Diana mercado

Honorary Poster
Joined
Nov 7, 2022
Posts
753
Reaction
335
Points
199
Bakit ayaw Ng mga lalaki na magsuot Ng maikli Ang mga gf nila, eh samantalang sila laging nakahubad😅,kailangan ba talaga lagi kaming naka pantalon at nka tshirt, wla ba kaming karapatan magsando at magshorts🤣pag naliligo din sa dagat may pa top less pa eh hindi nlng naghubad Ng shorts para magbrief nlng🤣, Hindi ba nila kayang maligo nang naka brief kailangan may pa shorts pa😅tapos pag babae nagpa tattoo sa dib dib sasabihin nyo gusto lng nmn magpa manyak🙄what if trip lng din nmn magpa tatoo sa dib dib para astig tingnan. tapos pag kayo kahit saang part Ng katawan magpatatoo normal lng🙄ganun ba talaga ka pakialamero Ang mga lalaki? Curios lng nmn Sana masagot
 
Una hindi lahat ng lalake. Personally I dont care kung ano suotin ng gf (now wife) ko. Wala ako pake kung may titingin sa kanya at mag pantasya. Maglaway sila.
In fact, meron syang nood photos nung buntis sya to celebrate her figure, and I am all for that.

Pero mas marami nga mga Pinoy na lalake ang nababalutan ng insecurity ang pagkatao nila, at ginagamit pa nila ang relihiyon to justify their insecurity (kahit hindi nmn sila religious). As long as maraming ganyan, hindi mababago ang tingin ko sa Pilipinas as beta male, simp and incel nation.
Isa pa, they objectify women in their minds, kaya sa takot sila maobjectify ang partner nila. Every guy thinks that they are the hero who protects their princess' image, and every other guy is just a savage. Mejo delusional, purely sexist, kung iisipin.

YAN ANG ISANG TOXIC CULTURE NA DAPAT MAWALA. Isa yan sa motivation ko sa pag visit dito sa love and relationship section. To transform away from beta male culture.
 
Last edited:
isipin mo nlang magiging ama ng mga anak mo.
what if may anak kang babae tapos nagsasando tas napaka-ikli ng shorts tapos may tattoo pa sa ******.
Ano gusto mo gawin ng asawa mo sa anak mo
a. pagsabihan
b. wag pakialaman

hindi naman kita ejujudge sa sagot mo .. syempre diskarto mo sa buhay yan hehe..
 
Last edited:
isipin mo nlang magiging ama ng mga anak mo.
what if may anak kang babae tapos nagsasando tas napaka-ikli ng shorts tapos may tattoo pa sa ******.
Ano gusto mo gawin ng asawa mo sa anak mo
a. pagsabihan
b. wag pakialaman

hindi ko naman kita ejujudge sa sagot mo .. syempre diskarto mo sa buhay yan hehe..
I dont see a problem with that bilang ama. Nasamin nmn bilang magulang kung tuturuan nmin siya mandiri sa maikling damit saka tattoo. Nasamin bilang magulang kung tuturuan nmin siya mag objectify ng babae, o mandiri sa sarili nyang kaatawan kung babae siya. Nasamin magulang king tuturuan nmin siya idepende sa control nya sa pananamit ng partner nya ang confidence bilang lalake.

It is really up to us to set the taboo.
 
Ganon ka empowering sa pagkatao natin mga lalake na may bagay na "for your eyes only"?

I dont see a problem with that bilang ama. Nasamin nmn bilang magulang kung tuturuan nmin siya mandiri sa maikling damit saka tattoo. Nasamin bilang magulang kung tuturuan nmin siya mag objectify ng babae, o mandiri sa sarili nyang kaatawan kung babae siya. Nasamin magulang king tuturuan nmin siya idepende sa control nya sa pananamit ng partner nya ang confidence bilang lalake.

It is really up to us to set the taboo.

as if hawak mo ang mundo?

My point is this..

pag sinabihan mo ang leon na wag kang kagatin, mag eexpect ka bang di ka kakagatin?
pag sinabihan mo yung mga tamang manyak na drug addict na wag manyakin ang asawa mong maikli ang shorts, na nakasando na may tattoo sa ******, do you expect na di siya mamanyakin?

ang pagbabawal sa mga mahal sa buhay ay isa sa mga paraan para protektahan sila sa mga masasamang bagay.

I got your point. So it depends on what type of husband would she prefer.
di ko sinasabi na ako yung tama at ikaw ang mali.
depende nlang tlga sa tao yan hehe :) peace
 
Wala akong sinasabi kung tama o mali. I legit want to understand your point of view kung ano pinanggagalingan nito.

