What's new

Closed Para daw sating mga kalalakihan .ano say mo??

Status
Not open for further replies.

xHUn

Forum Veteran
Joined
Jun 13, 2016
Posts
1,059
Reaction
3,038
Points
613
Maiba naman ..
nabasa kolang sana maging motivation rin ito para di tayu makalimot..

Dear boys,
Bago mo siya patungan, dapat alam mo kung ano ang kahahantungan. Bago mo siya hubaran, siguraduhin mong kaya mo silang bihisan (Medyo may kalaliman pero tanungin mo ako kung hindi mo maintindihan) Oras na para kalimutan ang buhay binata at kailangan mong magpractice na mag-alaga ng bata. Dapat alam mong kailangan mong iwanan ang mga bisyo mo at simulan mo ng magbanat ng buto. Bago ka labasan, isipin mo muna ang kalalabasan. Kahit magkaroon siya ng kamot dapat hindi ka makalimot na pasiyahin siya tuwing siya'y nalulungkot. Wag mong ilabas sa loob kung wala kang lakas ng loob. Pinutok mo sa loob pero yung bunga hindi mo man lang hinintay na lumabas. Magaling ka kapag magbabawas ng lakas pero hindi mo kayang magtimpla ng gatas? Pag nailabas mo na ang KATAS wag kang taTAKAS. Hindi dapat puro LIBOG, takot na takot naman pag tiyan ng babae naging BILOG. Tuwang tuwa ka kapag sasabihin nyang "lalabasan na ako" pero hindi ka man lang natuwa nung sinabi sayong "lalabas na anak mo". Hindi dapat ganun bro. Dapat matuto ka ng tumayo sa sariling paa mo, hindi yung magaling ka lang kapag papatayuin yung alaga mo. Siguraduhin mong kapag yung *******cy test niya ay nag-positive hinding hindi ka magiisip ng kahit anong negative. Wag mong ipagpapalit sa tropa at alak ang iyong asawa't anak. Expert ka sa pagtimpla ng alak at chaser pero hindi mo kayang matuto na magpalit ng diaper? Wag ka sanang maging ganyan. Sana wag ding hit and run na pagkatapos mong madisgrasya tsaka mo tatakbuhan. Bago mo iputok sa loob ang iyong semilya, siguraduhin mong ready ka ng magkaroon ng sariling PAMILYA. Hindi porket dalawa ang iyong ulo, gagawin mong matigas pareho. Dapat yung pamilyang binuo mo panindigan mo hanggang dulo at higit sa lahat maging mabuti kang AMA.
A-nak na may utang na loob sa magulang
M-agulang na hindi magkukulang
A-sawa na hindi magsasawa
Hindi ka man naging mabuting anak sa mga magulang mo. Maging mabuting magulang ka naman para sa anak mo. Syempre maging mabuti ka din na asawa para masaya at kumpleto ang inyong pamilya.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top