What's new

Pahelp po sa may mga alam sa LAW

CWzAi

Addict
Established
Joined
Feb 10, 2019
Posts
87
Reaction
15
Points
111
Age
25
May napasok po kasi kaming work ng jowa ko na ang ginagawa lang is mag like, comment and share ng mga ginagawang mabuting nung isang politician. Nag go kami kasi meron po kaming 30 accounts na dummy. Ang sabi niya sa amin nung una 3 accounts 100php bayad sa isang task. Nung nagsimula kami paisa isang link lang sinisend nya na ilalike and share positive comment namin. Hanggang sa lumipas siguro isang week minsan sa isang araw 3 link ginagawa namin. Hindi naman madali yun pero ginagawa namin kasi sayang naman yung bayad pero wala pa kaming sinasahod nun maliban sa pinakaunang 100 at pameryenda nya daw na 100 mga 3 beses lang sya nagbigay ng 100 sa loob ng 1 month nung nag 1 month akala namin malaki masasahod namin kasi madame nga ginagawa namin araw araw kaso 500 lang binigay nya samin knowing na nung una sabi nya samin may 500 syang utang samin. So parang nagbayad palang sya. Tapos sabi nya abono abono muna daw sya kasi wala pa daw sahod eh sa mahirap nga din gawin kaya nagdecide kami na itigil kasi nakahanap na din kaming ng work at umuwi kami dito sa magulang ng jowa which is malayo dun sa dating tinitirhan namin mga 4hrs biyahe. Naging busy kami di na namin nagawa mga pinapagawa nya. Nahiya kami at the same time nahihirapan na talaga kami gawin yung mga task kasi sa dameng account nadagdagan pa yun ng 15 kasi pinadagdag nya. Nagpaalam kami ng maayos na baka di na namin magawa nagreply siya ng "ay ganun ba, ano pa nga ba?" Parang nagalit pa sya. Tapos nag left siya sa gc eh sa inis namin kasi nga sya na may bayaran samin kung tutuusin kinumpronta namin na bakit sya ganun at nagsabi kami na kung may nakuha man sya samin sa kanya na sa dame ng account namin. Then eto lang pinakamali na ginawa namin na nagcomment kami ng 3 beses lang dun sa sinuportahan ng mga dummy namin ng sinasabi namin na di naman totoo mga nagcocomment dun at binabayaran lang pero di naman nakakabayad. Siguro nakita nya, eh nakablock na sya samin kaya ate ko yung chinat nya na ibabaranggay daw kami kasi kinakalaban daw namin politiko, malaking politiko daw. Ang gusto nya umuwi kami sa dating tinitirhan namin at kausapin daw sya kasi grabe daw ginawa namin tinakot nya ate ko na si ate daw papabaranggay kasi si ate daw nagrecommend sakanya samin kasi dating amo sya ng ate ko. Ngayon chinat namin sya pero di samin nagrereply sa ate ko lang. Parang nakakaano lang po kasi porket alam nyang di kami mga nakapagtapos, kumbaga porket wala kaming masyadong pinag aralan. :<
 
anong klaseng politiko ba iyan, parang walang pera haha pili-in niyo naman yung nakahiga sa pera juice ko lerd ang liit ng singil ninyo

about sa Law naman ay ignore mo lang yung threats kasi wala siyang panalo sa inyo, pwede niyo pa nga siyang ipakulong via bribery case
 
Last edited:
Thank you po. Hanggang ngayon di pa rin sya natigil. Hindi ko nga alam kung galit ba sya dahil sa ginawa or nanghihinayang sya sa nakukuha samin dahil sa dummy account namin :(
anong klaseng politiko ba iyan, parang walang pera haha pili-in niyo naman yung nakahiga sa pera juice ko lerd ang liit ng singil ninyo

about sa Law naman ay ignore mo lang yung threats kasi wala siyang panalo sa inyo, pwede niyo pa nga siyang ipakulong via bribery case

Grabe ba hahaha pero thank you po
 
Wag kang kabahan te, actually nasa inyo upperhand kasi kayo mismo yung proof na di totoo mga nag c comment. Tinatakot lang kayo nyan kasi alam nilang maaapektuhan image nila. Impossibleng ipa barangay kayo nyan, mas marami mawawala sa kanila kesa sa inyo.

Natatakot lang mga yan kasi mababahiran image nung pulitiko
 
Gamitin nyo lahat ng account para ibulgar siya lalo, edit nyo previous comments and reactions para magka bulgaran na. Wag matakot. Ang b0b0 naman ng pulitikong yan, sa lahat ng dapat osehin, ang troll army pa. GGWP yan kung ako.

Mag ingat lang kayo sa mga words na ginagamit nyo, para hindi ma cyber libel.

Make sure to keep all screenshots sa previous conversations nyo for back-up purposes, way lang e post online.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top