Ang pinag uusapan natin ay pananamit. Hindi masamang bisyo na makakaapekto sa kalusugan. So ano konek nito sa leon? Pag nagsuot ba ng pantalon at mahabang manggas, at walang tattoo.. mapipigilan ba nito ang masamang loob?

Pero lets follow the logic. Halimbawa ikaw ang may anak, na hindi mo successfully nabawalan sa cetain na pananamit... at nagkataon na may masamang nangyari, dapat bang sisihin siya ng madla dahil sa pananamit nya? Pero lets say maayos manamit, pero nangyari... saka lang ba
mababawasan ang guilt nya as victim?

Naalala ko, noong nkatira ako sa abu-dhabi. Balot na balot manamit ang mga babae. Pero tingin ko din mas hayok ang mga lalaki doon. Pero noong nasa amerika nmn ako, may mga babae na nakakapaglakad sa lansangan na pintura lang ang harang sa mga tinatago. Oo agaw atensyon, pero hindi binabastos. Kung mamimili ka ng kultura kung saan mas safe ang anak na babae... saan sa dalawa?

depende nlang tlga sa tao yan hehe
Hindi tlga ako kuntento sa ganyang conclusion. Merong lalake na binubugbog ang asawa sa public, hindi nmn pwede hayaan lng natin kasi "depende sa tao yan".
Meron lalaki na hindi kinukulong sa bahay ang misis.. pero likewise hindi sapat ang "depende sa tao yan.."

as if hawak mo ang mundo?
At yun nga ang point. Yung pakikialam natin mga lalake sa pananamit nila, parang lumalabas na desperate na paraan nating lalake na maramdamanan na may kontrol tayo sa mundo. Ang hawakan sa leeg ang mga mhal natin sa buhay.
 
Last edited:
Pag nagsuot ba ng pantalon at mahabang manggas, at walang tattoo.. mapipigilan ba nito ang masamang loob?

- Well not 100% , would it lessen the possibility na mamanyak siya? definitely YES.

At yun nga ang point. Yung pakikialam natin mga lalake sa pananamit nila, parang lumalabas na desperate na paraan nating lalake na maramdamanan na may kontrol tayo sa mundo. Ang hawakan sa leeg ang mga mhal natin sa buhay.

- Isipin mo nlang nasa pilipinas ka nagkalat mga drug addict at rapist, would you risk your daughter going outside na may malaswang suot? na you know na mas malaking chance na mapahamak sya pag ganun suot nya? The fact na wala kang control sa mundo, wala ka na ding gagawin? Para mo na ding sinabi na di mo na kailangan maligo , madudumihan ka rin naman.

I legit want to understand your point of view kung ano pinanggagalingan nito.
It's for the safety.

So sa tanong ni TS, na bakit pinagbabawalan siya ng BF nya magsuot ng malaswa? syempre para di siya mapahamak at di siya mabastos. gets? or di parin?

di parin gets?
 
- Well not 100% , would it lessen the possibility na mamanyak siya? definitely YES.
Logic only works if nakatanim sa isip mo na kaya napapahamak ang babae dahil sa suot niya, instead na dahil hayok yung taong gagawa sakanya nun. As long as hindi nanonormalize yun, the more na iassociate natin yung as a welcome para bastusin sila.

Isipin mo nlang nasa pilipinas ka nagkalat mga drug addict at rapist, would you risk your daughter going outside na may malaswang suot? na you know na mas malaking chance na mapahamak sya pag ganun suot nya? The fact na wala kang control sa mundo, wala ka na ding gagawin? Para mo na ding sinabi na di mo na kailangan maligo , madudumihan ka rin naman.
Addicts and rapists exist around the world. Pero the desire to rape just because women wear short clothes only exist in hyper-conservative or pretending conservative places.

Contrary sa opinion mo about what i think, i want these rape to stop. But through normalization. Tama na yung delusion na sakalin ang kababaihan para sa moral justification ng lalake bilang tagapag ligtas.

Kasi yang excuse na abusuhin ang karapatan ng kapwa mo para proteksyinan mo siya, gamit na gamit na sa bilang ng pang aabuso na ginawa ng tao. Tulad lang yan ng pag tanggal pag babawal sa babae mag aral noong unang panahon, o magsalita ng sarili nilang opinion. Lahat yan para ingatan ang imahe nila na tayo din ang nag impose kung paano nga ba dapat.

Pag sa gobyerno.. sinabi ng leader na bawal nyo gawin ang isang bagay for "safety" pero yung rule ay hindi applicable sa leader na nag set nito... we cal that dictatorship and immoral. Pero ung mismo ginagawa nating mga lalake sa mga babae..

