- TS TS
- #21
Yung sa LDS, yung listahan nila, think of it as a sales lead. Gusto nila magbenta sayo ng something. Decline mo sila, usually titigilan ka nila the third time you say no. Be honest. I imagine kasi na mangangako ka sakinila na babalik ka pra lng matapos na ung encounter. Syempre tatanungin ka ulit nila pag hnd ka dumalo, samantalang ang sabi mo dadalo ka.
I dont see the point kung bakit kailangan mo alisin sarili mo sa catholic. Hindi nmn sila yung katulad ng iba na iimbitahin k sumamba ulit. Yung maga papeles na meron ka sakanila, hindi nmn nila gagamitin laban sayo. At kung kailangan mo man, makukuha mo padin yan regardless sa faith at tradition na sinusunod mo. Mejo binibigyan mo nlng sarili mo ng problema sa kagustuhan mo na yan.
Iniisip ko din kase ang mangyayari if ever lang naman na mawala ako dito sa earth. Meron dati kase na ekwento sa akin na meron sinalihan ang lalake na dalawang beliefs. Original baptize siya bilang Catholic. Pagkatapos meron pa siyang isang sinalihan na beliefs so bale dalawang beliefs na meron siya.
Nang namatay daw siya , dumalo sa burol ang mga grupo ng other beliefs na sinalihan niya. Nagalit ang mga kadugo ng lalake at sabay pinapalayas sila. Kung baga ang dadalo lang sa burol ng lalake ay puros Catholic lang. Ganun.
Para sa akin na disrespect na pinapalayas sila dahil nga hindi sila Catholic pero at the same time na hindi ko rin ma-blame dahil sumali din kase ang lalake sa grupo ng non-Catholic beliefs. Part of the group kase o ang ilan sa group ay maaaring friends din ng lalake.
I was imagining na papaano kung apat ang sinalihan ng lalake na relihiyon , baka kapag namatay siya at nasa burol na siya ay magsidaluhan ang apat na groups of beliefs ng lalake sa burol and ewan ko na lang kung mag-away away silang lahat doon. Meron pa kase iyan blessing galing sa ano man church kapag namatay ang tao.
E ang mga tao naman ay mostly , relihiyon lang daw ang kaligtasan nila kaya siguro nagsisidaluhan sila sa tao na namatay na at e be bless nila ang tao na namatay.
Mas mabuti , huwag na lang sumali sa mga religion. Religion lang naman iyan. Para sa akin ay wala sa kaligtasan ng relihiyon dahil sa mga dati ko na nababasa na after life experience o near-death experience ay wala naman sa kanila binabanggit na meron true religion nang namatay sila at muli nabuhay.