- Joined
- Sep 19, 2016
- Posts
- 3,577
- Reaction
- 7,227
- Points
- 2,575
ANG propesor na si František Vyskočil ng Charles University sa Prague ay nakilala sa buong daigdig sa kaniyang pananaliksik sa pisyolohiya ng sistema ng nerbiyo. Dati siyang ateista, pero ngayon ay lubusang naniniwala sa Diyos. Sa isang interbyu ipinaliwanag ni Propesor Vyskočil kung bakit nagbago siya ng paniniwala.
Ano ang pangmalas mo sa relihiyon bago ka pumasok sa larangan ng siyensiya?
Pinalaki akong ateista, at madalas na ginagawang katatawanan ni Itay ang mga lider ng relihiyon. Nag-aral ako ng biology at chemistry at nagtapos noong 1963. Naniniwala ako noon na ebolusyon ang dahilan ng pagkakasari-sari ng buhay.
Ikuwento mo sa amin ang tungkol sa pag-aaral mo ng siyensiya.
Pagkatapos kong kumuha ng doctor’s degree, pinag-aralan ko ang kemikal at elektrikal na katangian ng mga nerve synapse. Pinag-aralan ko rin ang mga neuron, membrane pump, transplantation, at drug desensitization. Marami sa resulta nito ay nailathala, at ang ilan ay naging reperensiya. Nang maglaon, naging miyembro ako ng Learned Society of the Czech Republic, isang samahan ng mga piling siyentipiko. Pagkatapos ng “Velvet Revolution” noong Disyembre 1989, naging propesor ako sa Charles University. Pinahintulutan akong magbiyahe sa Kanluran para makipagkita sa mga kapuwa ko siyentipiko, na ang ilan ay tumanggap ng Nobel Prize.
Pumasok ba sa isip mo noon ang tungkol sa Diyos?
Masasabing oo. Kung minsan, nagtataka ako kung bakit marami sa mataas ang pinag-aralan, kabilang na ang ilan sa mga propesor ko, ang naniniwala sa Diyos—bagaman tahimik sila dahil sa rehimeng Komunista. Pero para sa akin, imbento lang ng tao ang Diyos. Galit din ako sa kasamaang ginagawa sa ngalan ng relihiyon.
Bakit nagbago ang pangmalas mo sa ebolusyon?
Nagsimula akong magduda sa ebolusyon noong pinag-aaralan ko ang mga synapse. Hanga ako sa pagiging masalimuot ng sinasabing simpleng koneksiyon ng mga nerve cell. Naitanong ko, ‘Paanong nagkataon lang ang paglitaw ng mga synapse at henetikong programa nito?’ Imposible iyon.
Pagkatapos, noong pasimula ng dekada ’70, umatend ako sa lektyur ng isang sikat na siyentipiko at propesor na Ruso. Sinabi niya na hindi puwedeng ang buháy na organismo ay resulta ng natural selection at ng mutasyon na nagkataon lang. Itinanong ng isang tagapakinig kung saan makukuha ang paliwanag. Kinuha ng propesor ang isang maliit na Bibliyang Ruso sa kaniyang jacket, itinaas iyon, at sinabi, “Basahin ninyo ang Bibliya—partikular na ang ulat ng Genesis tungkol sa paglalang.”
Pagkatapos ng lektyur, tinanong ko ang propesor kung seryoso siya sa sinabi niya. Ganito ang sinabi niya sa maikli: “Nahahati-hati ang isang simpleng baktirya halos kada 20 minuto at nagkakaroon ng daan-daang iba’t ibang protina, na ang bawat isa ay may 20 uri ng amino acid na nakaayos na parang kadena na maaaring daan-daan ang bilang. Para madebelop ang isang baktirya sa ibang anyo sa pamamagitan ng mutasyon, kulang ang tatlo o apat na bilyong taon, na ayon sa ilang siyentipiko ay ang haba ng panahon na umiiral na ang buhay.” Para sa kaniya, mas makatuwiran ang sinasabi ng aklat ng Bibliya na Genesis.
Ano ang epekto sa iyo ng sinabi ng propesor?
Dahil sa kaniyang mga obserbasyon at sa mga tanong na gumugulo sa isip ko, nakipag-usap ako sa mga katrabaho at kaibigan kong relihiyoso. Pero hindi nila ako nakumbinsi. Pagkatapos, nakipag-usap ako sa isang pharmacologist na Saksi ni Jehova. Sa loob ng tatlong taon, ipinaliwanag niya sa akin at sa asawa kong si Ema ang Bibliya. Nagulat kami sa dalawang bagay. Una, ang turo ng tipikal na “Kristiyanismo” ay malayo sa sinasabi ng Bibliya. Ikalawa, bagaman ang Bibliya ay hindi isang aklat tungkol sa siyensiya, ang sinasabi nito ay kaayon ng tunay na siyensiya.
Nahadlangan ba ng bago mong paniniwala ang pagsasaliksik mo sa siyensiya?
Hindi. Hangga’t maaari, dapat na bukas ang isip ng isang mahusay na siyentipiko anuman ang kaniyang paniniwala. Gayunman, malaki ang ipinagbago ko. Dati, sobra ang tiwala ko sa sarili, gustung-gusto kong umangat sa iba, at labis kong ipinagmamalaki ang pagiging siyentipiko. Pero ngayon, nagpapasalamat ako sa Diyos para sa anumang kakayahang mayroon ako. At sa halip na basta ituring na nagkataon lang ang paglitaw ng kahanga-hangang disenyo ng mga nilalang, ako at ang marami pang siyentipiko ay nagtatanong, ‘Paano kaya ito dinisenyo ng Diyos?’