So sa tanong ni TS, na bakit pinagbabawalan siya ng BF nya magsuot ng malaswa? syempre para di siya mapahamak at di siya mabastos. gets? or di parin?
Gets ko. Pero ung sagot na yan it sounds ingenuine. If we are going to be totally honest, kaya natin binabawal yan dahil sa deep insecurity natin sa relationship.
 
Last edited:
Hindi nmn talaga malaswa Ang shorts at sando eh, mga mini skirt at Yung mga pang sê×ÿ na damit,Ang malaswa eh Yung utak Ng lalaki, kahit ano pa suot mo as long as BABAE KA, mamanyakin ka talaga Ng lalaki, kahit nga tomboy eh minamanyak din pag lasing.
 
Bakit mo ba palagi pinag kukumpara ang lalaki sa babae lalo na sa pananamit? Alam mo naman siguro pinagkaiba ng babae sa lalaki diba ganito lang yan ang mga lalake kasi pwede yan mag hùbád kahit walang brief man yan o wala ma r@pe man ang lalaki walang magbubunga unlike sa babae ang babae di tlaga basta basta pwede magpakita ng pisngi ng mga private part nyo dahil nga nagkalat ang mga lalaking demonyo kung mag isip

Kung nag complain ka about dyan ano ka bang klaseng babae conservative o hubadera

Wag mo ng paguluhin pa ang mga bagay bagay para mawala pag iinarte mo pumili ka ng lalake na pasok sa gusto mo ng mawala mga hinaing mo sa buhay
 
Bilang lalaki attention seeker yung mga babaeng may suot ng revealing clothes compare sa naka pantalon. Sa tingin ko di rin naman gusto ng mga babae yung lalaking may malaswang tingin sa kanila
 
nako pu… may nagdedebate na.. 😂
ganun lang kadali ang solution jan kung ayaw niya na may nagbabawal sa kanya at feel niya na nakakasakal yung pinagbabawalan sa isang bagay ay hiwalayan niya na bf niya at nasa kanya na yan kung mabastos man siya ng ibang mga lalake eh ginusto niya magsuot ng ganyan eh may magagawa ba tayo? eh trip niya yan edi hayaan niyo siya😂
 
Kasi naman sino ba naman papayag na yung dapat ipakita mo lang sa kanya, pinapakita mo rin sa iba. At kung sa lalaki naman, kung tigtignan mo naman, wala namang magnanasa? Or usually ang pagnanasa ay "sa babae generally na ang lalake ang may pagnanasa".
 
Ang mga lalaki ay may iba't ibang pananaw at opinyon tungkol sa suot ng kanilang mga girlfriends. Hindi lahat ng lalaki ay ayaw sa kanilang mga girlfriend na nakaikli, hindi rin lahat ng lalaki ay palaging nakahubad. Mayroon din mga lalaki na hindi sila nakapagpapakita ng katawan nila sa publiko at mas gusto nila ang hindi maraming balot. Hindi naman dapat ginagawang basehan ang kasarian ng isang tao para masabing may karapatan o wala sa kanyang personal na pananamit. Mayroon din ibang mga lalaki na walang pakialam sa pagpapatali ng kanilang mga girlfriend o sa pagpapa-tattoo ng mga babae. Lahat naman tayo ay may iba't ibang pananaw at gusto sa buhay, hindi lang tungkol sa kasarian, kaya hindi dapat natin hinuhusgahan ang isa't isa. Ang importante ay magkaroon ng respeto at pag-unawa sa pananaw at mga gusto ng bawat isa.
 
Bilang lalaki attention seeker yung mga babaeng may suot ng revealing clothes compare sa naka pantalon. Sa tingin ko di rin naman gusto ng mga babae yung lalaking may malaswang tingin sa kanila

Sorry, sir but I beg to disagree po hehe. Just because ang babae ay gustong magsuot ng sê×ÿ clothes doesn't mean ay attention seeker na sya. Iba-iba po kasi ang mga babae. May iba na mas komportable o mas feel nila na naeempower sila by wearing those type of clothes and may iba din po na mas komportable sa pagsusuot ng mga damit na balot na balot. Wala naman pong mali sa dalawa. To each their own ika nga po. Hindi naman po hinihiling ng isang babae na mabastos sya or macatcall sya dahil nakashorts syang maiksi or nakasando sya na labas ang cleaveage. Tingin ko hindi pananamit ng mga babae ang problema kundi mindset ng karamihan sa mga lalaki dito sa Pilipinas po.
 
Similar threads

Back
Top