What's new

"People like Nas Daily are the new wave of colonialism in todays world" Louise De Guzman Mabulo

kaya di na ko nanunood ng ganyan eh...... ginagamit lang naman mga banyagang yan ang Pilipinas para sa views..... pakitang tao... love daw nila Pilipinas....pero napaka-baba ng tingin nila satin..... wlang ibang magmamahal sa bansang to kundi tayong mga Pilipino...
 
Last edited:
Gatas, Daily. Pero real life, resulta din to sa mga gawa natin na kung talagang mahal na mahal natin ang ating Kultura, partikular ang ating bansa, nung una pa lang ay di na tayo nagpapagapi sa mga vloggers na pinupuri ang mga pinoy para sa views. Malalaman na nating agad-agad na di sincere ang kanilang gawain. Sa ating perspektibong Pinoy, ang nasa isip nating lahat na kapag banyaga, magaling, hinahangaan, at kailangangang alagaan, na siyang tinatangkilik natin sa tuwing may nakikita tayong ganito (partikukar na ang mga puti) na siyang naging repleksyon sa atin na ganito pala ang mga pinoy, "hospitable" madaling manipulahin. Di ko sinisisi na ganito tayo dahil nananatili pa din hanggnag ngayon ang ating kolonyal na mentalidad, na di na nating matatangal kailanman. Hanggang ngayon, sakoo pa din tayo mg ideolohiyang Amerikano na siyang kanilang goal simula pa lang na magpenetratebsa atin. Halimbawa? Ang mga Saligang batas at Konstitusyon natin na nakabase sa kanila, pati na ang form of government, ang pagtangkilik sa mga produkto nila na kesyo matibay pag gawang US o kalidad pag gaking US, na siyang naging sakit na natin. Mahahakintulad natin talaga ito sa sitwasyon nating mga pinoy, kahit na sa tingin nating madla na pilit nating tinatanggal ang mga naipasa ng ating mga mananakop, na tila ba ikinakahiya at itinatakwil natin sila, bumabalik din sa atin ito sa paraan ng pamumuhay natin. Oo, di na natin matatanggal ito, at ito ang naging resulta ng pagkawatak watak at pagkasira ng sarili natin. Bigyang halimbawa ang Japan, sa sobrang pagmamahal nila sa kanilang sariling pinagmulan, lumago sila ng lumago na siyang naging daan din ng Korea na makuha ang persepyong ito na mahalin ang kanila kaya ang dalawang magkapitbahay na bansang ito ay mabilis na umakyat. Sa ating sitwasyon, mahirap ito, lalo na't tayo ay isang arkipelago. Sa NCR, ang pag-eenglish ay isang big deal na siyang ikatataas mo kung magaling ka dito at ikauunlad mo, pero, ito din ang nagiging dahilan kung bakit onti-onting namamatay ang sariling wika. Ang mga salita na nabuo ng panahon ay onti-onti na di nagagamit dahil sa ideolohiyang ito. Ang cancer ay ang ating mga sarili, kaya di tayo umuunlad, kesyo sino pang nakaupo diyan sa pwesto, wala ding patutunguhan ang lahat kung ganito pa din ang pag-iisip natin. Kaya, MAHALIN ANG SARILING ATIN, IPAGLABAN ANG ATIN, TANGKILIKIN, HUWAG IKAHIYA. PINOY KA, PARTE KA NG MUNDO. Isa tayo sa 20 Million na may mahalagang papel sa lahat, kaya kung kaya nilang gumawa mula sa ating, kaya din nating maging atin ang lamang. SUPPORT LOCAL, NOT FOREIGN!!!
 
'Di ako makapaniwala na ganyan pala umasta si Nas Daily. Akala mo may malasakit sa mga poor Asian countries, yun pala ine-exploit nya lang for views, fame and money. Very wrong talaga. Ganda pa sana ng mga videos nya. Pero ngayong nalaman ko ang mga kuwento sa likod ng mga yun, nawalan na ako ng gana manood sa kanya.
 
Ano ba nangyari diyan di ko alam yan kakatamad kase magbasa e pakwento nga saken HAHAHAHHA 😆
 
Nothing new, karamihan ng mga foreigner ginagawa tayong stepping stone kasi kapag nakita na tungkol sa pinas click agad mga pinoy.

Karamihan ng influencer na hindi plastik ay yung nga nag sstay talaga sa bansang kinocontent nila.
 
ewan koba bakit madaming nauuto jan sa nasty baby nayan, basta may content na tungkol sa pilipinas ang dami kaagad manonood na mga tangang pinoy😂😂 haha basta foreigner at related sa pinas yong pinaguusapan ang daming pinoy na proud pa sa katngahan😂😂 ito lang napansin ko sa pinas ang daming uto-uto sa foreigner
 
Ano ba nangyari diyan di ko alam yan kakatamad kase magbasa e pakwento nga saken HAHAHAHHA 😆
Plastik si Nas Daily, Mababa tingin nya saatin. Ang gusto nya ay yung content na makakakuha ng maraming views kung hindi wala syang pake.

Kumbaga ginagamit nya lang ang Pilipinas para sa views kasi kapag daw nilagyan nya ng Philippines yung title instant million views. Then si Apo wang od yunh pinakamatandang magtatattoo sa pinas pinerahan. Nagbenta ng course about sa oldest tattoo sa pinas.
 
sa mga makakabasa nito, kapag may nakita kayong video reaction sa social media foreigner man o kahit ibang bansa wag niyong panoorin wala kayong mapapala promise😂😂 at sa mga bobong pinoy na mahilig manood ng mga ganito tigil-tigilan nyo nayan hnde nyo ba napapansin, kung bakit madaming foreigner na gumagawa ng video patungkol sa pinas,alam kase nila na madame silang mauutong pinoy na engot.😂😂👎 kaya kahit kailan hnde ako nanonood ng ganyan. mas pipipiliin kopang manood ng pinoy content na may matututunan.👍🙏
 
Grane kasi talaga kapag na feature yung Philippines sa iilang mga videos ng mga foreigner, yung nakakaproud ba kasi napapansin tayo sa ibang bansa.
Nahanapan tuloy ng butas para magatasan tayo. Hahahaha
 
sa mga makakabasa nito, kapag may nakita kayong video reaction sa social media foreigner man o kahit ibang bansa wag niyong panoorin wala kayong mapapala promise😂😂 at sa mga bobong pinoy na mahilig manood ng mga ganito tigil-tigilan nyo nayan hnde nyo ba napapansin, kung bakit madaming foreigner na gumagawa ng video patungkol sa pinas,alam kase nila na madame silang mauutong pinoy na engot.😂😂👎 kaya kahit kailan hnde ako nanonood ng ganyan. mas pipipiliin kopang manood ng pinoy content na may matututunan.👍🙏
Oo nga support local. Pashpash all the way haha.

Ok lang naman manood ng foreign movies pero ang dapat talaga matigil ay yung paghanga ng mga pinoy sa mga puti.

Nakakalungkot lang na sobrang baba ng tingin nila saatin pero kung tignan sila ng mga pinoy ay akala mo ambabait at ang gagaling.
 
Grane kasi talaga kapag na feature yung Philippines sa iilang mga videos ng mga foreigner, yung nakakaproud ba kasi napapansin tayo sa ibang bansa.
Nahanapan tuloy ng butas para magatasan tayo. Hahahaha
Pagtingin mo sa comment puro pinoy at kapwa asian din ang nanonood haha.

Gatas is real
 
mas ok pa panoorin si rjaybyuls 😹 dun tayo sa local 👌

1628175642553.png
 

Attachments

Similar threads

Back
Top