What's new

Pahingi po ng tips sa pagbili ng 2nd hand GPU

chrixz

Addict
Joined
Aug 20, 2020
Posts
87
Reaction
16
Points
108
Plano ko po kasi bumili ng second hand GPU dahil mas mura, ang mga disadvantage po kasi na nababasa ko ay kapag nagamit na raw sa crypto mining, pano po malalaman kapag okay pa ba ang GPU kahit gamit na sa mining?
 
Tip #1: Huwag kang bibili nang 2nd hand gpu.

Minsan ka lang bumibili nyan, once in every 10 years kumbaga. Why settle for less? Ipon ka lang nang onti, mabibili mo rin yan.
 
para sakin ts, okay lang naman bumili ng second hand gpu, basta may warranty. stress test bago bilhin, tapos pag nasa bahay na stress test ulit for 7 days to make sure na okay talaga

sa totoo lang meron akong kaibigan na minero sobrang alaga talaga sa gpu. nakaaircon + palaging naglilinis talaga. minsan nga gamers pa yung balasubas gumamit
 
24/7 ginagamit ang mga nag crypto. So expect na mabilis masira yun. Though hindi ko naman sinsabi na pangit bumili ng 2nd hand. Iwasan mo lang ung mga ginamit sa crypto. Yung 1050ti ko nabenta ko nalang 4k. Mura na ang brand new ngayon kahit hindi rtx. Medyo mahal pa kasi rtx bili ko sa 2060 ko is nasa 20k pa
 
Hindi ko alam bakit pag galing mining ayaw, minsan mas ok pa yan kase mga naka undervolt yan minemaintain nila ng maayos yan

Check mo ung Philkor, nagbebenta 2nd hand with 1 year warranty
 
Hindi ko alam bakit pag galing mining ayaw, minsan mas ok pa yan kase mga naka undervolt yan minemaintain nila ng maayos yan

Check mo ung Philkor, nagbebenta 2nd hand with 1 year warranty
yun nga eh hahah.. iniisip kasi ng iba basta mining automatic panget. hindi nila alam na mas maingat pa mga minero kasi kumikita sila ng pera dun and laging maintenance and nakaaircon pa nga yung ibang minero
 
dipende sa miner my mga ilan na talagang basubas sa card nila
pero as long as sinabi ng seller na miner sya then alam mo na na alagaan yung card
di matatakot sabihin ng seller na ginamit yung card sa mining pag nalagaan ng maayos
dipende rin sa video card model my mga vcard na maiksi na talaga buhah maski na alagaan
tulad ng mga rx580 dalawang cycle na ginamit sila pang mina kaya onti na lang talaga buhah nila
 
Bili ka nang gpu na binebenta na rfps id upgrade purpose, personal use.. check mo din kung may mga lumubo na capacitors at corrosion sa board, wag rx 580 na branded kasi yan palagi ginagamit sa mining. Kung gusto mo rx 580 na brand new..go sa aisurix brand. Or mga nvidia ka na 2nd hand like 1650 and up
 
Hindi ko alam bakit pag galing mining ayaw, minsan mas ok pa yan kase mga naka undervolt yan minemaintain nila ng maayos yan

Check mo ung Philkor, nagbebenta 2nd hand with 1 year warranty
so far sila yung goods seller na ganyan with 1year warranty. gulat din ako at ganyan ka haba warranty. So far olats sa area ko di naman ginamit pang mining pero pang covid era presyo hahaha
 
Similar threads

Back
Top