What's new

Closed " pangako... "

Status
Not open for further replies.

Hannibal

Addict
Joined
Mar 18, 2016
Posts
111
Reaction
43
Points
102
Pangako ako ay yuyuko.
Pangako ako’y di hihinto.
Pangako ako’y di kikibo.
Sa paglapit mo sakin,
ako ay lalayo.

Pangako, ako ay naghintay,
sa mga bagay na sa atin,
ako ay nagbantay.
Pangako, di na ako malulumbay,
sa mga binuhay mong pangako,
na matagal ng patay.

Pangako, hindi na ako iiyak.
Pangako, di ako manlilibak,
ni man ang hapdi,
di ako mabibitak.
Pakitaan man ng awa,
Hindi na’ko mahahabag

Pangako, di na ako maniniwala,
sa mga unang tingin,
sa mga nagniningning na tala.
Sa malinis na puso,
sa mga kupido at pana,
sa mga unang halik,
maging sa tadhana.

Pangako, hindi ito mapapako.
ni hindi magmimintis,
malapit man o malayo.
Dahil ako ay nasaktan,
mula buto hanggang kalamnan,
na nagpabago sa akin,
naging bato ang mga laman.
 
Madaling mangako
Minsan napapako
Dahil pusong nagmahal
Hindi laging bato ang sakdal

Malambot parin ito
Singlambot ng ugat nito
Maaaring matunaw kahit kailan
Maaari ring hindi naman.

Payo ko lamang kaibigan
Kabigua'y huwag gawing basehan
Upang puso'y hindi na ganahan
Dahil hindi lahat kailangan pagparisan.
 
Maari bang samahan mo ako sa madilim na buwan?
Kasama ng bituin? Malayo sa karangyaan?
Sabay tayong sumulat, sabay tayong maghanap,
ng mga bagay na masaya, sabay tayong mangarap

Tuparin natin ang pangako, buhayin natin ang napako,
sapagkat sa ritmo ng yong mga salita tila di ka pa sumuko.
Maari ka bang magpakita sa likod ng larawang nakatago?
at aking makita ang ang magpapalambot saking puso.

Mahirap man o malayo, maari ka bang di magtago?
maaring ikaw ang salamin sa katuparan ng mga pangako.
Na sa pagtitig ko ay makikita ang aking sarili na nakatayo
Na ang ating mga puso ay maaring magkasundo.
:):):):):)
 
Last edited by a moderator:

Mga bagay ay huwag gawing komplikado
Nagbigay lamang ako ng aking payo
Hindi naman kailangang maging tayo
Upang mapalitan yaong pangako mo.

:)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 7
    Replies
  • 189
    Views
  • 2
    Participants
Last reply from:
msstar

Online statistics

Members online
601
Guests online
4,831
Total visitors
5,432
Back
Top