What's new

Patotoo

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
NAPAKAGANDANG PATOTOO NG ISANG READER NATIN NG DEVOTION!
BASAHIN NYO PO AT ISHARE SA IBA UPANG MA ENCOURAGE DIN SILANG MAGPATULOY SA KABILA NG MGA PAGUUSIG NA NARARANASAN MULA SA MGA MAHAL SA BUHAY! (Testimony of sis. Elma Munar)
Amen! Tested and proven sa Buhay ko Ang Salita ng Panginoon na binahagi mo ngayon Pastor Ombie Lontoc..."PAG UUSIG",salitang di ko makalimutan nong bago pa lang ako makakilala.sa.Panginoon....pinagpauna na Nya na mararansan ko ito...pero dahil bago pa ako, di ko pa gaanong naiintindahan..Noon pa man blessing sa akin Si Tatay...kumbaga Yung role Nya sa amin o sa akin ay di lang sya Asawa, kundi tatay, Kuya, kaibigan at tatay na din...in short responsible and super maunawain at mabait siya sa aming mag iina...nag iba siya noong nakakilala na ako sa Panginoon..along the way don ko naranasan kung ano ibig sabihin ng Salitang pag UUSIG at pagtitiis...sa biglang pagbabago ng character Nya...grabe Yung adjustment ko noon lalo na sa personal kong pag uugali..kase strong ako at matapang..sa bahay ako Ang authority...tapos eto need ko ng isuko ang authority na ito...doon ko naramdaman ang pagsama ng Diyos sa journey ko na yon...Yung sasabihan ako ng..magmula ng umanib ka sa born again na yan...nagkamalas malas na buhay naten..milagro ng Diyos...Hindi ako umimik..but sabe ko Kay Lord Hindi Yan totoo...ipakita mo sa Kaniya Lord..at madami pang pangyayari..nariyang sarhan kami ng pinto kapag galing kami sa prayer meeting bible study..lagi ko karay mga anak ko noon..kase.laging mainit ulo Nya...at kapag Sunday I need to wake up as early as 4 am..para .makapaglinis luto laba lahat..para pag alis naming mag iina tapos na lahat...para Wala syang masilip sa akin...ganon lagi ginagawa ko kahit ano pa ang sinasabi Niya...tiniis ko yun kase nga part Yun ng pag UUSIG for me as I stand my faith to Jesus...and Naranasan ko mismo ang Panginoon...wow nakakaya ko yun sa biyaya Nya..na hindi ako nasagot sa Kanya...e Hindi ako ganon dati ng wala pa ako sa Panginoon..dati kasi palaban ako sa Kanya noon...and then I begin to pray for Him na Sana makakilala din Siya kay Lord...para maranasan din Nya Yung kagalakan sa puso na mapaglingkuran ang Diyos...ganon lagi ginagawa ko for how many years..Kita Nya yun..till one Sunday morning aga pa din ako gumigising..sabi niya, sige na matulog ka na muna ako na bahala mamaya dito sa bahay...till tanggap na niya na di na niya ako matitinag sa paniniwala ko kahit ano pa sabihin niya..hanggang isang araw, after 9 years of praying..tinanggap din niya Si Lord sa buhay Niya..and wait pa din ako ng 4 years bago siya magchurch ng tuloy tuloy na, nang wala ng palya...kasi sabi ko sa kaniya noong hindi.pa.sya nag chuchurch but believer na Sya..ask.ko sya..ano pa tay ang kulang..me nakikita ka pa ba sa akin na di mo gusto yung ugali ko? Sagot lang niya lagi sa akin malapit na...ayun 4 years yung malapit na hehehe, but grateful to God kasi nong magdecide na sya to go to church tuloy tuloy na po..Kaya sa.mga kapwa ko mananampalataya..huwag po kayong mawalan ng pag asa..kapag may mga mahal tayo sa Buhay na wala pa kay Kristo..Pray lamang po and makipag cooperate kay Lord while waiting po..wag lang tayo dada ng dada about sa Salita ng Panginoon..need na makita nila yung binabahagi naten sa kanila na inaaplay naten sa buhay natin mismo! Ingatan natin at pagbutihin ang ating mga patotoo sa loob ng ating tahanan at isang araw makikita mo sila na ang kusang magyayakag sa iyong magchurch... Sa Diyos Ang Papuri! Amen!
 
Back
Top