Hindi ko agad nakita kanina, may page two na pala.
Hindi, mga kaibigan. Sa katunayan, hindi ko masasabing alam ko ang puno't dulo ng paniniwala ng mga INC. Ang alam ko lamang sa kanila ay kung ano ang naririnig ko sa balita.
Hindi mo matututulan na "generally" mga atheist ang "karamihan", kung hindi man lahat, ng mga iyan.
Hindi nga matututulan na maraming siyentipiko ang ateista.
Subalit kung pinanood mo yung video na unang-una kong isinagot sa umpisa ng usapang ito, batíd mo ná sa ngayon na ang nagpalayaw at naglathala tungkol sa Big Bang ay isang paring Katoliko. (
You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.)
Muli, ang video:
kung ginagamit mo ang Biblia, bakit hindi mo alam na ang Dios ang gumawa ng cosmos?
Hindi maipagkakaila na sang-ayon sa Biblia, ang Diyos ang gumawa ng sansinukob.
Alam kong ito ang nakasulat sa Biblia, dahil nabasa ko at kita kong nakasulat, subalit mapagpakumbaba kong inaamin na hanggang doon lamang ang aking tiyak na alam, na nakasulat sa Bibliya na gawa ng Diyos ang sansinukob, o
cosmos, ´ika mo.
Maaaring ako´y maniwala dito, subalit hindi dahil sa ito´y aking pinaniniwalaan, masasabi kong ito ay tiyak kong nalalaman.
pinipili mo lang ba ang mga kasulatan na "swak" sa iyong pakinig?
May iba´t ibang bahagi ng Biblia na sisipiin ko sa sumusunod:
(Iminumungkahi kong basahin ang buong kapitulo para buô ang kwento. Nakikipag-usap ang Diyos noon sa tao gamit ang mga propeta na sinasaniban ng espiritung kanyang inuutusan. May hari na binabawalan ng Diyos na sumali sa isang digmaan dahil ito´y ikakatalo ng kanyang piniling bayan, pero ayaw maniwala nung hari. Kaya naiyamot na ang Diyos at hinayaan ang isa niyang espiritu na magsinungaling para sabihin ng mga propeta sa hari kung ano ang gusto nitong marinig. Subalit sa madalíng salitâ ay si Propeta Micaya ang bida at ito ang kanyang sinabi para ihantad kung ano ang nangyari sa langit. Pero tumuloy pa rin ang hari pagkatapos nito at namatay siya sa digmaan.)
1 Hari 22:19-23 MBB :
Ngunit nagpatuloy si Micaya, “Pakinggan ninyo si Yahweh: Nakita ko si Yahweh na nakaupo sa kanyang trono. Nasa kanyang harapan, sa kaliwa at sa kanan, ang buong hukbo ng langit. Nagtanong siya, ‘Sino ang hihikayat kay Ahab na salakayin ang Ramot-gilead?’ Kanya-kanyang sagot ang mga espiritu. Ngunit mayroong isang tumayo at nagsalita ng ganito: ‘Ako po ang hihikayat kay Ahab.’
“‘Sa paanong paraan?’ tanong ni Yahweh.
“‘Pupunta po ako roon at magiging espiritung sinungaling na magsasalita sa pamamagitan ng kanyang mga propeta,’ sagot ng espiritu.
“‘Ikaw ang humikayat sa kanya at magtatagumpay ka,’ sabi ni Yahweh.”
At patuloy ni Micaya, “Ngayon, nakikita mo kung paanong nagsalita ang espiritu ng kasinungalingan sa bibig ng iyong mga propeta. Ngunit si Yahweh ang nagtakda ng iyong kapahamakan.”
Tito 1:2 MBB
Bago pa likhain ang sanlibutan, ang buhay na ito'y ipinangako na ng Diyos na kailanma'y hindi nagsisinungaling.
Levitico 19:11 MBB
Huwag kayong magnanakaw, mandaraya, o magsisinungaling.
Ngayon, kung hindi naman ikasasama ng iyong loob, nais kong ikaw ay tanungin kaibigan:
Kailanman ba´y kinunsinti ng Diyos ang pagsisinungaling?
(Makapagbibigay pa ako ng iba pang mga halimbawa, na sa wari ay hindi magkakatugma ang nakasulat sa Banal na Aklat.)
1 Kay Timoteo 6:9 SND
Ngunit ang mga naghahangad na maging mayaman ay nahuhulog sa tukso at sa isang silo. Sila ay nahuhulog sa mga mangmang na hangarin na makakapinsala sa kanila, at nagtutulak sa mga tao na malunod sa pagkawasak at pagkapahamak.
Kung tapát nating tatanungin ang ating sarili, masasabi kaya natin na wala tayo ni katiting na hangad na maging mayaman?
Sabi mo nga sa iyong tanong, pinipili mo lang ba ang mga kasulatan na "swak" sa iyong pakinig?
Nakakalito nga siya kung ano ang nais nyang ipunto
Sa tingin ko ay ito talaga ang gusto kong sabihin sa simula pa lamang.
Ang alam natin ay kung ano lamang ang ating naranasan, o binasa, o natutunan. Wala ng iba.
Kaya kung aalamin lamang natin ang mga bagay na kaayon ng dati nang nalalaman, ikinikahahon natin ang ating sarili, at hindi namamalayang sarado pala ang ating isip. Dapat na maingat ding isaalang-alang ang pinanggagalingan ng mga taliwas ang alam sa sariling paniniwala, bago magpasya.
Aminin sa sarili kung alin talaga ang tunay na alam, at alin ang ipinapalagay lamang, at alin ang narinig kanino, at kung bakit ang pinaniniwalaan ang siyang pinaniniwalaan.
Ang mahirap, ang gawaing ito ay gumugugol ng panahon, kaya mahirap gawin, at napakaalwan na sumabay sa agos ng kung ano ang sinasabi ng nasa paligid, para mas madali ang buhay.
Madaling salita:
Suriin ang magkabilang panig ng nagtutunggaliang kaisipan.
Mateo 7:1,2 SND
Huwag kayong hahatol upang hindi kayo hatulan. Ito ay sapagkat sa hatol na inyong ihahatol ay hahatulan kayo. Sa sukat na inyong ipinanukat ay isusukat sa inyo.
Kawikaan 18:13 ADB1905
Ang sumasagot bago makinig, ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya.