further replies.

renegade24winzam

Eternal Poster
Joined
Mar 14, 2013
Posts
940
Reaction
367
Points
317
Sa Pag-ibig mo Diyos Ama Hatid ay Pag-asa

Ama ang pag-ibig mong walang hanggan
Na nagbigay sa amin ng bagong kinabukasan
Nawa"y muli naming malasap at maramdaman
Dahil ito’y nawala sa aming kapabayaan

Ang pag-asa mong idinulot
Na ngayo’y nais na muling maabot
Dahil nawalan ng tiwala’t, dalangi’y nilimot
Sana kami’y mapatawad at di na muling matatakot

Kahit buhay mo’y iyong sinakripisyo
Upang mailigtas lamang itong aming mundo
At nais mo lamang na muli kaming magbago
Dahil kadakilaan mo’y kumalat nasa ibang dako

Sa pag-ibig mo Diyos Ama
Hatid mong pag-asa ay nadama
Salamat sa tiwala mo’t mga biyaya
Na iginawad mo sa amin dito sa lupa

Originally Created by: renegade24winzam 12-11-13

Yan guys basahin nyo ito yung pinaka unang likha ko noon medyo matagal na yan naitago kaya nilabas ko na para sa mga nais mabasa ito, i hope na magustuhan nyo po more poems to come just wait and see.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top